{32} BONDING TIME

625 26 36
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Yan kase, landian pa." Napasimangot na lang ako habang tinatayo kami nina Jin hyung. Tiningnan ko si Kookie at nakitang halos umabot na rin sa sahig ang nguso nya dahil sa pang-aasar ng mga hyung.

"D-Di naman kasi namin sinasadya--"

"Asus. Sabihin nyo miss na miss nyo lang ang isa't isa." Singit ni Hobi hyung. "..at talagang sa harap pa kayo ng inosenteng si Akira nagtukaan. Grabehan lang, ah?" Sabi  naman ni Chim na kinangiwi ko.

"Eomma, Appa, are you both fine?" Nag-aalalang tanong ng strawberry ko.

"They're perfectly fine, Aki.." Nakangising sabi ni Chim. "Are you sure, Uncle? They fell, right?" Tanong pa ni Akira.

"Probably, Aki. They fell but they're alright. Don't worry about them. Sanay naman ng masaktan yang dalawa na yan." Sabi ni Jin hyung kaya dahan-dahang tumango si Akira.

Sa pagkakaalam ko ay medyo nakakaintindi sya ng tagalog pero mas sanay sya na English ang gamitin. Konti lang din ang alam nyang tagalog words dahil nasanay nga syang english ang gamitin.

"Parang double meaning yon, ah?" Sabi ni Hobi hyung na kinatawa ni Jin hyung. "Sanay naman na talagang masaktan yang dalawa na yan, ah? Wala na lang sa kanila yung pagkahulog nila sa upuan." Sabi pa ni Jin hyung na kinailing ko na lang.

Muli kong tiningnan si Kookie at pakiramdam ko ay namula ang tenga ko nung makitang nakatitig sya sakin. Di ko alam kung mag-iiwas ba'ko ng tingin o tititigan din sya.

Parang may gusto syang sabihin at sa tingin nya dinadaan lahat. Kinunutan ko sya ng noo kaya napakurap sya. Parang dun nya lang na-realize na nakatingin din ako sa kanya. Mabilis syang nag-iwas ng tingin matapos tumikhim.

"Tama na yang usapan na yan, hyungs." Sabi nya at ibinaba si Akira mula sa counter. Inayos nya ang jumper nito dahil halos nakalaglag na yun sa balikat nito. Ngumiti sya kay Akira at nung mga oras na yun ay parang tumalon ang puso ko.

I didn't even realize that I miss his smiles especially his bunny teeth this much. >,<

"At may nabihag na naman pong Tigre ang bunny smile ni Kuneho. Napaka-nice namang moment nito. Kanina pa kayong dalawa, ah? Nagkabalikan na ba kayo?" Hirit ni Jimin kaya nagtatakang tiningnan ako ni Kookie. Mabilis pa sa alas-kwatrong nag-iwas ako ng tingin.

Ilang beses ko na bang sinumpa si Park Jimin sa utak ko? Di ko na yata mabilang. Napakasarap nyang lunurin sa pool nina Yoongi hyung ngayon mismo.

"Mamaya ka sakin, Park Jimin." Bulong ko habang sa ibang direksyon nakatingin. "Ano yun, Tae? May binubulong ka yata?" Sabi pa nito kaya asar ko syang pinanlakihan ng mga mata.

"Wala~~ wala kong binubulong dito. Sabi ko naman sayo linisin mo na yang tenga mo, eh." Pilit na pilit ang ngiting sabi ko at medyo pinisil pa ang braso nya. "Aray, medyo masakit yung pagkakahawak mo, ah?" Pekeng tawa nito kaya tumangu-tango ako.

Mas didiinan ko talaga yan pag di ka pa nanahimik, Jimin.

"Halika na sa sala." Sabi ko at nagpatiuna na sa paglalakad. Binagsak ko ang sarili ko sa long sofa at binuksan ang TV. Nagsipagsunod naman sila sakin at nagkanya-kanya rin ng pwesto.

"Tae, umupo ka na lang kaya? Walang pwesto yung mag-ama, oh." Sermon sakin ni Namjoon hyung kaya mabilis akong umiling.

"Masakit likod ko, hyung. Kailangang mapahinga ko to." Sabi ko habang nakasimangot.

SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon