18

5.2K 101 4
                                    

Steffany Mia Hyung Scott'POV

Nagpaflashback lahat ng nangyari sakin nung unang dating ko sa Pilipinas. Yung pinagtitinginan kaming tatlo nila kuya, yung nagdisguised ako bilang nerd at nabully. Nang makasagutan ko si Ellaine sa Hyung Campus. Ni hindi ko manlang siya naalala na kaibigan mk siya noon. Kaya siguro ganun nalang din ang galit niya sa akin nung magkita kami.

Yung hindi pa pakritikal ang sitwasyon. Kung pwede lang bawiin ang lahat ng nangyari.

"Alice lets go! Baby, behave kalang ha? Kuya bantayan nyo yang anak ko. Babanatan ko kayo pag umiyak yan." paalala ko.

"Sige. Bilisan nyong balik ha?"

Tumango ako bilang tugon bago lumisan sa paningan nila.

Naunang pumasok si Alice sa kotse sa tabi ng driver seat. Ako naman dumeretso sa driver seat at pinaandar papuntang Arena Central. Remember Arena Central? Lugar kung saan naglalaban ang mga gangster. Sa lugar na yun ang tagpuan ng malalakas na gangsters.

"Steff ..." Napatingin ako saglit kay Alice na nakatingin sakin ngayon, binalik ko kaagad yung atensyon ko sa kalsada.

"Oh?" Ngumisi ako

"Sa tingin mo buhay pa tayo sa susunod na araw?"

"Bakit may gusto ka bang puntahan pagtapos ng salakay nila?"

"I'm serious!"

"Me too. I'm serious!" Nakangiting sabi ko. Nagface palm naman sya sabay gulo sa buhok nya.

"I want your answer. Nang hindi din ako kabahan." Fuck. Ang lungkot ng tingin niya sa akin.

"Okay okay. Magseseryoso na ako Alice. Hindi ko alam kung tamang isama ko kayo nila kuya Steve pero mas maganda sigurong wag na kayong sumama, ako lang naman ang kailangan doon at may pinaglalaban."

"No. Hindi pwedeng hindi kami sumama. One family tayo di ba? Laban mo, laban namin. Hindi naman namin hahayaan mawala ang pinakatangang babae sa gang namin diba? Madami na tayong pinagdaanang problema Steff, ngayon pa ba kami bibitaw at pababayaan kayo sa ere? Hindi ata tamang kayo lang maiwan sa ere sama sama tayong mahuhulog " Napangiti nalang ako sa mga sinasabi nya kahit na bumaligtad ang sitwasyon. Sya ang pinakatanga, pinasa nya sakin HAHA! Hininto ko yung sasakyan sa gilid ng isang street. Niyakap ko naman sya kaagad at nagpasalamat. Buti nalang sya ang pinili kong bestfriend. Buti nalang hindi ako nagkamali ng desisyon... Buti nalang at hindi sya pinili ko kaysa sa kanya...

// Flash back

"Steffany ANO NA? PUMILI KA SA PAGITAN NAMIN YANG PANGET AT UHUGING HAMPAS ERE NAYAN " Sigaw ng batang Ellaine Vista "She's stoling you from me!!!!"

"Wala akong pipiliin dahil parehas ko kayang kaibigan. Parehas ko kayong pinapahalagahan!"  sagot ko

Ngumiti ng pilit ang batang Alice "I'm not, Ellaine. Gusto ko kayo maging kaibigan! Yun lang! Siya nalang piliin mo Steff, ayoko ng ganito"

"Pero parehas ko kayong kaibigan."- sabat ko

"Oo alam ko yun" - Alice

"Tama nayang drama. Si Alice na anak ng mangbobote at anak lang ng isang tindera sa palengke o ako na tagapagmana? " - Ellaine

"Ellaine." May halong pagbabanta ang boses ko kaya napaatras ng isang hakbang si Ellaine. This is not about wealth! This is about friendship!

"Ayoko na ng ugali mo. Ang laki na ng pinagbago mo mula nung nalaman mong isa kang Yamashita. Ganyan ka ba? Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo kaya kalimutan mo na ang friendship natin" Walang expression na sabi ko pero sa loob loob sasabog ko sa iyak. Pigil ang luha ko sa harap ng dalawang kaibigan ko. Mahirap pumili. Hirap na hirap ako. Ayoko sila mawala pareho. Pero sobra na si Ellaine!

Princess Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon