Steffany'POV
"Nakahanda ka na ba para sa next
month?" Biglang tanong sakin ni kuya at ininom ang isang baso ng Tequila."Lagi naman" bored kong sagot
I should be strong. Para rin to sa kaligtasan ng mga taong mahalaga sa akin.
"Are you sure? Parang hindi pa e." Tanong naman ni Jasmine. By the way sila kuya at Jasmine na. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari eh, ngayon ko lang nalaman. Ang bilis.
"Kabado ako." amin ko
"Hindi ka kinakabahan Steffany, inuuna mo ang awa mo. Awa ang nangingibabaw sayo. Steffany, next month, kalimutan mo ang awa mo kahit isang araw lang, sa araw ng laban. Kahit isang araw lang kung ayaw mo lalong masaktan. Nasa iyo na ang desisyon kung gusto mong makawala sa magiging trahedya ng buong angkan natin. We should terminate them."
"Tama sya Steff. Kailangan na nating tapusin tong mission para makabalik na tayo sa Korea."
"Gagawin ko. Besides defend the land tayo. CR lang ako." paalam ko
Pagkatapos kong maghugas pinatay ko kaagad yung faucet at tumingin sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko. Matured na matured na talaga. Napatitig ako sa sarili ko at nakita ko yung scar sa mukha ko. Ang panget ko na dahil sa peklat na 'to, naalala ko na naman yung nangyari sa England. Yung nasaksak ako ng Yakuza dahil kahit doon ay pinasundan pa ako. And the heck nilagyan nila ako ng scar sa mukha. Buti nabuhay pa ako pati na yung eight months baby sa tyan ko, kung di lang dumating si Jared siguro patay na ako. Yeah, at wala ng maganda sa mundo.
"Miss" Napalingon ako dun sa babaeng kumalabit sakin.
"Oh?"
"You're Steffany Scott, right? " Tanong nya. Okay sya na may alam ng pangalan ko.
"So?"
"I'm Nexy Vista" Sabay abot nya ng kamay nya at gustong makipagShake hand. Tinignan ko lang yun at tinapik ng malakas. Bastos na kung bastos. I know her aura, may balak siya.
"Throw your gun on floor" sabay kuha ko nung baril sa likod at tinutok ko sa kanya. Nagtutukan lang kami ng baril.
"And why? Ang arte arte mo alam mo ba yon? Kanina palang sa counter gusto na kitang barilin pero pinipigilan lang ako ng mga kasama ko. Buti nalang at Naisipan mong pumunta dito sa CR nang mapatay na kita." At nag smirk siya. Well, good timing sya. Makaka bulls eye na naman ako. Sakto nandito din kami sa Under Gangster World Bar, walang kaso kapag nakapatay ka.
"Binabalaan na kita, ayokong makapatay ng tao. Mas magandang umuwi ka na sa inyo kung ayaw mong mamatay" Declared ko. Ayokong magbanta , may isang salita ako.
"Aba. Yamashita Goverment ako at sa sigundong to hawak na ng mga tauhan-YOU BITCH!!!"
*BANG*
*BANG*
BULLS EYE!
"Sa susunod wag ako ang kakalabanin mo" Tumakbo ako palabas ng CR at binalikan sila kuya ... Nasan na sila? Wala na sila sa upuan nila.
"Nasaan sila Steve?" Tanong ko dun sa pipitsuging Gangster habang hawak hawak ko sya sa kwelyo nya
"Wag mo nga akong h-hawakan! W-Who are you?" Sinubukan naman nyang tanggalin yung pagkahawak ko sa kwelyo nya pero lalo ko pang hinawakan na mahigpit para masakal at mamatay na sya.
"I'm the daughter of Legendary QUEEN Gangster" emphasize ko pa sa Queen. Nakakatanga sya ha. Hindi nya alam kung sino ako? Ang bobo nya katulad ni Nexy. Susugod nalang, tatanga tanga pa. Dead on the spot tuloy sya. Tss. Weak.