Chapter 15

0 0 0
                                    

BLAKE'S POV

Sakto lang ang pagdating namin sa location no'ng meet up namin, together with the medical staffs and other volunteers. Lumingon lingon ako sa mga taong naririto, baka kasi may kakilala na ako. I saw Tyken from a distant.

I just found myself walking towards his direction. Gusto ko lang naman may makausap para hindi masyadong awkward rito. I saw an old man and woman, guess they're a couple. Nanatiling nakatalikod sa akin si Tyken.

"Good morning po" may galang na pagbati ko sa dalawang nakakatanda sa akin. Agad namang lumingon sa akin si Tyken, halatang medyo gulat pa siya.

"Good morning din heijo. Are you one of the medical teams or the volunteers?" agad na tanong sa akin no'ng lalaki na mukhang ama ni Tyken. Halos magkapareho na kasi sila ng physical features.

"One of the volunteers po sir" nakangiting tugon ko sa kanya. Ningitian n'ya ako habang si Tyken ay hindi kumikibo.

"Oh that's nice to hear. I'm Marlyn Foceo and this is my husband Dr. Glenn Foceo" masayang tugon ng babae sa akin. Is this Tyken's parents? She gestured Tyken na lumapit sa kanya. "And this is our son, the youngest one, Tyken Foceo"

"Mom, magkakilala kami" nahihiyang tugon n'ya.

"Oh edi ang ganda no'n" mahinang napatawa ang dalawa. "By the way, what's your name heijo?"

"Blake Veniel po" nakangiting sagot ko sa kanila. I have to be formal infront of them.

"Pa'no kayo nagkakilala ng anak ko?" sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Tyken.

"We're schoolmates Dad and through the help of Priya" hindi siya nakatingin sa akin habang nagsasalita. Hindi naman n'ya tinitignan ang mga magulang n'ya.

"That's great. Kahit papaano hindi rin 'to mababagot sa mission na 'to" ginulo ng kanyang ama ang kanyang buhok. Agad namang namula ang mga pisngi nito.

"Sa gym lang raw tayo kasi maliit lang ang center nila" rinig ko'ng pagkasabi no'ng kinontak naming doctor.

She's also a Foceo, I guess ate ito ni Tyken. Came from a family of doctors huh. Kaya pala ito ang pinili niyang profession.






TYKEN'S POV

Everyone was busy. Lahat ng nandito ay may ginagawa talaga. Ako naman ay kasali sa mga taga asikaso ng gamot at iba pang medical supplies na kakailanganin. Si Blake, ewan ko do'n kung saan na 'yon napunta.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina sa pag-uusap nila. Mabuti na lang talaga at hindi siya malapit sa akin kundi maririnig n'ya 'yon.

"Anak?" pagpukaw ng atensyon ni mom sa akin. Hindi ko namalayan na pinuntahan n'ya ako rito.

"Po?" bumalik na ako sa mga pinaggagawa ko.

"Have some snacks, matagal tagal pa tayong magl-lunch" she handed me the sandwich and some drinks.

"Sa inyo na 'yan mom, hindi pa naman ako nagugutom" honestly sinusulit ko ang mga araw na malayong malayo siya sa nakaugalian niyang ugali.

"I have mine kaya kainin mo 'to" she authoritatively said. I was about to refuse again but she keep on insisting. "Nabigyan ko narin 'yong friend mo" agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

"Po?!" gulat na pagkasabi ko sa kanya.

"Lahat na ng mga staffs at volunteers ay nabigyan na namin kaya kailangan mo ng kumain para naman may laman ang tyan mo" mahabang lintaya n'ya kaya tumango na ako para narin hindi mangulit.

Umalis naman na si mom. Umupo muna ako sa upoan ko at hinanap si Blake. What?! You're insane Tyken!

Biglang may humarang sa harapan ko.

"Did you eat your snacks already?" that voice was familiar. Dahan dahan ko'ng inangat ang paningin ko sa nagsasalita.

I gulped. It was Blake. He's making my heart skip a beat.

"I haven't" tipid na sagot ko sa kanya. Umalis naman ito sa harapan ko pero lintik na mga mata 'to sinusundan siya kung saan pumupunta.

Kumuha siya ng isang upoan at dinala ito patungo sa tabi ko. I confusedly looked at him.

"Bawal ba?" nag aalinlangan niyang tanong. What should I answer?

"H-hindi naman" shittt! Ba't ba nauutal ka Tyken?!

"Pasensya kana ah, wala lang talaga kasi akong gaanong kakilala rito" sabay kaming kumain ng snacks namin habang ang paningin ko ay nakatuon lang sa harapan. Ayokong lumingon sa kanya.

"Madali namang maging kaibigan ang mga kasama natin" sagot ko sa kanya na parang wala lang. Hindi tayo dapat nagpapahalata.

"Oo nga eh pero alam mo 'yong parang hindi ka naman kumportable" ng dahil sa sinabi n'ya ay agad akong napalingon sa direksyon n'ya.

"Bakit mo naman 'yan nasabi?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ewan ko ba sa sarili ko. Siguro dahil narin sa ngayon ko lang sila nakilala, mga gano'ng bagay" tumango ako sa sinabi n'ya.

"Bakit pagdating sa akin, parang wala lang sa'yo?" ngumiti ito ng malapad sa akin.

"Bakit nga ba?" kunwari siyang nag-iisip. Bahagya akong napatawa sa inakto n'ya. "Oh ba't natatawa ka riyan?" natatawang saad n'ya.

"Wala lang, natatawa lang ako sa ginagawa mo" nagpipigil pa ako ng tawa ko habang binibigkas ang mga salitang 'yon.

"I love to see you smiling like that" I can feel my cheeks were burning. My heart's beating so fast. Bakit mo ako palaging binibigyan ng ganitong pakiramdam?

"B-bakit?" nauutal na namang pagkasabi ko.

"Minsan lang kasi kitang makita na nguminingiti. Naka poker face ka lang kasi 'pag nasa campus tayo" napansin n'ya 'yon?

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" pag-iiba ko ng usapan.

"Sa'n doon?" nakakunot ang kanyang noo.

"Bakit hindi ka naiilang 'pag ako ang kasama mo?" I looked away as I said those. I don't want to hear his answers it might cause a heartache to me.

"It's just that I'm comfortable with you" muli akong napalingon sa sinabi n'ya.

"How come? Ilang araw lang tayo nagkakilala" I badly want to know the truth.

"Time span doesn't matter at all. Hindi kasi ako 'yong tipong bumabase sa haba ng pinagsamahan. It was all based on my comfortability on that certain person, and I'm glad that I feel comfortable with you" napangiti ako ng malawak sa sinabi n'ya.

Would this be the start that I would fall for him again? Ibang iba siya sa kung ano ang pagkakilala ko sa kanya. Blake Veniel has a soft heart. Gusto ko tuloy na makasama s'ya buong magdamag.

Welcome to my Game (Pride Series #2)Where stories live. Discover now