sebastian's pov
nung sinabi ko yun sa kanila, nagkaroon ng matinding katahimikan. mukhang ayaw nilang maniwala sa akin. pero huminga nalang ako ng malalim.
"si mace nagsabi sa akin. siya yung nakakita ng lahat. bigla lang siya nabaliw nung tinatanong siya kung bakit niya nga ba nagawang planuhin yun kay yesha." kwento ko sa kanila. "tsaka.. nakita din daw sa cctv na sinadya niya yun kay yesha." dagdag ko. naging seryoso naman uli yung itsura ni jaxvier at nananatili pa ding natitigilan si yesha.
"yun.. umiba yung akto niya. umiiyak lang siya pero bigla siyang natatawa. sumisigaw pa nga. paulit-ulit pa daw yung pinagsasabi niya tungkol sa inyong dalawa. may mga taong nagpipigil sa kanya.. pero hindi siya nakinig sa mga tao." kwento ko sa kanila. "sinasaktan niya na nga daw yung mga nagpipigil sa kanya. ayaw niyang tumigil sa kakasigaw, kakatawa at kakaiyak."
"kahit ano daw yung mga sinasabi nila at pagpipigil nila kay yvonne, parang bingi lang siya dahil hindi niya pinapansin yun. para siyang weirdo. dahil parang wala na siya sa normal na pag-iisip at nababaliw na siya, dinala na agad si yvonne sa mental hospital.. na baka may chance pang tumino pa siya. mahirap na daw kasi pag hinayaan pa, baka mas lalong mabaliw. tsaka.. baka hindi pa kayo tigilan."
"natatakot yung mga baliw na tao. kasi kaya nilang gawin yung mga bagay na hindi dapat gawin nung nasa normal pa lang sila na pag-iisip." sabi ko sa kanila. "don't worry, mapayapa na kayo. hindi niya na kayo magugulo." nakangiting sambit ko sa kanilang dalawa.
"kahit ginawa niya 'to sa akin, naaawa pa din talaga ako sa kanya. hindi ko inaakala na mababaliw si yvonne. isa lang ang hiling ko, sana.. gumaling siya. i hope she can survive." sabi ni yesha at napatango naman ako doon.
"sana nga. sana humingi din siya ng tawad sa inyong dalawa ni jax." sabi ko.
"i feel so bad to her. nakalimutan niya na nga ang sarili niya dahil sa akin. kasalanan ko talaga yun." sabi ni jax na kusang sinisisi pa ang sarili niya sa lahat-lahat.
"hindi naman, jax. kasalanan niya na talaga sa una pa. kung talagang mahal niya sarili niya, marunong siyang umitindi at dapat hinayaan ka niya nalang maging masaya kay yesha. tsaka dapat.. hindi niya hinayaan yung sarili niyang masaktan lang." sabi ko sa kanya. "dapat inisip niya na sa una pa lang na.. bumitaw ka na talaga. pero hindi, kumakapit pa din siya. siya nalang yung kumakapit. binitawan mo na siya at wala ng sumalo sa kanya."
"yun lang talaga ang mali. binuhos niya sa'yo lahat. ang tanga niya at at ang rupok niya sa'yo. dahil sa karupokan niya sa'yo, kung ano na ang kaguluhan na pinaggagawa niya sa inyo ni yesha. tsaka ang resulta, nabaliw siya sa huli." dagdag ko.
"kahit galit ako sa kanya, nagawa ko pa ding maawa sa kanya. sarili niya lang talaga ang makapagpagaling sa kabaliwan niya." sabi ni jax at napatango naman ako doon.
"gagaling at titino ulit si yvonne kapag naawa na siya ulit sa sarili niya at.. narealize niya na yung tama at mali." sabi ko sa kanila.
marami pa kaming pinag-usapan ditong tatlo. hindi naman ako na-op sa magjowa na 'to. masaya nga sila kasama. buti nalang hindi kami awkward. di'ba nga.. mahal ko pa si yesha? pero wala naman kaming sama ng loob sa isa't isa. nagkakaintindihan naman kami.
nung tinignan ko kung anong oras na, malapit na pala mag ala-una. ang bilis ng oras ha. kaya tumayo na ako at magpapaalam na ako sa kanila.
"babalik na ako sa school. malapit na first period namin." pagpapaalam ko sa kanila. "thank you ulit sa time."
"sige, ingat ka sa pagbalik sa school. thank you din sa pagbisita dito." sabi sa akin ni yesha.
"wala yun.. pagaling ka yesha ha? nandiyan lang lagi si jax para sa'yo." nakangiting sambit ko sa kanila. nakita ko naman na ngumiti din sila sakin.
"oo naman." natatawang sambit ni yesha.
"supportive mo naman, sebastian. kaya hindi tayo nagkakagalit at nagpapatayan eh." biro niya sa dahilan na natawa kaming tatlo dito.
"baliw ka talaga, babe!" saway sa kanya ni yesha.
"oo naman, kelan pa ba akong hindi naging supportive sa inyo?" nakangiting tanong ko sa kanila.
"hoy joke lang yun, sebastian. buti nga may tao pang tulad mo. bait mo kasi." sabi ni jax sa akin. "bumalik ka lang dito ulit pag kelan ka may bakante."
napatango nalang ako, "sige, sure. salamat. mauna na ako." paalam ko sa kanilang dalawa at kumaway lang naman sila sa akin. ningitian ko lang naman sila.
tsaka lumabas na talaga ako ng room nila.. hanggang sa labas ng hospital. naghanap ako ng tricycle na masasakyan pabalik sa school at mabuti naman meron. medyo malayo kasi yung hospital sa school namin.
sa wakas talaga, wala ng epal sa love story nina jaxvier at yesha.
-
so guys what if naging
epal si sebastian like
yvonne? djk HAHAHAHA
YOU ARE READING
innocent | ninini
Fanfiction❝ why you're so innocent, yesha? you didn't even know your boyfriend's true color, you still don't know him. ❞ 多 INNOCENT // ninini au ♡ stand alone story | completed ➳ @doieruto <3