"Hi Nerd." bati ko
"Fuck." Sagot nya
"I love you,too." Syempre Joke lang.
"I hate you."
"I love you more (^__^)"
Steffany POV
"Bwiset kapag hindi ka umalis sa harap ko sisiguraduhin kong hinding hindi ka na sisikatan ng araw." seryosong sabi ko. Pansin kong nagulat siya sa sinabi ko pero agad naman niyang nakabawi sa pagkakagulat.
"Sige, bye na at baka gawin mong totoo yun. Sayang genes ko kapag namatay." tumakbo na siya palayo
Hindi ko na sya pinansin at sumakay na ako sa sasakyan.
Mabagal lang angbpagpapatakbo ko. Para kasing may nagsasabi sa akin na wag muna umuwi ng bahay? Parang ayaw ng puso ko umuwi pero yung utak ko nagsasabing umuwi na dahil pagod ka na!Pesteng 'yan. Baliw na ata ako.
Nang makarating ako sa gate,may mga nakikita akong sasakyan na tinatakpan ng luna. Mga anim na sasakyan. ( -___-)
"Kanino yan?" Tanong ko sa guard.
"Hindi ko po alam kasi po umalis ako para uminom nang pagbalik ko nandyan na, pinapasok po ni Sir Steve."
Tumango lang ako bago huminto sa garahe. Malaki naman yung garahe para sa mga sasakyan na nandito.
Naglakad na ako papasok.
"Hoy sino kang pangit na nerd ka at bakit ka pumasok sa bahay ni Steff Unnie?"
"Oo nga, sino ka?Magnanakaw ka no?"
Ang epic nila (-_____-)
Tumabi ako kay Alice .
"Urg! Sino siya Alice?" sigaw ni Aaron
"Waaah Alice tumabi sayo yung pangit na Nerd." Ngawa naman ni Jasmine
Kailan pa sila naging Childish?
"Shut Up." malamig kong turan
Napatingin ako kay kuya na nagpipigil lang ng tawa.
"Sinisigawan mo ako!!!" Sasampalin niya ako kaya agad kong sinalag ang wrist niya.
"Subukan mo lang, sisiguraduhin kong agad mong makikita ang impyerno."
Jasmine'POV
"Subukan mo lang, sisiguraduhin kong agad mong makikita ang impyerno." Malamig na sabi nung Nerd kaya napatigil ako. Kinabahan.
"S-Steff." Ngumisi siya kaua sunod sunod na paglunok ang ginawa ko.
Napatingin naman ako kay Steve. Nakangiti lang sya then kay Leechi, Aaron, Neyo, Zandrix, Harley at Yamako na nanlalake ang mata dahil sa pagkagulat.
"Unnie." sabay yakap ni LeeChi
Hanggang ngayon nasa state of shocked pa rin kami. Ikaw ba naman bigyan ng Legendary mmirk ni Steff hindi ka matatakot dagdag mo pa yung muntikan ko na syang sampalin. Siguro kung nasampal ko sya tanggal na ako sa gang at napasalvage ako ng hindi sa oras.
"Sorry Steff." sabi ko sabay yakap sa kanya.
Naramdaman ko naman yumakap sya.
"Stupid." sabi nya nung nagbitaw na sya sa pagkayakap sa akin.
"Yow." sabay halik ni Steff sa pisngi nila.
"Bakit kayo namumula? (-_-) " Sigaw ni Steve
"H-Ha? Hindi ah. L-Lipstick lang ni Steff yun." Sagot ni Aaron
"O-oo lipstick lang ni Cru--este ni Steff yun." Sigaw naman ni Yamako
Naku kahit di naman nila sabihin may gusto sila kay Steff. Kahit sino naman magkakagusto kay Steff kasi napakaganda kahit ako natitibo.
"Oo nga kuya, lipstick lang yun." sabi ni Steff
"Siguraduhin nyong hindi yan blush dahil hinalikan kayo ng napakaganda kong kapatid. Oras na blush yan malilintikan kayo sa akin dahil hindi ko kayo GUSTO sa kapatid KO. Mga mukha kayong ASO." Sabi ni Steve kaya napangisi si Steff .
"Kuya naman, napakagwapo ko kaya."- Yamako
"Ako rin."- Harley
"Same"- Neyo
"Mas lalo ako."- Aaron
"Ako rin no."- Zandrix
Napa facepalm nalang si Steve at tinuloy ang pagmomovie marathon. Kahit kailan talaga napakagwapo nya. Hayy
"Bakit kayo nandito?" biglang tanong ni Alice.
"Dahil kinalaban ni Steff ang Yamashita Goverment." Sagot ko
"Wala pa akong nakakalaban." singit ni Steff
"Yeah. Kinalaban mo nga Steff." sabi no Steve na nakatingin sa kapatid.
"Wala pa."
Hindi ba niya kilala yung mga nakakalaban niya?
"Naalala mo ba yung sinampal mong babae? Anak ng Yamashita Goverment yun." sabi ni Steve.
"Ah."
"Anong ah?" sabay sabay naming sigaw. Ah lang talaga makukuha naming sagot sa kanya?
"Chill. Hindi ako takot sa kanya. Sapakin ko pa sya, eh."
~~