sebastian's pov9:12 a.m.
nandito kami sa bleachers na nanonood ng morning programme. tapos magpeperform na daw yung mga cheerleaders. kasali yung impakta, si yvonne. bakit ba? nakakainis pa din siya hanggang ngayon eh.
agad namang nag-ingay dito yung mga students nung nagsimula na magperform yung mga cheerleaders. pinapanood ko lang naman dito si yvonne.
hindi ako magsisinungaling, magaling nga siya mag-cheerleading. ang ganda pa ng boses niya. ang lambot at lakas pa ng katawan niya dahil parang may kasali ng gymnast yung mga steps nila. kaya niyang magpatapon sa sobrang taas, sana nga magkafailure-- joke lang. tsaka huli sa lahat, ang ganda ng ngiti niya. kaya nga maraming hanga na hanga na mga students ngayon kay yvonne.
pero hindi nila alam kung ano yung totoong ugali niya.
"tsk."
napaharap naman ako kay mace. yung mukha hindi maipinta habang pinapanood si yvonne.
"hoy, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.
huminga siya ng malalim, "tignan mo nga yang babae na yan. ngiting-ngiti naman siya. napakaplastik amputa. akala mo walang may inahas eh." mataray na sambit niya.
napailing nalang ako ng tuluyan, "tumahimik ka nga diyan. baka may makarinig sa'yo eh." saway ko sa kanya. she just rolled her eyes. sungit talaga.
"oo nga pala, secret lang natin yun." sabi ni mace at napatango lang ako. tsaka naman ako napatingin ulit kina yvonne na hanggang ngayon ay nagpeperform pa din.
tsaka nakita ko si jaxvier sa baba. nakisali siya dito sa amin. magkasama naman kami dito sa iisang section kaso, nasa baba siya at nandito kami sa taas. blanko lang naman yung itsura niya habang nakatingin siya kay yvonne. nakita ko pang iniwas niya ang tingin niya sa kay yvonne. aba.. dapat lang.
"tsk. alam mo? kahit muse lang ako dito sa school, mas magaling pa ako kay yvonne mag-cheerleading eh." sermon nang sermon si mace dito kanina pa.
"hay nako, ewan ko sa'yo mace. manood ka nalang nga diyan." saway ko ulit sa kanya at buti nalang, tumahimik nalang siya. pero yung mukha, hindi talaga maipinta.
maya-maya, tapos na din sila magperform. nakikinig lang naman kami dito sa announcer. tsaka lang naman ako napangiti dito nung nalaman namin na iintroduce na yung mga teams. ayan na nga.
"woooooo! ayan na!"
napaharap naman ako kay mace na napasigaw at pumapalakpak pa. iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at napangiti nalang ako dito. parang kanina ang sama ng araw tapos ngayon nagchange naman yung mood niya.
may pinagsasabi pa yung mga announcer. tapos nakikita naman namin na nagprapractice ng madalian yung mga players. bigla namang nainip si mace dito.
"ang tagal naman! dalian niyo kasi!" reklamo niya.
napatawa naman ako, "huy! maghintay ka nga. masyado kang excited!" sabi ko sa kanya.
"sorry na. ang dami pa kasing pinagsasabi eh. kanina pang alas nueve!" angal niya naman.
tsaka sa wakas, yun na nga.. iniintroduce na ng mga announcer yung mga players. sa kabilang school yung inuna nila. wala pa sina yesha. nagsisigawan na din yung mga students from other school habang tinatawag yung isa-isa na players.
"ano ba yan, ang ingay nila. hindi tayo papatalo, lakasan niyo mamaya ha!" dinig ko na naman na reklamo ni mace. "akala mo naman mananalo sila! luh!"
tapos marami namang napasang ayon dito sa sinabi ni mace at napailing nalang ako dito ng tuluyan. napakaattitude talaga 'to basta sa ibang school. parang sa volleyball lang sila mag-compete eh.
"and last but not the least, the team blue tiger spikers!"
tsaka binuhos namin yung effort namin na mag-ingay dito sa gym. mas malakas pa nga ngayon yung ingay namin compare doon sa kabilang school. halo-halo yung mga pinagsisigaw namin dito at halos hindi kami magkaintindihan dito. ganito kasaya basta may game sina yesha at.. basta pagdating sa kanilang team, bahala na mapaos kami basta ang supportive lang namin sa kanila.
"go team blue tiger speakers! we luhvyoooooooo!"
tsaka naman sila ipinakilala ng announcer by their uniform number. palakas lang nang palakas yung ingay dito sa gym.
"number one, yesha ahn!"
yung tinawag na ang pangalan ni yesha, mas lumakas pa ang pagcheer namin dito sa kanya. halos mawawalan na nga kami ng boses dito.
"go captain yesha! go captain yesha! go captain yesha!"
"captain yesha lang malakas!"
"go yesha! i love you so much!"
napatingin naman kami kay jax nung sinigaw niya yun kay yesha habang tinataas pa niya ang kanyang kamay. kaya hindi naman mapigilan ng mga kababaihan dito ang makilig at mapatili. napangiti nalang ako ng tuluyan dito.
kahit tapos na yung pagpapakilala sa kanila, maingay pa din. may sinabi pa yung mga announcer. tsaka nagdasal muna yung ang mga players. pagkatapos, sa wakas, magsisimula na yung volleyball game set one nila.
tsaka nasa team ng kalaban nina yesha yung bola ngayon. tsaka nagspike naman yung captain ball nung nasa kabilang team. grabe, hindi ko maitatanggi na ang galing din ng kalaban nila. matinding laban yata 'tong mangyayari ngayon.
tsaka napasigaw lang naman kami dito nung nakapoints yung team nina yesha. malakas yung pagkaspike ni yesha at hindi nakabawi yung kalaban.
patuloy pa din sila na naglalaro ngayon. hindi kami nagsasawa at napapagod na mag-cheer sa kanila. nagpapalitan lang naman sila ng score. minsan, nalalamangan sila ng kalaban nila at pantay pa yung scores nila. pero good news, grabe yung lamang nina yesha sa kalaban. pero wag lang papakampante kasi magaling yung mga servers ng nasa kabilang team.
pero sana nga manalo sila kaagad sa set one at alam kong kaya nina yesha yan.
YOU ARE READING
innocent | ninini
Fanfiction❝ why you're so innocent, yesha? you didn't even know your boyfriend's true color, you still don't know him. ❞ 多 INNOCENT // ninini au ♡ stand alone story | completed ➳ @doieruto <3