➳ inncnt_66

41 3 1
                                    

mace's pov

"for real?" masayang tanong ko kay baste at tumango lang naman siya.

"oo."

tinanong ko kasi siya kung kamusta na yung sitwasyon nila ni yesha. good news, naniwala na si yesha. dahil umamin na din si jaxvier. buti nalang hindi nagsinungaling si jax at.. naintindihan pa siya ni yesha. huhuhu, i'm so happy for them! hindi na dapat umepal si yvonne. tsk!

tsaka ayos na din sila ngayon. dapat lang bumawi si jax at hindi niya na yun uulitin. nakakaawa naman si yesha.

ngumiti naman ako, "mabuti naman ayos na silang dalawa ni yesha." sabi ko sa kanya.

"oo nga eh, masaya nga ako.. para kay yesha. alam ko naman na.. hindi na sisirain ni jax yung tiwala niya." sabi ni baste.

hahay, napakasayang din 'to si sebastian para kay yesha. nabiktima sa one-sided love.

"so ano na yan? magmomove on ka nalang ba?" tanong ko sa kanya.

tumango naman siya, "oo. yun ang sabi ko kay yesha eh. isa pa, sapat na sa'kin na makita siyang masaya kay jax. tsaka, kakayanin ko 'to. kahit mahal ko siya, kailangan ko na siyang pakawalan." sabi niya.

"oo nga naman. kaya mo yan, baste 'no. marami pang babae diyan 'no." natatawang sambit ko sa kanya.

tapos napatingin naman siya sa akin sa dahilan na tumigil ako sa kakatawa. biglang tumahimik dito nung sinabi ko yun. shet, may sinabi ba akong wrong? >.<

pero ningitian niya naman ako, "oo nga. siguro nga dumating lang si yesha sa buhay ko, para may matutunan ako.. at may realizations sa love." sabi niya at napatango lang naman ako dito.

maya-maya, tumayo na siya, "punta na tayo sa gym, kailangan daw natin mag-ayos doon."

maaga kami dito sa school pinapunta para mag-ayos dito sa school namin. general cleaning kumbaga. magpahinga pa nga kami dito sa bench eh kasama yung mga senior at junior students. tsaka sa gym naman kami pupunta para tumulong doon.

napatango lang naman ako at tumayo din ako, "tara na."

tsaka naman kami pumunta sa gym, nakisabay nalang din yung mga ibang kaklase namin sa amin. nako, excited na ako sa game nina yesha mamaya. alam ko talaga na gagalingan nila. binuhos nila yung full effort nila sa training, what if sa game na kaya? hehehe.

-

innocent | nininiWhere stories live. Discover now