jaxvier's pov
nagmamaneho naman ako ngayon papunta sa bahay nina yvonne. kinakabahan talaga ako. pero sana kaya kong maipaliwanag ko sa kanila ng maayos at maunawaan din nila ako.
nung nakarating na ako doon, pinark ko lang naman yung kotse sa harapan ng mansion nila. bumaba na ako at pumunta ako sa harapan ng gate nila. pinindot ko yung doorbell. sinalubong naman ako nung butler nila.
"good morning sir, dadalhin na po kita doon sa terrace nila. hinihintay ka nila doon." sabi niya sa akin at tumango lang naman ako. hindi ko naman maiwasan na kabahan lang lalo.
sinusundan ko lang naman siya. pero nananatili akong kalmado kahit kinakabahan ako ngayon. pero inaalala ko lang yung mukha ni yesha, nababawasan din ang kaba ko.
maya-maya tumigil siya at tinuro niya yung terrace na pool, kung nasaan nandoon na nga yung parents ni yvonne. ampotaena. eto na nga ang oras, "nandoon po sila. pwede mo na silang lapitan." sabi niya sa akin at tinanguan ko lang naman siya.
"sige, salamat." sambit ko sa kanya at iniwan niya na ako dito.
tinignan ko muna sila mula sa malayo. darn, ang seseryoso ng mga mukha nila. alangan naman nakangiti sila pag ganito ang sitwasyon namin? tsk.
huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit sa kanila. nung malapit na ako sa kanila, hinanda ko muna ang sarili ko at.. nagsalita na ako.
"nandito na ako." sabi ko at napaharap naman sila sa akin.
napatingin naman sila sa akin at sabay silang napatayo. wala silang may sinabi at tinignan lang nila ako ng seryoso at ganun nalang din ako sa kanila. lalo na yung mom ni yvonne, si tita emily. grabe makatingin sa akin. lumapit pa nga sa harapan ko.
ang sobrang sama ng tingin niya sa akin.
"hayop ka. anong ginawa mo sa anak ko, jaxvier? bakit mo siya binaliw?" kalma niyang tanong sa akin pero alam ko na galit siya sa kanyang kalooban.
huminga ako ng malalim, "sorry po, tita emily. alam ko po na.. ako yung may kasalanan kung bakit naging baliw si yvonne." paghihingi ko ng paumanhin sa kanya.
"talagang ikaw lang ang may kasalanan! tsaka anong sorry?! sorry lang?! may magagawa ba yung sorry mo, jaxvier?! gagaling ba yung anak ko sa sorry mo?!" pagbubuhos ng galit niya sa akin sa dahilan na natahimik ako.
hindi yata ako mapapatawad neto.
"grabe naman jaxvier, ipinagkatiwalaan kita. sabi mo mahal mo yung anak ko? pero anong nangyari? binigo mo ako sa nangyari." dagdag niya at nagsimula na siyang umiyak.
"sorry po tita emily pero noon po yun, nagbago na yung nararamdaman ko sa kanya. oo, kasalanan ko nalang din yun. ayaw ko naman po lokohin ang anak niyo kaya sinabi ko nalang ang totoo sa kanya na hindi ko na siya mahal." sabi ko sa kanya.
"pero hindi mo ba alam kung gaano ka niya kamahal at basta mo lang siya sasaktan? hindi mo ba alam kung gaano siya nasaktan? bakit hindi mo nalang siya minahal? bakit?!" galit niyang tanong sa akin habang siya ay umiiyak.
huminga ako ulit ng sobrang malalim dahil kinakabahan ako, "alam ko pong mahal ako ni yvonne. naaawa ako sa kanya dahil nasasaktan siya sa akin. hindi ko deserve yung pagmamahal niya."
"pero hindi kami pareho ng nararamdaman. may sarili akong nararamdaman. mahal niya ako, pero hindi ko na siya mahal. sana maintindihan niyo yun." sabi ko sa kanya.
"mahal na mahal ka ng anak ko tapos yun lang igaganti mo sa kanya? hindi ka ba naaawa sa kalagayan ng anak ko?" galit na tanong niya sa akin.
"ano ba tita emily, naaawa ako kay yvonne kasi hindi ko inaakala na magkakaganyan siya ng dahil sa akin!" nilakasan ko na yung boses ko sa dahilan na medyo nanlaki ang mata niya.
YOU ARE READING
innocent | ninini
Fanfiction❝ why you're so innocent, yesha? you didn't even know your boyfriend's true color, you still don't know him. ❞ 多 INNOCENT // ninini au ♡ stand alone story | completed ➳ @doieruto <3