Epilogue
Prolen'POV
"Pare, ikakasal kana bukas ... ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha?" Kasal? Fvck!. Sino ba kasi nagpauso ng arrange married? Tae sarap ipalapa sa aso ha.
"Taena bayaan mo yan!" Sabay tungga ko dun sa alak. Nasa bar kami ngayon at naglalaklak. Gusto ko gumising ng tapos na ang nakatakdang oras sa kasal
"Bahala ka nga sa buhay mo. Alam mo naman na sa iyo nakasalalay ang company ng Palma diba? Kapag hindi mo pinakasalan si Monic siguradong pababagsakin nya ang company nyo alam mo naman kung gaano kamahal ng ama at ina mo ang Palma Company diba? Nasa iyo ang desisyon kung isasalba mo."
Napabuntong hininga nalang ako at humarap kay Ian.
Tinignan ko lang sya sa mata.
"Alam mo naman kung gaano ko sya kamahal diba? At kung gaano ako handang maghintay sa kanya. Pero sa sitwasyon ko ngayon, puputulin ko na lahat."
Kailangan ko na siguro syang kalimutan. Bibitawan ko na talaga sya. Tama na siguro yung tatlong taon na paghihintay.
Ian'POV
Pagkalabas na pagkalabas ni Prolen sa bar, tinanong kaagad ako nung bartender.
"Sir, may problema ba si sir Palma? Halos araw araw na kasi sya dito sa bar at kung kumuha puro matataas ang percent ng alcohol." Kwento nung bartender. Napailing nalang ako sabay 'Oo' sa Bartender.
"Kawawa naman po pala si sir Palma." Ani nito at nagserve sa ibang costumer.
Napapailing nalang ako kapag nakikita ko si Prolen, hindi na sya yung dating Prolen na nakilala ko.
Ang laki ng pinagbago nya. Simula nung dumating si Steffany sa buhay nya.
Simula nung dumating si Steffany ang laki ng pinagbago ni Prolen. Mula sa pagiging Casanova sa ibang babae naging Stick to One kay Steffany. At dahil din sa pagdating ni Steffany walang kaming kasiguraduhan na tatagal sya sa Pilipinas at iiwan nya ito.
-Wedding Day-
(Third Person)
Kaba, inis, galit, pagkamuhi at lungkot.
Yan lahat ang nararamdaman ng groom habang lumalapit ang bride sa altar habang nakasuot ng bonggang Wedding dress. Lahat ng tao sa loob ng simbahan ay puro mayayaman Ang iba ay galing pa sa ibang bansa.
Ang design ng bawat gilid ng chair ay puro white roses na galing pa sa isang nagandang company sa ibang bansa. Habang ang suot naman ni Prolen ay white toxido at white coat then black tie.
Nang makalapit na si Monic kay Prolen ay agad 'tong kumapit sa braso ni Prolen. Inis na tinanggap ito ni Prolen. Nagsimula na ang misa.
Habang nagsasalita ang pare, halos sumabog sa galit si Prolen dahil sa kabagalan ng pare. Hindi naman sa gusto nya agad maitali kay Monic, may mga bagay lang syang naiisip habang nagsasalita ang pare.
"Ikaw Monic, tinatanggap mo ba si Prolen bilang asawa, kasama hanggang sa kahirapan, kaginhawaan, kalungkutan, kasiyahan at kamatayan?"
"Yes, I do."
"Ikaw Prolen, tinatanggap mo ba si Monic bilang asawa, kasama hanggang sa kahirapan, kaginhawaan, kalungkutan, kasiyahan at kamatayan?"
Katahimikan.
"Ikaw Prolen, tinatanggap mo ba si Monic bilang asawa, kasama hanggang sa kahirapan, kaginhawaan, kalungkutan, kasiyahan at kamatayan?"
Katahimikan.
Nagsimula na ang bulong bungan sa loob ng simbahan. Halos lahat ay inaantay ang sagot ni Prolen. Ayaw sumagot ni Prolen. Nakatungo lang ito.
