{26} FEAR THE JEONLOUS BUNNY

587 21 14
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Really? Uuwi na sya? Ano nga palang pangalan ng fiance nya?" Tanong ni Namjoon habang nagtitimpla ng kape. Masamang tingin ang pinukol ni Taehyung kay Jungkook na kanina pa nakasimangot.

"Bakit di nyo tanungin yang selosong kuneho na yan? Di ko nakausap ng matino si Bogumie kagabi dahil sa kanya. Ninakaw ba naman yung cellphone ko tapos kung anu-anong sinabi kay Bogumie." Reklamo ni Taehyung kaya tumawa si Jimin.

"Yung totoo, Jungkookie? Nagseselos ka sa lalaking malapit ng ikasal?" Tanong ni Jimin kaya binato sya ng tinapay ni Jungkook. "I didn't know, okay? Malay ko bang ikakasal na yung lalaking yun? Kung makatawa kasi tong isa na'to, wagas." Pagpaparinig nito kay Taehyung na natulala sa kanya.

"Aba, ang lakas naman ng loob mong sisihin ako? Ano namang masama kung tumawa ko ng wagas, hah?" Tanong ni Taehyung habang nakatingin ng masama kay Jungkook.

Halos mag-aalas-nuwebe na nung magising sila at dahil yun sa ingay ng doorbell. Kanina pa pala nakaabang sa labas ng unit nila sina Jimin at Namjoon. Kaya nandun si Namjoon ay dahil binalak nya lang dalawin ang kapatid. Natyempo namang nagkasabay sila ni Jimin sa elevator patungo sa unit ni Taehyung.

Di lang nila inakalang aabutan nilang nandun si Jungkook at sarap na sarap pa sa pagtulog.

"Oh, kalmahin nyo na yang mga sarili nyo. Jungkookie, di ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na ng asawa mo" sabi ni Namjoon. "I will stay here--"

"Hindi pwede. May lakad kami ni Chim" mabilis na pagputol ni Taehyung sa sinasabi ni Jungkook. "Saan naman?" Tanong ni Jungkook.

"Bakit kailangang alam mo pa?" Balik-tanong ni Taehyung. "Dahil gusto kong malaman. Now, Jimin-ssi, saan kayo pupunta nitong lalaking to?" Tanong ni Jungkook habang nakaturo kay Taehyung. "Wait, bakit nadamay ako?" Tanong ni Jimin.

"Sumagot ka na lang. Susumbong kita kay Yoongi hyung, sasabihin ko na nagloloko ka at dinadamay mo pa si Taetae." pambabanta ni Jungkook na kinangiwi ni Jimin. "Fine, fine. Ang childish mo. Birthday na ni Pusa sa makalawa kaya kailangan ko syang hanapan ng regalo. Magpapatulong lang ako kay Taehyungie. Ano? Okay na? Happy?" Sarkastikong tanong ni Jimin na kinasimangot ni Jungkook.

"Yun lang naman kasi ang kailangan kong malaman pinagdadamot pa." Nakasimangot na sabi nito bago kunin ang cellphone nito.

"Uuwi na'ko. Ingat na lang kayo." Sabi nito kaya nagkatinginan ang tatlo. Nagtuluy-tuloy ito patungo sa pinto. "Problema nun?" Tanong ni Taehyung.

SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon