Patrisha Choi POV
Pagkababa ko sa sasakyan ko naglakad na ako papunta sa room 1, kala Steffany.
Syempre habang naglalakad ako hindi mawawala ang bulungan ng mga pangit sa mundo! Dyosa kasi ako.
Naiinis ako pero kailangan kumalma at baka makasapak ako. Hindi ko nalang sila pinansin at dumeretso nalang ako ng may biglang humarang sa daan ko. Limang lalaki.
"Hi." bati ng isa, kahit papano mga mukhang tao naman.
Hindi ko sya pinansin.
"Anong pangalan mo?" tanong ulit nung lalaki
"Patrisha Choi."
"Ang ganda mo. Tranferee ka 'di ba?" Tanong nya
"Oo?" Tanong ko
"Saan room mo?"
Ang dami naman nitong tanong. Malapit ko na tong masapak.
Naglakad na kami papunta sa room ko. Wala naman masyadong nagsasalita maliban doon sa mga nasa hallway kesyo, bakit daw nakaholding hands kami nitong kasama ko!! Taena gusto ko na ngang manapak eh (-__-)
"We're here." sabi ng lalaki at kumatok sa pinto
Pagkabukas ng pinto may lumabas na babae, teacher ata -_-
"Transferre"
"Ah sige. Pasok na iha" sabi ng teacher kaya pumasok na ako. Hindi na ako nagpaalam sa lima dahil napapagod ako.
Pagkapasok ko sa loob umupo na ako agad sa may bandang likod.
Prolen'POV
Bakit sya nandito? Shocks! Pam-pam talaga 'tong kapatid ko.
"Psst! Panget!!" tawag ko kay Patrisha
Aba Hindi manlang ako pinansin .
"Psst . Patyyy panget" tawag ko ulli
Hindi padin ako tinitignan ng bruha
"HOY paty panget!"
"Mr. Choi there's anything problem?Napakaingay mo. Nagkaklase ako kaya manahimik ka." Sabi ng teacher kaya agad akong tumahimik.
Steffany POV
Kakaiba ang aura nung tranferre parang may kakaiba sa kanya. Parang nakita ko na sya ... ewan baka imagination ko lang yun.
"Hi" Napatingin ako dun sa babaeng kumalabit sa akin
Tinignan ko lang sya mula toe hanggang ulo. Kakaiba talaga sya e.
"I am Patrisha Park Choi. Sister of Prolen Nathan Park Choi and you are? What is your name?" dada nung Patrisha
"Steffany Hyung Scott. Nagkita na ba tayo?" tanong ko
"Maybe… Baka nakita mo na ako sa Arena central" sagot nya
So gangster siya. Kaya pala kakaiba aura nya.
"Gangster." pahayag ko
"Definitely."
"What gang?"
"Ya—"
"Hoy Patrisha panget anong ginagawa mo dito sa Pilipinas? Kailan ka pa bumalik? At sinong may sabing dito ka mag aral? Ayokong nandito ka. Bumalik kana sa pinanggalingan mong lungga!" napatingin naman ako sa pumuputak na tandang.
"Kuya Prolen mahiya ka naman may kausap ako sumasabat ka bigla-bigla nakakainis ka talaga. Wala kanang pake kung kailan pa ako bumalik dito. Sabi ni mommy dito daw ako mag aral sa Hyung Academy kaya wag kanang magreklamo dyan baka isumbong pa kita."