《15》NIGHT FULL OF LOVE

636 25 23
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Shit! Bukas na ang University Ball! Who's excited???" Sigaw ni Jimin sa loob ng classroom na kinatawa ko. Di naman halatang sya ang pinaka-excited sa pinapakita nyang yan. "Mr. Park Jimin, alam kong excited ka na pero mas mabuting bumalik ka na sa upuan mo" natatawang sabi ni Prof Luisa kaya lahat kami ay natawa sa reaksyon ni Chim. Nag-iingay kasi sya tapos di niya alam na kanina pa nasa pintuan ang Prof namin.

"Oh! Nandyan ka na po pala, Prof, hehe. Good morning po!" Sabi ni Chim bago dali-daling umupo. Tumungo naman si Prof sa mesa nya at ibinaba ang mga gamit nya.

"Good morning, class. I know that all of you are excited for tomorrow. But may I ask if you already have your dates now?" Nakangiting tanong ni Prof kaya napansin ko ang kilig at saya ng mga kaklase ko.

"Yes naman, Prof!" Sabi nila. Nagkanya-kanya sila ng sabi kung sino ang mga date nila kaya nagkaroon tuloy ng mga asaran. Natigil ang lahat nung bumukas ang pinto at pumasok ang halatang kagigising lang na si Jeon Jungkook. Tama kayo ng nabasa, si Jeon Jungkook nga na boyfriend ko ay ubod ng late. -_-

"Good morning, Prof" humihikab na bati nito na mas kina-pokerface ko. "Good morning din naman sayo, Mr. Jeon Jungkook. Mukhang napasarap tulog mo, ah?" Tanong ni Prof na kinayuko ko. Tengene.

"Ahm, opo. Kausap ko po kasi kagabi sa phone si--"

"Taehyungie!!" Excited na sigaw ni Chim na kinapula ng buong mukha ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang bahagyang iyuko ang ulo ko nung lumingon silang lahat sakin. "Oo, tama ka Chim!" Parang tangang sagot ng baliw kong boyfriend. May pa-thumbs up pa sya na kinangiwi ko.

"Mukhang nagkaka-mabutihan na yata itong dalawa nating heartthrob. So, sino nga ba ang kaparis mo sa University Ball bukas, Mr. Jeon?" Tanong ni Prof kay Jungkook. "Prof talaga, tinatanong pa po ba yan?" Natatawang sagot nya habang naglalakad palapit sakin. Mabilis nyang hinalikan ang noo ko na mas kinapula ng mukha ko.

"Good morning, baby" bulong nya bago umupo sa tabi ko. "Mukhang alam na namin ang sagot" tumatawang sabi ni Prof. Nag-usap-usap ulit sila tungkol sa ball bukas na sinasabayan na rin ng asaran at tawanan. Napunta lahat ng pang-aasar kay Jimin dahil ayaw nyang aminin samin kung sino ang date nya bukas ng gabi.

"Sino munang date mo bukas, Chim?" Pagsali ko sa kalokohan nila. "Secret" sabi nya sabay kindat sakin.

"Naku, unfair! Alam mo kung sino ang mga date namin. Sabihin mo rin kung sino ang sayo" panggagatong ni Jungkook kaya napapalakpak ako. "Guys naman, wala namang ganituhan!" sabi ni Jimin pero nagsipag-iling kaming lahat.

Oh, I'm sorry Chim but I'm so curious about your date.

"S-Si ano.." mukha syang batang kinikilig kaya malakas akong tumawa. Mukhang tanga tong kaibigan ko. "Wag ng pabitin, Jimin!" Hiyawan ng lahat na tinatawanan lang naman ni Prof Luisa. Hindi sya nagklase para mabigyan kami ng oras sa ganitong kulitan at asaran.

"S-Si Yoongi hyung!" Pikit mata nyang sigaw na kinatigil namin ni Jungkook. "WHAT?!" sigaw ni Jungkook samantalang dahan-dahan namang tumango si Jimin.

Nagkatinginan kaming dalawa dahil di talaga kapani-paniwala. How come? Ni hindi nga namin sila nakitaan ng romantic gestures pagdating sa isa't isa.

"I can't believe this! Sino ang nang-aya?" Tanong ni Jungkook. Napakamot sa noo nya si Jimin dahil dun. "Kailangan bang pati yun ay alam nyo?" Tanong ni Jimin. "Oo naman!" Sagot ko kaya masamang tingin ang pinukol nya samin. 

SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon