TYKEN'S POV
Kagaya ng napagkasundoan nina Dad, kasama sila sa medical mission. Papunta na nga kami ngayon sa bahay ni ate para doon muna kami matulog tutal bukas naman talaga ang meet up ng mga ibang volunteers at staff nila.
I was just silently sitting down here at the back. Medical equipments, pagkain ng mga staffs at volunteers, at mga gamit namin ang dala namin rito. Nagpatuloy naman si mom sa pagbabago.
Should I be threaten or relieve about it? I don't know what to react on her sudden moves. Gusto ko'ng kumbinsihin ang sarili ko na tuloyan na talaga siyang nagbago pero hindi eh. May kung ano ang gumagambala sa akin.
I sighed heavily that caught their attention.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni mom. Should I speak for my answer or just gesture?
"I'm fine... m-mom" can't believe that I utter those words. She handed me some chips and drinks.
"Kain ka muna, mahaba haba pa naman ang byahe natin" nakangiti lang siya habang inilalahad sa akin 'yon. Kinuha ko naman ang orange juice. "What about the chips?" she curiously asked.
"Chips is bad for our health mom. I'll prefer to eat some biscuits" agad naman siyang naghanap roon sa lalagyan ng personal naming pagkain.
"Here you go. A biscuit for my future doctor" magiliw niyang saad habang inaabot ang mga pisngi ko para kuritin ito.
She successfully pinched my cheeks. "Mom, I'm not a kid" pagmamaktol ko pa sa kanya but she just looked at me with her eyes twinkling.
Kinain ko na 'yong binigay ni mom sa akin kahit na hindi naman talaga ako ganoong gutom. I wonder what ate's reaction if I told her of the sudden change of our mom.
Erase erase erase erase. Erase it all Tyken, you're here to relax and have some fun.
-
The whole ride was smooth but quite long. Saktong pagkababa ko ng sasakyan ay nag stretching ako. Nangangawit na 'yong likod ko sa mahabang byahe kanina.
"Hey Dad, Tyk and... mom?" surprised huh? She looked at me like she's blaming me that I didn't tell her about this. "How's the trip guys?"
"Good yet tired" answered by my Dad.
"I see. Pasok na tayo para makapag pahinga na kayo. Mukhang na pagod talaga kayo sa mahabang byahe eh" pinauna niyang maglakad sina mom at dad, sumabay siya sa akin ng paglakad. She then grabbed my arm.
"What?" pabulong ko'ng tanong ko sa kanya.
"Mag usap tayo mamaya tungkol rito" I just nod at her. I'm just too tired to talk more.
Ang laki rin ng bahay ni ate. Matagal tagal rin siyang nawala sa amin pero nakapag patayo siya ng bahay on her own. I'm sure malalaki rin ang bahay ng iba ko pang mga kapatid. They have a stable jobs now and a family of their own. Ako na lang talaga ang na pag-iiwanan sa amin, palibhasa bunso.
BLAKE'S POV
Kahapon pa kami nag pack ng mga ipamimigay namin kaso hanggang ngayon hindi parin kami matapos tapos.
"Malapit na ba 'yan kuya?" pagod na pagod na talaga ako.
"I think last 5 bags na lang" pvta! Kanina pa 'yang last 5 n'ya ah.
"Kuya naman. Siguradohin mo nga. Kanina ka pa ng last 5, last 5, eh hanggang ngayon hindi parin tayo tapos" pagmamaktol ko pa. Marami naman kaming nagtutulongan pero ewan ko ba parang ang bagal ng daloy.
"Tignan mo oh" pinakita n'ya sa akin ang mga reusable bags. "Lima na lang talaga" masaya pa niyang tugon. I rolled my eyes.
"Bilisan na natin. Maaga pa tayong aalis bukas" pagpapaalala ko sa kanya at sa ilang iglap lang ay natapos narin kami.
"Pwede ka ng matulog" sabi n'ya sa akin habang tumutulong siyang mag arrange ng mga gamit.
Finally! I can rest. I took a glimpse on my wrist watch. Shit! It's 10pm. 3:30am 'yong byahe namin eh kasi malayo pa 'yon. Pvta! 5 hours lang ang tulog ko nito. Ahhh bahala na si batman pvtek.
TYKEN'S POV
I was just staring at the captivating view on the city. Makikita kasi mula rito ang buong lugar. Ang ganda lang tignan tsaka samahan mo pa ng napaka relaxing na breeze.
"Relaxing isn't it?" nilingon ko ang bagong dating na si ate. Tumabi siya sa akin para narin makita ang buong kagandahan ng lugar nila.
"A full relaxation indeed" I said as I feel the cold breeze touches my skin.
"So, what brought mom here?" I didn't looked at her.
"Kagustohan niyang sumama sa amin ni Dad" I'm telling the truth.
"Okay na kayo?" bigla akong napalingon sa kanya. Should I tell her?
"I don't know" kibit balikat ko'ng tugon sa kanya. She let out a sarcastic laugh.
"You don't know?" tumawa pa siya but I just let her.
"Yup. I don't know kung talagang okay ba kami o hindi. She acted weird this past few days" tumingin siya sa akin ng may pagtataka.
"How come she acted weird?" she curiously asked.
"Alam mo naman ang nangyari sa amin ni mom. Then one day she changed her routine. She become a truly mother to me and a wife to Dad. Alam mo 'yong biglaan n'ya lang nagawa" pagk-kwento ko sa kanya.
"Siguro natuto na" pinipigilan n'ya lang ang pagtawa n'ya.
"Sana nga. Para kasing isang patibong lang ito para sa akin para makuha n'ya ang tiwala ko" a sudden idea comes out through her mind. How did I know? Her face just lighten up the mood.
"Alam ko na. Sakyan mo lang lahat ng gimik ni mom and if ever tama ang hinala mo'ng patibong nga 'to sa'yo naku yari talaga 'yan sa'yo. But if ever na nagpatuloy na talaga ang pagbabago n'ya, well I think it's time for our family to have a new beginning" I smiled on what she said.
"Thanks ate. I'll surely do that" masayang tugon ko sa kanya at inakbayan ako.
"Up until now, you just want our family to be so close. Kung sakaling maging buo tayo ulit, I will be so proud of you" ginulo n'ya pa ang buhok ko.
"'Yon lang naman talaga ang hiling ko ate. Ang maging masaya at buo tayong pamilya" isinandal ko ang ulo ko sa kanya.
"Totoo ngang ang bunso lamang ang makakapagbuo ulit ng samahan" she then kissed the top of my head.
Bata pa lang ako, gustong gusto ko na talaga 'yong buo kami at masaya but it turns out the opposite way. Kahit anong gawin ko'ng hiling na maging gano'n kami hinding hindi talaga magagawa eh. And if ever this is the first step to accomplish what I've been praying for years, I will gladly do it so.
YOU ARE READING
Welcome to my Game (Pride Series #2)
RandomBlake Veniel known as the campus gamer of love. Everyone was so obsessed with him. Mapababae o lalaki man 'yan ay nahuhumaling sa kanya. Tyken Foceo taking a course of pre-med. Even himself isn't so sure of his gender. He called himself a bisexual...