Chapter 4

2 2 0
                                    

TYKEN'S POV

Wala naman gaano kaming ginawa noong Sunday. Athena's right, magpapapirma lang kami ng clearance ngayong araw na 'to.

"Tyken" Blake approached me.

"Yes?" I just want to be straight forward.

"Wala naman. I just saw you walking alone, bakit wala si Priya?" he's might be interested to my friend.

"Nando'n sa cafeteria bumibili ng pagkain namin" tumango tango naman ito.

"I see. Tapos na ba kayong magpapapirma?" he asked.

"Hindi pa eh, madami pa 'to" I showed him the clearance paper. "Ikaw ba? Tapos na?"

"Hindi pa nga ako nagsisimula eh" bigla siyang napakamot sa kanyang batok.

"Kailangan mo na 'yang simulan ano" tumawa lang ito ng peke.

"Mamaya na siguro. Ahm Tyk, is it okay to ask you some question?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"About what?" I looked at my clearance paper. Sa'n ba ko pwedeng pumunta muna?

"Alam mo ba kung sinong friend ni Priya ang may gusto sa akin?" agad akong nagulat at napalingon sa kanya. I gulped, is he referring to me? "She told me to avoid her friend" he added.

Nagsimula na akong pagpawisan sa sinabi niya ngayon. Bakit ba 'yon sinabi ni Priya?

"I... I don't know" napangiwi naman siya sa inakto ko.

"Tyken" good thing she's here. "Mr. Veniel why are you here?" pagtataray na naman niya.

"I just saw Tyken and besides were friends already" sabi niya sabay akbay sa akin. Tinignan ko ang kamay niyang naka akbay sa akin. I can feel that my cheeks are turning to red now.

"Get off your filty hands bastard" inalayo ni Priya ang kamay ni Blake sa akin.

Itinaas naman ni Blake ang dalawa niyang kamay, a sign of giving up. "Woah" he exclaimed.

"Priya let's go" hinila ko na siya paalis roon. I don't want Blake to see my redish cheeks.

Malayo layo narin kami sa kinaroroonan namin kanina. Lumingon ako para tignan kung nando'n pa ba si Blake. Good thing na umalis na siya. Makakahinga na ako ng maluwag.

It's noon so basically it's break time. Pabalik na kami sa room namin ngayon para kunin ang wallet namin. Nakita ko'ng nakasandal sa pader si Athena sa mismong labas ng room namin.

"Oh ba't narito ka naman?" pagsisimula ni Priya. As far as I know, hindi pwedeng makapasok rito ang mga high school at elementary.

"Naiwan mo sa bahay. Mommy told me to give it to you" she handed Priya's wallet. Kaya pala wala sa bag niya kanina ang wallet niya. Humiram pa nga siya ng pera para makabili ng pagkain.

"Thanks but you can text me naman para ako na ang pumunta sa'yo" Athena looked her unbelievable.

"So it's my fault now?" she raised her brows.

"Girls, don't argue" pagpapaalala ko sa kanila. Minsan lang 'to magkasundo eh. "By the way Athena, are you done with your clearance?" she just nod at me.

"Weh? You're kidding" napatawa pa si Priya. Biglang may ipinakitang papel sa amin si Athena. It's not just a paper, it's a clearance.

"Naniniwala kana?" mayabang niyang tugon.

"Tsk. Malapit narin kaming matapos uy" pumapatol rin eh.

"Kuya Tyk, I gotta go" akma sana siyang aalis pero pinigilan ko siya.

"We'll have lunch first before you go" nakangiti ko'ng saad at sumunod naman ito.

Mabuti na lang talaga at sumusunod ito sa akin eh. Pero may mga panahon talagang napaka tigas ng ulo nito. Kahit nga sa lala nila ay pasaway parin ito. Ewan ko na talaga sa batang 'to eh.




BLAKE'S POV

Finally, natapos narin akong magpapirma thou it takes hours to finally complete it. 'Di ko nga namalayan ang oras dahil sa paghahabol ng mga professors at dean namin. Kasama ko naman si Zy kaya enjoy parin ang ginagawa namin.

"Tol" my friend from the other department called me.

"Uy tol" bati ko sa kanya.

"Napaka behave yata natin ngayon ah" pang-aasar niya pa. Well, it's been a month since the last hunt.

"Wala kasing target" natatawa ko'ng saad.

"Do you want another?" this might interisteng but academics first.

"Next school year na siguro tol. Alam mo namang finals ngayon. Mahirap na kung hindi tayo pumasa" tumango tango naman ito.

"Oo nga, ayaw ko pa namang bumalik. So game na next year?" siya ang palagi ko'ng kasama sa mga kalokohan. Si Roid ayaw niya naman sumali.

"Game basta half of the 1st month tayo magsisimula" napangiti naman siya ng malawak.

"Sure sure. Freshmen ba target natin?" tumataas baba pa 'yong kilay niya na parang nangungumbinsi.

"'Pag maraming may potential sa kanila, why not diba?" kibit balikat ko'ng saad.

"That's what I like about you Blake. Kahit na kilalang kilala ka na ng playboy ay malinis ka parin sa mga mata ng mga taong narito eh" natatawa niya pang sabi.

"Ganyan lang naman ang magagawa ng mga charms ko" pagyayabang ko pa sa kanya.

"Loko. Kala mo naman wala ako no'n" pagyayabang niya rin.

"But most of the seniors have the potential" suggest ko. Totoo naman kasi, madaming nakakaalam na sa mga pinaggagawa namin but still they are falling for us. Crazy isn't it?

"Sino naman sa mga seniors?" nag-iisip pa siya. Kala mo naman meron no'n.

"Syempre as usual 'yong mga mayayaman at mayabang" natatawang saad ko.

Napailing naman ito at sinabing "What if the smarty ones" his eyes sparkled.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya. Kung matalino ang target namin ay for sure hindi aabot ng buwan ang laro namin.

"Para may taga sagot at gawa ng mga output natin, ano ka ba. Utak gamitin kasi" natatawang saad niya habang tinuturo ang kanyang ulo.

"Meron ka ba no'n?" pagbibiro ko sa kanya, hinampas ba naman ako.

"Anong akala mo sa akin? Wala no'n, meron uy kaso walang laman" nagtawanan kami sa sinabi niya. 'Pag ito talaga ang kasama ko eh puro katarantaduhan lang ang nasa utak namin.

"If the freshmen's doesn't have the potential, we'll target the smarty seniors. Deal?" I offered him my hand at kinuha niya naman ito para makipagkamay.

"Deal" nakangiting saad niya. Sa haba ng pag-uusap namin hindi namin na malayan na nasa parking lot na kami.

"Pa'no ba 'yan, magkakahiwalay na tayo" pertaining on our way.

"Ayoko tol" nagkunwari pa siyang nagpupunas ng mga kunwaring luha niya.

"Ulol, bahala ka d'yan" natatawa ko'ng saad at pumasok na sa loob.

Next school year, we have already the target. For sure magiging kawawa lang ang mga target namin nito. We can handle it though the process is hard.

Welcome to my Game (Pride Series #2)Where stories live. Discover now