Chapter 9

4 1 0
                                    

PRIYA'S POV

Natapos na kaming mag impake, maglinis ng kwarto, at tumulong magluto rito sa dorm nila pero hindi parin gumigising si Athena. Kaya napagpasiyahan namin na sa living area na lang namin siya aantayin.

"Ate, kuya, kain na po. Mamaya pa siguro 'yon magigising si Athena" saad no'ng kasamahan n'ya. Hindi pa naman ako nagugutom. Kinalabit ko si Tyken.

"Mauna ka na, sasabay lang ako kay Athena" he just keep his eyes close. Napagod ata 'to. "Pwede ka na ring mauna sa bahay para makapagpahinga kana Tyk"

"We'll wait for your sister" he murmured. Aakalain mo'ng tulog eh pero hindi pala.

After minutes of waiting for her to wake up, she finally went out from that room. I scanned her from head to toe. Why did she dressed up like that? Balot na balot talaga ah. She's wearing a jeans, a couple of white shoes, sleeves, cap, and she holds a jacket. Kinalabit ko'ng muli si Tyken para dumilat.

"Ano 'yon?" he rub his eyes at sinuot ang kanyang specs. "Woahhh!" he exclaimed.

"Gising na si Athena, ate. Kain na kayo" magiliw niyang sabi. Tumayo na kaming dalawa ni Tyken para pumunta roon.

"Is there something wrong on your sister?" I shook my head.

"I don't know. I'll ask her later" mahinang tugon ko kay Tyken.

Umupo na kami sa upoan na naroon. Napansin ko'ng hindi gaanong karami ang nilagay ni Athena. May sakit ba 'to? Eh kahapon lang ang sigla sigla nito. I shrugged the thoughts out of my mind.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami. Sinamahan ko si Athena sa sasakyan n'ya habang si Tyken lang mag-isa sa kabila. Sinabihan ko na siya na ako na lang ang magmaneho pero sabi n'ya ay kaya n'ya raw. Hindi naman malamig ngayon pero balot na balot si Athena.

Naririnig ko ang munting pagsinghot n'ya, like she's having a sneeze or cold. I turned on the aircon of her car. She's acting weird.





TYKEN'S POV

Napansin ko kaninang namumutla si Athena. Ewan ko kung napansin ba 'yon ni Priya. Habang kumakain kami kanina ay panay ang pagtingin ko sa kanya. Hirap na hirap nga siyang kumain. I know there's something wrong but she keeps on saying that she's okay.

Nakarating kami sa bahay nila ng maayos. I quickly turned of the engine so I can help them with Athena's stuff. Lumapit na ako sa likorang bahagi ng sasakyan ni Athena.

"A-ako na d-d'yan kuya" nanginginig niyang sabi. I think she catch some cold.

"No, ako na rito. 'Wag ng matigas ang ulo" saad ko at kinuha ang kanyang maleta. Nauna na akong maglakad sa kanila. I can feel Priya's just right on my back. Lumingon ako sa kanila.

May pagtatakang lumingon si Priya sa kapatid n'ya. Athena's walking like a drunk. Agad kaming tumakbo patungo sa kanyang direksyon pero nahuli kami. Mabilis na natumba si Athena sa damohan.

"Ikaw na ang magdala ng maleta n'ya, I'll carry her" ma-awtoridad ko'ng sabi kay Priya. Agad niya naman akong sinunod.

I check her temperature using the back of my hand. Inuna ko ang kanyang ulo at sinunod ang leeg, ang init n'ya masyado. Binuhat ko na siya para dalhin sa loob. Saktong pagkarating ko sa loob ay tumatawag na ng doctor ang ama nila.

"T-tyk, please t-tell me she's okay" nanginginig na saad ng nanay nila.

"She's just having a high fever tita. It will just take one week to cure it" lumapit si tita sa anak n'ya.

"Ano bang pinaggagawa mo anak?" naiiyak niyang tugon. I wondered if my mom will do the same when I'm having a fever.

Tahimik lang kaming naghihintay kay Dad. Siya kasi ang tinawagan nina tito. Ngayon ko nga lang alam na si Dad pala ang doctor ng buong pamilya nila.

Is it just me? Bakit ganyan sila kung maka react? It's just a fever, unless Athena has a health problem.

"Where is she?" my Dad just arrived. Sinabayan namin siya patungo sa kwarto ni Athena. Inilipat kasi siya roon ng dad nila.

The moment we entered her room ay agad lumapit si Dad kay Athena. He checked Athena's condition.

"Sumasali parin ba sa sports si Athena?" tanong niya habang nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"We can't stop her, 'yon lang ang nakakapagsaya sa kanya" saad ni Tita. Hinihimas naman ni tito ang balikat ng kanyang asawa.

"I already told you before. Mahina ang puso ni Athena, hindi siya pwedeng mapagod masyado" inalis na ni Dad ang kanyang stethoscope.

"Alam niya naman 'yan. She even followed what you said" pakikisali ni tito.

"Kung sinusunod n'ya, bakit nagkaganito?" Dad has right. Agad kaming nagsitinginan. "Pumapasok na ba 'to sa isang relasyon?" dagdag pang tanong ni Dad.

"W-wala, alam niyang bawal sa kanya 'yon" pagsisinungaling ni Priya. She will do everything just to protect her sister.

"That's a good thing to hear. All of us know that too much emotions can cause her to death" agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad. Kaya ba cold treatment ang binibigay ni Athena sa mga nakakasalamuha n'ya? "Mabuti na lang at lagnat lang ang inabot n'ya  kesa sa kaposin siya ng hininga"

"Hindi kaya, wala namang kinalaman ang lagnat n'ya sa condition na habang buhay niyang dadalhin?" hindi na ako nakapag pigil at nagsalita na ako. All their eyes was on me but except for Athena.

"He has right" Priya agreed on what I said.

"I'm glad that you guys have learned so much when it comes to health problems" nakangiting saad ni Dad. So does it means na tama kami?

"So we're right?" I curiously asked. He then looked at me and Priya.

"Your right soon to be doctors" masayang saad n'ya sa amin na ikinangiti rin namin ni Priya.

"Thank you for that compliment Doc, pero pwede ba naming malaman ang kalagayan ni Athena ngayon?" saad ni Priya.

"Like I've said, she's just having a high fever. Let her rest more, she needs that. Don't forget her medicine.... I'm done here, is there any questions?" we shook our head as a sign that we have nothing else to say. "I gotta go, take care of her"

Sinamahan ko si Dad palabas. He's my only inspiration to enter this kind of profession.

"Ingat ka Dad" nakangiting saad ko sa kanya.

"I'll see you tomorrow son. Ciao" and there, he bid his goodbye to me.

Welcome to my Game (Pride Series #2)Where stories live. Discover now