THIRD PERSON'S POV
"WOAHHHH!!!! ANG SAYA!!!" Malakas na sigaw nina Taehyung at Jungkook habang nakasakay sa rollercoaster. Kasama nila dun sina Namjoon at Seokjin na kapwa nakikisigaw din. Nasa ibaba naman ng roller coaster si Hoseok at busy sa paglalaro ng mini games na ino-offer ng lugar.
"Baby Aki, you want cotton candy?" Tanong ni Jimin kay Akira na kanina nya pa buhat. Katabi nya si Yoongi na kumakain ng tinapay. Pareho nilang tinanggihan ang pagsakay sa roller coaster dahil baka di na sila makababa sa takot. Sila na lang ang nagpresintang magbantay kay Akira lalo na't di ito pwede sa mga extreme rides.
"Mag-aalas-otso na. Mamaya lang ay kakain na tayo ng dinner sa food court nitong lugar. Wag mo na syang pakainin ng matatamis at baka mawalan yan ng gana" sermon ni Yoongi kaya napatingin sa kanya si Jimin.
"Pakagat." Nguso ni Jimin sa tinapay na kinakain ni Yoongi. "Bakit di ka bumili ng sayo?" Kunut-noong tanong nito na kinasimangot ni Jimin.
Nakatingin lang sa kanila si Akira at tahimik na nakikinig. "Konti lang naman. Medyo gutom na kasi ako" sabi ni Jimin pero umiling lang si Yoongi. "Bumili ka na lang. Mauubos ko na'to, oh. Pagbaba naman nila dyan ay kakain na rin tayo." Napailing na lang si Jimin dahil talagang walang sweet bones sa katawan ang asawa nya.
"Uncle Pretty, you're hungry?" Malambing na tanong ni Akira kaya napalingon sa kanya ang dalawa. "Ahm, yes, but don't worry about me. I can handle myself. Uncle Pretty is strong." Kumindat pa si Jimin kaya napatitig sa kanya si Akira.
"Here." Napatingin si Jimin sa inaabot sa kanya ni Akira. "Strawberry Eomma bought me sandwich before they ride the roller coaster. He put it on my baby pocket." Inosenteng sabi nito kaya napangiti si Jimin.
"You're so cute and humble, baby Aki, but that's yours. Baka magalit ang Eomma mo kapag kinuha ko yan. Bring it back to your baby pocket." Sabi ni Jimin pero di sya sinunod ni Akira. Tinanggal nito ang pagkakabalot ng sandwich.
"Appa and Aunt Reighn told me that I should share what I have to the people who needs it. I'm not hungry that's why I'm giving it to you, Uncle Pretty." Sweet na sweet na sabi ni Akira.
"Argh! Kundi lang ako sasakalin ni Jungkookie at babatukan ni Tae ay baka inuwi na kita. Why are you so cute?" Malamlam ang mga matang sabi ni Jimin pero ngumiti lang si Akira.
"I will feed you because you're carrying me." Sabi nito bago itapat ang sandwich sa bibig ni Jimin. Kinagat naman iyon ni Jimin at nginuya. "Thank you, sweetie." Bulong nya dito kaya tumangu-tango si Akira. "You're welcome, Uncle Pretty." Sweet na sabi nito at nagpatuloy sa pagpapakain kay Jimin.
Samantala ay patingin-tingin naman si Yoongi sa dalawa. Napa-cross arms na lang sya at nag-iwas ng tingin.
"Selos?" Biglang sulpot ni Hoseok sa tabi nya habang umiinom ng sprite.
"What? Ako? Magseselos sa bata? Kalokohan." Mabilis na sabi nya na may kasama pang pag-iling
![](https://img.wattpad.com/cover/270217295-288-k273101.jpg)
BINABASA MO ANG
SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]
Romance"Kung gusto mo'kong titigan ng matagal, feel free to visit my unit" napalingon ako sa kanya nung sabihin nya yun. Nagsalumbaba sya bago ako ngisihan. "Taehyung, alam mo naman ang address ko, diba?--" "Gago, pakialam ko sa address mo?" Angat-kilay ko...