➳ inncnt_88

46 3 0
                                    

sebastian's pov

"ang tagal-tagal naman ni jax." sabi ko sa sarili ko habang hinihintay siya. kanina ko pa siya hininintay at kanina in siyang wala pa.

alam ko naman na dadating yun para kay yesha. subukan niya lang hindi pumunta dito.

huminga nalang ako ng malalim at ibinalik ko nalang yung tingin ko kay yesha na natutulog ng mahimbing. ako yung nagprisinta na magbantay sa kanya. sobrang malakas yung impact ng pagkabangga sa kanya ng kotse sa dahilan na nawalan siya ng malay at nagkaroon ng matinding sugat sa kanyang katawan at mukha. pero tiwala ako na magigising si yesha. okay naman yung kalagayan niya sabi ng doctor at kailangan niya lang talagang magpahinga.

pero sa akin, maganda at mukhang anghel pa din siya sa paningin ko.

hinawakan ko naman yung kamay niya at ngumiti ako, "gigising ka yesha ha? kailangan mo lang magpahinga. wag kang mawalan ng pag-asa.. masyado pang maaga para.. mangyari yung.. aish. basta. ang hirap sabihin." kwento ko at naiiyak na naman ako dito. nag-ooverthink ako ng kung ano-ano dito pero alam kong hindi pa mangyayari yun. isa pa, nakakaawa siyang tignan eh.

"wag mo muna kaming iwan, yesha ha? ang sobrang bata mo pa. marami ka pang pangarap. ang pangit pakinggan pero.. baka kasi iwan mo kami ng biglaan eh." naiiyak na sambit ko sa kanya habang nakahawak sa kamay niya.

"sana patawarin mo pa din yung boyfriend mo kahit ang sobrang tanga niya. pero mahal mo naman yun di'ba kahit ganun yun?" dagdag ko pa. "pero kapag ako nalang sana yesha.. hindi ka magkakaganito. hays, ikaw pa rin talaga eh." sabi ko.

"pero wag mo nang isipin yun 'no. hindi na yun importante. magising ka na diyan. malulungkot talaga yung parents mo kapag malaman nila 'to." sabi ko at pinunasan ko na yung mga luha na tumutulo sa aking mga mata. nagmumukha akong bata dito eh.

tumayo naman ako dito at huminga ako ng malalim. ang bigat ng pakiramdam ko sa nangyari ngayon. akala ko talaga magiging maayos na yung sitwasyon nila. pero hindi pa pala dahil may isang epal na gustong may sumira kina yesha at jaxvier.

yun lang ang nga ang mali ni jax, huli na naman siya. he failed to protect yesha from yvonne. pero anong magagawa natin? nangyari na eh. nahuli talaga siya.

unexpected din.

"nasaan na ba kasi yung boyfriend mo? lagi nalang siyang.. matagal at nahuhuli. ang sarap niyang suntukin." sabi ko. kanina pa talaga siyang wala. i'm wondering if how yesha can understand and believe jaxvier that he's busy and late? i swear, ang sobrang tagal ni jax.

kaya niyang intindihin si jax kahit ang sobrang tagal at lagi siyang busy. she also believed jaxvier's lies and excuses. nakakainis talaga! ang sobrang inosente ni yesha!

tsaka hindi pa ako nakarinig ng reklamo kay yesha kung bakit ganyan yung boyfriend niya sa kanya. she really understand jax everytime. kaya nga ang sobrang swerte ni jax sa kanya. oo, nasa kay jax na nga yung swerte. hindi niya naman pinapahalagahan.

and speaking of jax, dumating na siya. nagtama naman ang tingin namin sa isa't isa, ang seryoso niya ngayon. ningitian ko naman siya ng pilit.

"nandito ka na pala.. jax." i greeted him. "akala ko hindi ka na dadating sa sobrang tagal mo."

innocent | nininiWhere stories live. Discover now