|Steffany'POV|
"Hi, lola."
Matagal ko rin hindi nakita si lola kaya dito ako dumeretso. Dinalhan ko siya ng pasalubong.
"Nandyan ka na pala" abat! Di manlang ako yayakapin? Grabe talaga to. Porket lagi niyang nakikita mukha ko sa monitor e. Hmp!
"Opo"
"For good?" aniya at mahigpit ako niyakap, ang bango ni lola. Mahal na mahal ko talaga siya.
"Dinalhan lang po kita ng pasalubong at paborito mong peanut brittle. Di rin po kami magtatagal, la. See you sa mansyon po" maraming kiss muna ang ibinigay ko sa kanya bago kami umalis ni Alice.
Lola lives in simple way. Wala rin nakakakilala sa kanya dahil sa amin. Mas minabuti ng pamilya namin na malayo sa kanya upang hindi siya masangkot sa kung anuman peligro. And she understand that.
**
"Kuya, linggo ngayon punta tayo mall bili tayo ng mga damit natin and mga stock foods." Pakiramdam ko mamamatay ako sa buryo ngayon araw. Kahit ang hindi ko gawain ay papatusin ko na nang may magawa naman ako.
Walang laman yung refregirator namin kaya kailangan ng mag shopping. Naging imbakan ng mineral water ang ref. Wala rin kaming gagamitin na damit kapag hindi kami namili.
"Sige wait palit lang ako ng damit." paalam ni kuya
Umakyat din muna ako sa kwarto ko at nagpalit din ng damit.
Magkaiba din kami ng kwarto ni Alice. Doon siya sa 3rd floor at ako dito, sa second floor. Si kuya sa ground floor. Para pag may magnanakaw, si kuya na bahala. Although wala naman susubok dahil may voltage ang mga bakal dito sa bahay tuwing naka-on ang switch. Lalo na ang doorknob.
Nagsuot lang ako ng jumper short tapos yung damit ko naman kulay white na may tatak sa likod 'back off' then isang high heels na six inches ang taas. Magmamaganda lang.
Bumaba na ako ng kwarto at nakita ko sila kuya at Alice. Ako nalang pala ang inaantay no? Tss, excited!
**
"Mommy may manikang naglalakad..." Napangiti ako ng lihim dahil doon sa bata kasi umiyak bigla.
Nilapitan ko yung bata
"Hi baby" bati ko
"WAAAAH Mommy! Big doll!" sumbong ng bata
Nginitian ko lang yung mommy nya.
"She's not a big doll Steve. She is human like us."
Steve! Wow, magkapangalan pa sila ng kuya ko!
"S-She's not a doll? Really mommy? She look like eh"
"No..."
"Hi ate (^______^) " kinarga ko naman sya at pinaghahalikan nya ang pisngi ko .
"Hello" bati ko at sabay pisil ng pisngi nya, wow lambot! Sana all!
"Steff, lets go." singit ni kuya
"Give me a minute" hinarap ko ang bata at nagpaalam na sa kanya. Nagpapicture pa.
Kumuha kami ng tatlong push cart para tag iisa kami, para walang nakakalamang.
After namin kumuha ng mga kailangan namin, binayaran na namin 'to. Kaso maraming plastic (-____-) kaya tenext ko yung butler namin at pinakuha yung mga pinamili namin sa parking lot. Napadami bili.
"Steff kain muna tayo nakakagutom, eh." Sabi ni Alice
"Sige..."
Pumunta kami sa isang restaurant at nagsi-order. Habang kumakain kami bigla nagtanong si kuya.
"So paano yan, 'di ba papasok tayo bukas, may disguise bang mangyayari?"
~~