➳ inncnt_128

29 1 0
                                    

jaxvier's pov

st. angelo's psychiatry hospital . . .

"sorry sa inyo.. hindi niyo siya pwedeng makita." sabi nung nagmomonitor dito ng mga patients.

"bakit naman kasi hindi? madalian lang naman kami dito. gusto lang naman namin siyang makita." sabi ni sebastian.

nakarating na kami dito sa st. angelo. yun nga, nagtatanong pa lang kami kung saan banda na area si yvonne at kung pwede pa kami bumisita. pero agad na kami tinataboy dito kasi hindi daw pwede.

"sinabihan ako ng parents na bawal siyang bisitahin. sa gusto niyo man, hindi talaga pwede at pasensiya na. sinusunod ko lang naman siya." sabi niya. "mas mabuti nalang na umalis nalang kayo dito. wag na matigas ang ulo niyo." dagdag niya.

nakakainis naman 'to. ang oa nila. ilang minuto lang naman kami dito at hindi naman kami magtatagal dito.

"kuya madali lang naman. please na? aalis naman kami kaagad. parang awa mo na." pagmamakaawa pa ni yesha sa kanya.

"hindi talaga pwede. makinig nalang kayo sa akin at sundin niyo nalang ako. kung nilabag ko man yung sinabi ng parents niya, damay pa yung trabaho ko." sabi niya sa amin.

"bakit naman magagawa niya yun? siya ba ang may ari ng hospital na 'to? parang gusto lang naming kamustahin yung kalagayan ng tao at bigyan lang ng konting oras.. tapos nagdadamot pa kayo doon? sobra na ha." naiinis na tanong ko sa kanya sa dahilan na napatahimik yung lalaki na proctor sa patients.

"ilang minuto lang naman kami dito tapos talagang ayaw niyo kami papasukin? bakit ba kasi hindi pwede? may tinatago ba kayong ginto sa loob? kung meron man, wag kayong mag-alala.. hindi namin nanakawin yun. dahil si yvonne choi yung sadya namin dito.. hindi ginto." sarkastikong sambit ko sa kanya.

"babe.. tama na." pagpapakalma sa akin ni yesha at hinawakan niya yung kamay ko.

huminga naman ako ng malalim at tinignan ko siya, "sorry.. babe. nakakainis lang kasi eh." sabi ko sa kanya.

"oo nga naman.. kuya. ngayon lang naman. pagbigyan mo na kami oh. promise.. madali lang naman kami." sebastian.

mukhang nag-aaalala naman yung mukha ng lalaki at mukhang hindi siya makatingin ng diretso sa aming tatlo, "sorry talaga mga bata, hindi talaga pwede." sabi niya.

dahil doon, napapikit nalang ako dahil nakakaramdam ako ng inis. grabe ha? gusto ko manapak ngayon. oa eh. sobra pa sa babae kung mag-inarte.

dahil sa inis ko, "grabe naman!" napasigaw ako dito.

"babe.. kalma. siguro nga wala tayong magagawa. umuwi nalang tayo." sabi sa'kin ni yesha.

"kahit naman pilitin natin sila.. hindi naman nila tayo papapasukin." sabi ni sebastian at huminga pa siya ng malalim.

tumango naman ako at tinignan ko uli yung lalaki, "kaya nga.. nasayang pa oras natin." naiinis na sambit ko sa kanya at napapaiwas lang naman siya ng tingin sa akin.

oa naman kasi nung parents ni yvonne. anong akala niya sa amin? masama? akala niya talaga sasaktan namin si yvonne. tsk.

"tara nalang nga!" naiinis na aya ko sa mga kasama ko. hinawakan ko nalang yung kamay ni yesha at hinila ko siya paalis doon. nagmumukha kaming tanga na nagmamakaawa doon.

pero...

"wag kayong umalis! pumasok na kayo!" dinig namin galing sa boses lalaki. napaharap naman kami doon sa kanya.

lalaki siya at mukhang kaedad namin siya. sino kaya siya at bakit niya kami pinigilan? tsaka willing pa nga na papasukin kami. buti pa siya.. mabait 'no? eh yung proctor? ewan ko.. sino ba yun? maarte eh.

nagkatinginan lang naman kami nina yesha dito at parang nagdadalawang isip pa kaming bumalik doon sa pwesto namin. mukhang hinihintay lang namin kami nung binata.

