KIM TAEHYUNG'S POV
"Damn, yan na nga bang sinasabi ko sayo, Jeon Jungkook! Napakalakas ng loob mong uminom kanina tapos ngayon halos makipaghalikan ka na dyan sa sahig!" Napangiwi ako nung marinig ang galit na galit na boses ni Jin hyung.
Sandali ko silang nilingon at nakita si Kookie na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa couch. Mukha syang presentable nung dumating sya kanina pero ngayon, para syang lasenggo sa kanto. Napailing na lang ako at nilingon si Bogumie.
"Ikaw? Wala ka bang balak umuwi?" Tanong ko dahil mag-aalas-tres na rin. Kanina pa nagsipag-dating ang ilan sa mga bisita ni Yoongi hyung at ngayon nga ay kami-kami lang ang naiwan dito.
Ang ilan sa mga pinsan nya ay nakitulog na lang dito dahil nga di na kayang umuwi. Tiningnan ako ni Bogumie habang may hawak pang baso ng alak. Halos wala na rin sya sa sarili dahil nilasing sya nina Namjoon hyung. Oo, napagtripan nilang maglaro at laging talo tong lalaki na'to.
"Di mo ba'ko sasamahan pauwi, Vantae?" Malambing nitong tanong. Nakuha pa'ko nitong akbayan at ibagsak ang ulo nya sa balikat ko. Napalunok ako nung tingnan kami nung mga kaibigan namin. Tanging sina Seokjin hyung, Hobi hyung at ako na lang yata ang nasa matino pang pag-iisip.
"Bogumie, kung hindi mo na kaya ay makitulog ka na lang din dito." Sabi ko habang mahinang tinatampal ang pisngi nya. Balak pa yata nitong matulog sa balikat ko. -_-
"Uhm.." Bulong nito at dahan-dahang inangat ang mukha nya. Napaatras ako dahil halos magbangga na ang ilong namin. Ngumisi sya sakin na kinangiwi ko.
"Ang cute mo pala, Vantae?" Tanong nito habang sinusundot-sundot ang pisngi ko. Inalis ko ang kamay nya dun. "Oo, cute ako at lasing ka na kaya tumigil ka na sa pag-inom, okay?" sabi ko.
"Ang cute talaga ng Vantae ko!!" Sabi ulit nito kaya dahan-dahan ko syang tinulak palayo sakin. "Ang sweet nyo naman dyan." Komento ni Chim na nakasandal rin kay Yoongi hyung na kanina pa tulog.
"Isa ka pa, tama na yang kakainom!" Sabi ko habang nakaduro kay Jimin. Tumawa lang ito at yumakap kay Yoongi hyung. "Vantae. Vantae. Vantae." Paulit-ulit na bulong ni Bogumie at talagang bumalik pa sa pagsandal sa balikat ko.
"Bakit?" Tanong ko. "Isang baso na lang.." Sabi nito habang nakapikit. "Itulog mo na lang yan." Sabi ko habang nilalayo ang baso sa kanya.
Nagulat ako nung bumagsak si Bogumie sa sofa nung may tumulak sa kanya palayo sakin. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Kookie na inaawat ni Jin hyung.
"IKAW! KANINA KA PA, AH?! Bakit ba napaka-clingy mo, hah?! Gusto mo bang maupakan?!" Galit nitong sigaw kay Bogumie. Tumayo si Bogum at mabilis na kinwelyuhan si Kookie. Mabilis akong tumayo at pilit silang pinaghiwalay.
"Ikaw?! Anong problema mo at nanunulak ka?! Sino ka ba at ganyan ka na lang makabakod kay Vantae, huh?! Kanina ka pa nagpapansin, eh!" Sigaw din ni Bogum dito.
BINABASA MO ANG
SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]
Romance"Kung gusto mo'kong titigan ng matagal, feel free to visit my unit" napalingon ako sa kanya nung sabihin nya yun. Nagsalumbaba sya bago ako ngisihan. "Taehyung, alam mo naman ang address ko, diba?--" "Gago, pakialam ko sa address mo?" Angat-kilay ko...