mace's pov
kaya pala nababasa niya?! pero bakit hindi ko man lang naramdaman?!
dahil nabigla ako, hindi ko mapigilan na makapagsalita, "kanina ka pa diyan?!" malakas na tanong ko sa kanya.
tumango naman siya at natawa naman siya ulit. pota pero how to breath at kumalma nga? he's looking fine today. soaper gwapo niya ngayon. >< deserve ko ba makausap at makasama ang isang pogi slash kind slash smart named sebastian jung?
syempre, deserve ko. ang sobrang ganda ko kaya.
"titig na titig ka naman sa mukha ko. magsawa ka nga sa mukha ko." natatawang sambit niya sa dahilan na mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
paano ako magsasawa sa mukha mo kung lagi ka namang gwapo? kasalanan mo na yun.
"che! hindi 'no!" angal ko.
shuta, nakakahiya talaga! >< lagi niya nalang akong nahuhuli.
maganda ka nga self, pahiya naman.
"slow mo, sinabi ko na nga sa chat. pinahalata ko na nga sa'yo pero ang manhid mo naman." sabi niya.
yun pala yung mean niyang dapat akong lumingon. tae, ngayon ko lang narealize. ang slow ko nga.
"e'di sorry na. pero totoo ba? kanina ka pa andiyan?" tanong ko sa kanya.
"oo nga kasi. kaya ko nababasa yung mga pinagtata--"
dahil nahihiya ako, tinignan ko uli siya at huminga ako ng malalim, "oo na nga kase! nababasa mo na lahat! nakakahiya talaga!" malakas kong sambit sa kanya. tapos tinawanan niya lang naman ako.
"eto naman.. nagtanong ka naman eh. tsaka okay lang naman yun sa akin." sabi niya.
bigla naman siya tumabi dito sa'kin sa bench causing my heart's beating faster. tinabihan lang ako pero nakakaiba na kaagad feeling ko!
"dapat pag nagmemessage ka sa'kin, send mo na lahat sa akin. para hindi naman masayang yung effort mo sa pagtype mo." sabi niya at wala lang naman akong may masabi dito.
shuta naman kasi, i still feel awkward between us. oo, sa chat malakas loob ko. pero ngayon parang naging estatwa ako dito. pero kay baste, parang wala lang sa kanya. paano yun?!
tapos parang wala pang may magsasalita sa amin kaya nilibang ko nalang ang sarili kong pagmasdan ang mga athletes na naglalaro dito sa field ngayon. binalik ko nalang uli kina jaxvier at yesha ang tingin ko. naglalaro pa din sila at tsaka ang sweet pa din. sana all talaga, may kabonding. :<
"saya nila 'no?" sabi ni baste. madali ko siyang tinignan. ipinagmamasdan niya din pala sina yesha.
tumango ako at binalik ko uli ang tingin ko sa kanila, "oo. tsaka mabuti nalang ganyan sila palagi 'no. buti talaga natauhan na si jaxvier at.. syempre deserve naman talaga ni yesha yung kasayahan na natatanggap niya ngayon." sabi ko sa kanya.
"oo nga.. alam ko naman na hindi na siya iiwan ni jax ulit. hindi niya na ipaparamdam kay yesha yung dating sakit. aba gago siya kung uulitin niya." sabi niya at napangisi naman siya. gago, ang gwapo talaga! ><
natawa naman ako dito, "napakaover protective mo naman kay yesha. tsaka hoy wag kang ano diyan. hindi na sasaktan yan ni jaxvier 'no. nakikita naman natin yun ngayon na mahal na mahal niya yung tao eh." sabi ko sa kanya.
"alam ko naman yun. tsaka syempre naman, kaibigan ko si yesha. minahal ko din ng sobra yun." nakangiting sambit niya.
sana all so much talaga.
YOU ARE READING
innocent | ninini
Fanfiction❝ why you're so innocent, yesha? you didn't even know your boyfriend's true color, you still don't know him. ❞ 多 INNOCENT // ninini au ♡ stand alone story | completed ➳ @doieruto <3