Third Person'POV
Inakbayan ni Aaron si Steff na ikinagulat ng mga tao at dahilan para bumuo ng bulungan.
"YAK bakit ang hilig nilang umakbay kay nerd? Kadiri talaga!!!"
"Oo nga! Siguro ginayuma ni nerd ang mga gwapo sa earth!!! Paano kaya yon? San nya nabili?"
"Shit." bulong ni Steffany.
Tinignan lang ng babae mula ulo hanggang paa si Steffany na ikinataas ng kilay nito.
"Tss! Kuya bulag ka ba? Mali ata inakbayan mo." Sabi nung babae
"Hindi. Ikaw? Mali ka ng binangga."sagot ni Aaron
"Hmm. Hindi naman mali ang binangga ko. Actually sinadya ko pa nga at baka sakaling humiwalay ka ng akbay dyan sa nerd na yan."
"Oh really, sinadya mo? Naku mission failed ka hindi sya napahiwalay." Anas ni Steffany bago niya lagpasan ang babae.
Aaron'POV
May something sa babaeng 'yun. Naiinis ako sa presensya nya hindi dahil binangga nya si Steff kundi parang may kakaiba sa pagkatao nito ...parang ewan na dapat kaming mag ingat. Aist!
Dumeretso kami sa Head's Office para makausapin ni Steff ang tita nya at para magkaroon na rin ng konting ceremony. Ewan ko ba sa babaeng 'to, hindi ko mabasa ang utak nya. Masyado akong nahihirapan basahin at parang marami syang binabalak.
Steffany'POV
Damang dama ko ang pag akyat sa stage ng campus. At as usual, pagtataka ang makikita sa mukha nila. Huminto ako sa gitna. Mismo para intense.
"Panget!"
"Anong kababalaghan na naman to nerd?"
"Oo nga! Ang kapal naman ng mukha nya"
"Anong meron?"
"Bida bida ang campus nerd!"
Napabuntong hininga nalang ako. Puno na ko sa mga pwet nilang nguso.
"Okay. Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito ako sa harapan nyo.Wag kayong mag alala sandali lang naman 'to" paninimula ko. "wag na rin kayong mag isip dahil wala naman kayong utak kung bakit ako naka apak dito. Dahil sa may ten guards dito sa stage, hindi talaga kayo makakaapak. Wag na rin kayong mangarap na makakaapak dito." tumingin ako kala Aaron na sitting pretty lang. "Ni kayo, hindi pwede." tukoy ko sa mga kaibigan ko na ikinapoker face lang nila.
"At sino ka naman para sundin namin?" tanong ng isang istudyante.
"I'm Steffany Mia HYUNG Scott."
"Tinatanong ko?"
Napatawa naman ako dahil sa tanong nya.
"Hahaha stupid... At sino ka naman para sundin namin? Kakasabi lang."
Nakita ko naman namula sya dahil napatawa ng mahina ang lahat.
"SHUT UP!" sigaw nya
"Yay bida bida kang kupal ka!"
"Hey nerd mag drop out ka nalang! Sakit mo sa mata e!"
"Oo ngaaaa!!!!"
"Wag kasing pampam kung alam mong mapapahiya ka." sabi ko nalang at itinuloy ang speech ko. "Simula ngayon wala ng magtatapang tapangan sa harap ko kung ayaw nyong makita ang tunay na ako. Lahat ng matatapang dito sa Hyung Campus...wala kayo sa kalingkingan ko..." kahit ako nanlamig sa tono ng boses ko.