"Prolen." Tawag ni Monic
"S-Sorry "
"Kanina ka pa tinatanong ng pare." bulong nito kay Prolen
"Ituloy na po."
"Ikaw Prolen, tinatanggap mo ba si Monic bilang asawa, kasama hanggang sa kahirapan, kaginhawaan, kalungkutan, kasiyahan at kamatayan?"
"I...I...I..-"
"ITIGIL ANG KASAL!" Sigaw ng magandang babae kasama ang isang anim na taon na bata.
Natulala ang lahat. Hindi makagalaw si Prolen sa kinakatayuan nya ng makita nya ito.
Agad na lumapit ang babae kay Prolen sabay yakap. Nagyakapan lang ito.
"D-Daddy!" Tawag ni Josh Ethan kay Prolen Nathan
"Son." Halos maluha luha na ang lahat dahil muling nagkita ang mag ama.
"Bakit ka magpapakasal d'yan?" Taas kilay na tanong ng babae
"Dahil pababagsakin nila ang company namin." Deretsong sagot ni Prolen
Ngumiti si Monic "Bakit Alice? Makikiagaw ka na ba sa bestfriend mo at sa akin? Sorry huli ka na. Sa ayaw at gusto ni Prolen ikakasal sya sa akin." Taas noong pagmamalaki ni Monic
Napahagakpak ng tawa si Alice dahil sa mga narinig nya "Really? Haha Your Insane! Ikaw ..." Turo kay Prolen. "Ikakasal d'yan" at turo kay Monic. "Crazy. Pumunta ka sa Devine Mercy Church. Naroon si Steffany,nag aantay."
Prolen'POV
Nanduon si Steffany ,Nag aantay .
Nanduon si Steffany ,Nag aantay .
Nanduon si Steffany ,Nag aantay .
Nanduon si Steffany ,Nag aantay .
Nanduon si Steffany ,Nag aantay .
"Subukan mong humakbang pababagsakin ko ang Palma Company at dadanak ang dugo ng mahal mo sa buhay." Banta ni Monic
Napatingin ako sa gawi nila Mommy at nanigas nalang ako bigla dahil sa nakita ko.May nakatutok na baril sa ulo nila Mommy. Halos lahat ng pamilya ko may nakatutok rin. Shit!
"M-Monic." Tawag ko
Napatingin ako kay Alice na may hawak na baril at nakatutok kay Monic.Damn.Hindi ko nakita yun ah! "Hindi mo talaga kilala ang kinakalaban mo? Hindi mo ba alam kung anong grupo ang kinalaban mo? Paano kaya kung pabagsakin ni Steffany Hyung Scott ang Company niyo?Pagkakaalam ko investor nyo ang Company nila Steffany 'di ba? At alam ng pamilya mo kung gaano kalawak at kahigpit ang connection ng pamilya ng babaeng inagawan mo ng soon to be husband."
"H-Hyung S-Scott?" Nabubulol na tanong ni Monic. Nakita ko naman na binaba nila ang baril na hawak nila na nakatutok kanina sa ulo ng pamilya ko. Halatang natatakot sila.
"Kung ayaw nyong bumagsak at mamatay pakawalan nyo lahat ng PALMA!" Authorized na utos ni Alice
"O-Okay! Pakawalan nyo si-"
"PROLEN PUMUNTA KA NA." Nagulat nalang ako sa pagsigaw ni Alice kaya napatakbo ako .
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko mapaliwanag.
Pagkarating ko sa Devine Mercy Church, nakita ko kaagad si Steff na nakatayo at nakatingin sa dereksyon ko. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"I love you." Sabi ko nung magkaharap na kami.
"I love you more and I really damn missed you." sabi nya at niyakap ako.
Ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Akala ko hindi ko na siya makikita. Akala ko ikakasal ako sa isang brat na katulad ni Monic. Mabuti akala lang lahat dahil ang tunay, nasa harap ko na ngayon. Siniil ko siya ng halik.
~~PLUG MY NEW STORY: WHEN THE DEVIL CALLS YOUR NAME. (Di kayo magsisisi basahin 'to ☺️☺️)