"sigurado ka ba? papapasukin mo sila? mapapahamak tayo sa parents nung pasyente." sumasapaw pa 'tong proctor eh. masyadong kontrabida. -.-

"oo naman. tsaka pagbigyan nalang natin sila, kuya. hindi naman siguro pupunta yung mama niya dito. tsaka tulad nga ng sabi nila.. madali lang sila dito." sabi nung lalaki.

"paano kung pumunta siya dito?" kainis naman 'tong isa eh.

"bahala na.. ako nalang bahala pag mangyari yun. bibisita lang nga yung mga kaibigan ng tao eh." sabi niya. ang bait niya naman.

tsaka wala lang namang angal yung proctor. pero maya-maya napatango nalang siya. papayag din naman pala eh. pero nagpapasalamat kami dito sa.. binata dito. ang bait niya eh.

"tara.. sumama na kayo sa akin. sasamahan ko kayo doon kay yvonne." sabi niya at sumama na nga kami sa loob.

pumasok kami at sumama lang naman kami sa kanya. pero habang papunta kami doon, nakakarinig kami ng mga iba't ibang ingay tulad ng mga iyak, tawa at sigaw. may nakita pa kaming babaeng pasyente na inaalalayan ng psychiatrist. ang creepy lang talaga dahil ningitian pa kami. tumaas balahibo ko doon ah.

napatingin naman ako kay yesha at sebastian. mukhang parehas din kami ng reaction.

"ang creepy nun." sebastian.

"oo nga." yesha.

"syempre.. baliw." sabi ko. tsaka ko nalang inakbayan si yesha para hindi siya matakot.

yung lalaki naman na tumulong sa amin, mukhang sanay na dito sa loob ng mental hospital. ang sobrang ingay dito at may mga pasyente pa na umaakto ng nakakaiba na hindi ginagawa ng normal na tao. straight face lang yung reaction niya at mukhang hindi man lang siya natatakot dito.

tsaka.. napansin ko yung suot niya. puti lahat. tsaka nakita ko yung pangalan sa gilid ng uniform niya. jaemin pala pangalan niya. mukhang nagtratrabaho siya dito. ang bata pa niya. baka janitor siya dito.

"pasensiya na sa inakto nung proctor ha? ganun talaga yun." sabi niya pa sa amin. "tsaka masyado talagang strict ng parents ni yvonne."

"hindi, okay lang. kami nga dapat magsorry eh nagpipilit pa kami." sabi naman ni yesha.

"pero salamat dahil pinapasok mo kami.. jaemin ha?" sabi ko sa kanya. mukhang nabigla pa siya nung tinawag ko siya sa pangalan niya. tinuro ko lang naman yung pangalan sa gilid ng damit niya at napatango lang naman siya.

napatingin naman siya sa amin at mukhang matagal niya pa kaming tinignan. pero ningitian niya naman kami bigla, "okay lang yun.. tsaka walang problema. maliit na bagay." nakangiting sambit niya sa amin.

"matanong lang kita jaemin ha? ano ka ba dito? mukhang sanay ka na kasi dito. tsaka kaedad ka lang namin. tsaka hindi ka man lang pinigilan nung proctor nung pumayag kang papasukin mo kami." sabi ni sebastian. buti naisip niya din yun.

"oo nga.. janitor ka dito 'no?" tanong ko sa kanya. ngumiti lang siya sa amin. ah so tama nga akong janitor siya. huminga siya ng malalim at saglit siyang napatigil sa paglalakad kaya napatigil din kaming tatlo dito.

"actually.. i'm psychiatrist here and my patient is yvonne. i've been her psychiatrist for one month now." nakangiting sambit niya sa amin. natigilan naman ako. tangina. ayoko na talaga!

sa edad niyang yan? ayaw ko tuloy maniwala sa kanya. ang bata niya naman para maging psychiatrist dito. paano yun nangyari? kaedad lang namin siya. pero tangina talaga.. akala ko janitor siya dito.

ang pahiya ko masyado kahit lalaki akong tao. pinagkamalan ko pa siyang janitor dito sa hospital! potek naman yan!

siya lang naman pala yung psychiatrist ni yvonne.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now