sebastian's pov
"sad girl ka diyan! hindi ako sad! sadyang masama lang pakiramdam ko!" angal niya sa akin. sus, hindi na ako maniniwala sa kanya.
"ah ganon? pag masama pakiramdam mo kailangan mo akong iwasan?" tanong ko sa kanya sa dahilan na hindi siya kaagad makasagot. "tsaka masama pakiramdam?" tanong ko at mabilis kong chineck yung pakiramdam niya. hindi naman siya mainit. "hindi naman ah. nakakatakbo ka nga ng mabilis." dagdag ko at natahimik naman siya saglit.
"alam mo mace.. wag ka nang magsinungaling sa akin. hindi naman kita papaniwalaan." seryoso kong sambit sa kanya.
wala namang nagsasalita sa aming dalawa. tinitignan ko lang naman siya. mukhang nailang naman siya sa akin. nakita kong napaupo nalang siya sa damuhan at iniwas niya naman ang tingin niya sa akin. hindi yata matiis ang kagwapuhan ko. ^-^ hehehe.
tumabi ako sa kanya at tinignan ko siya ulit. huminga ako ng malalim, "so.. bakit mo ako iniiwasan, mace?" tanong ko sa kanya. "pwede mo namang sabihin sa'kin. alam mo bang sobrang curious na ako? okay lang naman sa'kin, kung ano yan." dagdag ko.
"ayaw ko ding nagkakaganito tayo. kung may nagawa man ako kaya iniiwasan mo ako, sorry na kaagad. basta gusto kong alamin kung bakit. kagabi pa akong nababaliw kung ano ba yan. hindi din ako nasasanay na iniiwasan mo ako." sabi ko sa kanya at sandali kong iniwas ang tingin ko sa kanya. hinintay ko lang siya magsalita.
"tama bang sabihin ko 'to sa'yo? nakakahiya." sabi niya.
natawa naman ako ng tuluyan sa sinabi niya, "bakit ka naman mahihiya sa'kin? ako lang naman 'to. excited nga ako." sabi ko sa kanyang nakangiti.
"baka tatawanan mo ako kapag nasabi ko na? baliw kang sad boy eh." masungit niyang sambit sa'kin.
"susubukan kong hindi tumawa. depende sa rason mo." natatawa kong sambit sa kanya. sinamaan niya naman ako ng tingin.
"bwisit ka! huwag nga sabi!" angal niya.
"oo na. hindi na. sabihin mo na sa akin. bakit mo nga ako iniiwasan?" tanong ko sa kanya. tsaka yun.. natahimik naman siya ulit. >< hayst naman.
huminga siya ng malalim, "hindi ko nga alam kung bakit bigla ko 'tong naramdaman. nakakainis. nakakatawa." kwento niya tapos bigla siyang natawa. "i feel things that i didn't know i was able to feel."
potek.. tama nga ba talaga ang hinala namin ni yesha? biglang bumilis yung tibok ng puso ko dun ah. >< weird!
"eh baste.. nakakahiya. umalis ka na nga!" nanlaki naman ang mata ko nung sinabi niya yun. natawa naman ako. hindi niya yata kayang sabihin yun.
"ano ba, sige na mace. excited na nga ako dito eh." natatawa kong sambit sa kanya.
"sige nalang nga! alam mo namang hindi kita matitiis!" suway niya sa akin sa dahilan na napangiti ako sa sinabi niya. yie, double meaning ata yun? djk.
"yun nga kasi.. yung sa chat. yung sinasabi mo na.. papatol ka sa babae na mas maganda pa sa akin. nagselos ako dun kaagad. hindi ko alam." kwento niya at mabilis niyang iniwas ang tingin niya sa'kin.
"yung about sa sinabi ko na papatol ako sa mas maganda pa sa'yo yung papatulan ko? lahat nun?" tanong ko sa kanya at tumango siya. "biro lang naman yun lahat." natatawa kong sambit sa kanya.
"oo! basta.. nainis ako dun. hindi ko nga alam sa sarili ko na iniiwasan na kita. but i used to do it. nabwibwisit ako dun sa chat mo. nagseselos nga kasi ako!" parang naiinis pa siyang nag-eexplain sa akin.
YOU ARE READING
innocent | ninini
Fanfiction❝ why you're so innocent, yesha? you didn't even know your boyfriend's true color, you still don't know him. ❞ 多 INNOCENT // ninini au ♡ stand alone story | completed ➳ @doieruto <3