➳ inncnt_139

34 2 0
                                    

yesha's pov

"bye. baka mahuli at marinig kami. thank you." huling sambit ni jax at tinapos niya na yung tawag. madali niyang tinago yung phone niya sa bulsa niya at huminga siya ng malalim, "sana nga worth it yung paghingi natin." sabi niya.

napatango naman si sebee, "tiwala lang. dadating yun." sabi niya.

sobra akong kinakabahan dahil paano kung mahuli kami ng mga walangyang tao na gumawa neto sa amin? buti nalang wala.

"i'm back."

nung narinig namin ang boses na yun, napatingin kami sa kanya. bumalik siya kasama ang kanyang mga tauhan. umayos lang naman kami ng upo dito at hindi nalang kami nagsalita.

"naghintay ba talaga kayo sa akin?" nakangiting tanong niya sa amin.

"oo, pabitin ka eh." biglang sagot sa kanya ni jax at nanlaki naman ang mata ko nung sinabi niya yun.

"pabitin? talaga bang excited kang mamatay jaxvier?" medyo malakas niyang tanong kay jax at kinuha niya naman yung baril niya. hindi ko naman maiwasang kabahan lalo. baka iputok niya bigla.

"nagmamadali lang siya para nga sakto yung kasayahan mo. alam ko naman na mas sasaya ka pag sinabay mo kami. kaya.. sabayin mo na kaming patayin, nahiya ka pa. ano pa bang hinihintay mo?" dagdag pa ni sebastian. hindi ba sila natatakot?

"maghintay ka kasi papatayin din kita!" galit na sambit niya kay sebee.

"dali! barilin mo na ako! kayang-kaya mo naman akong patayin kasi anak ka ng demonya!" sigaw ni jaxvier sa kanya sa dahilan na nakita kong sinamaan ng tingin ni tita emily si jaxvier.

"tama na yan." naiiyak na sambit ko sa kanila. ayaw nilang tumigil.

nagulat naman ako na bigla niyang itinutok ang baril niya sa ulo ni jax sa dahilan na natakot at napasigaw ako, "wag! please! nagmamakaawa ako!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

"ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng anak ako ng demonya!" sigaw niya kay jax.

"anong tingin mo sa sarili mo? anghel? mala-anghel ba 'tong ginagawa mo? mabuting gawain ba 'tong patayin kami? matatawag kang demonya sa ginagawa mo. ang lakas ng loob mong balak bawiin ang buhay ng isang tao." kalma na sambit sa kanya ni jaxvier.

"wala akong pake. nakaya ko 'tong gawin dahil sa ginawa niyong kagaguhan sa anak ko." natatawa niyang sambit kay jax.

napatingin naman siya sa amin pero hindi niya pa din tinatanggal yung baril sa ulo ni jax, naiiyak lang naman akong napapatingin sa kanya. pero binibigyan niya ako ng tingin na wag lang akong mag-alala.

"siya ang una kong papatayin dahil galit na galit ako sa kanya." sabi niya sa amin at naiyak naman ako lalo doon.

hindi ko kaya.

"go. wala akong pake." malamig na sambit ni jax sa kanya.

"any last words to them?" tanong niya pa samin.

"what do you mean by last words? magkikita din naman kami sa kalangitan pag namatay na kaming lahat." sarkastikong sambit ni jax sa kanya.

"ang bastos mong kausap!"

"pag napatay mo na kaming lahat, sana masaya at bumait ka na. yun lang." sabi niya sa kanya at ngumiti pa talaga siya.

"kating-kati na akong barilin kang yawa ka." galit na sambit niya kay jax.

"dalian mo na! naghihintay ako kanina pa!" sigaw din ni jax sa kanya at hindi ko ding mapigilan na umiyak lalo. talaga bang seryoso siya na gusto niyang bumitaw?

akala ko ba ililigtas pa kami nung tinawagan niya? huli na ba siya?

"kayong dalawa.. panoorin niyo kung paano mamamatay si jaxvier." sabi niya at unting-unti niyang pinipindot yung sa baril.

"wag! please! maawa ka naman!" sigaw ko sa kanya.

"mahal kita, yesha! tandaan mo yan!" sigaw ni jaxvier at nakita kong napapikit na siya.

nung nakita kong malapit niyang pinutok yung baril, napaiwas ako ng tingin bago ko marinig ang baril. napapikit nalang ako ng tuluyan. ayoko. masakit. hindi ko siya kayang makitang binabaril. napapaiyak nalang ako. wala silang awa!

nagtataka ako na wala akong narinig na putok at yun pala.. narinig naming lahat na may bumukas yung pintuan at..

"mom! i swear, stop your bullshit!"

dahan-dahan ko namang binuksan yung mata ko at napatingin ako sa dumating na babae. nanlaki naman ang mata ko nung nakita ko siya. hindi ako makapaniwala na siya yung dumating.

si yvonne.. na kasama si jaemin.

at sila pala yung natawagan ni jaxvier at ang tutulong sa amin.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now