Chapter 11

3 1 0
                                    

TYKEN'S POV

I called my sister. Palihim akong umiiyak rito sa sulok. Hindi ko pa rin matanggap na nagawa ko 'yon but she has to be aware. Sinagot na ni ate ang tawag ko.

"Zup li'l bro, how's it going there?" I can sense that she's so free and happy now.

"Masama ba akong anak ate?" pinipigilan ko na ang mga luha ko.

"Bakit? Anong nangyari?" nag-alalang tanong n'ya.

"Masama bang sumagot?" tanong ko ulit sa kanya.

"Kanino? Kay Dad?" nakalimutan na ba n'ya kung anong problema dito sa bahay?

"It's mom. I-im so sorry for doing t-that ate" nanginginig ko'ng sabi.

"Why? Ano ba ginawa mo?" mabilis na umagos ang mga luha ko.

"Nagkasagutan kasi kami ate. I-i just want her to be aware t-that s-she almost lost e-everything" hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Shhh stop crying. I'm not there to wipe those tears... Ito lang ang tatandaan mo. Hindi ka masamang anak, okay? You just want to fix everything pero tama na Tyk, hinding hindi na talaga 'yan magbabago si mom" mahabang lintaya n'ya. 'Yan rin ang nasa utak ko eh.

"Uuwi pa ba kayo rito ate?" natahimik siya bigla sa kabilang linya. Alam ko naman na ang sagot doon pero gusto ko lang malaman kung nagbago ba ang sagot n'ya.

"I'm so sorry Tyk but that's too impossible" napayuko ako sa sinabi n'ya. Kailan pa ba ako makakalis sa poder nila? "I'm conducting a medical mission next month, want to come?" somehow she makes me smile.

"Yes ate. Kailangan ko rin munang makalayo sa bahay na 'to" I said as I look at our house again. "Kasama ba si Dad?"

"You know how busy he is" I forgot about that. "Oh s'ya, I have to hang up na marami pa akong gagawin. I'll expect your presence next month" ngumiti ako sa sinabi n'ya.

"I'll be there" and she hanged up the phone.

There's still 2 weeks remaining to stay in this house. Ayaw ko namang maagang pumunta roon baka magtaka si ate at tsaka kailangan ko pang magmanman kay Mommy. Mag-iiwasan ba kami sa loob ng dalawang linggo?





BLAKES'S POV

One more year Blake, tapos ka na rin mag-aral. It only takes a year and 6 months to get a license. Sana nga lang makakuha ako ng license.

Someone knocked on my door.

"Come in" I said while my gaze is on the PC. I can feel that he layed down on my bed. "Anong atin kuya?" I turn around to face him.

"My friend just called me" he started, pabitin talaga eh.

"And?" I arched my brow.

"'Di ba, you're planning to be a volunteer on a medical mission?" about ba do'n ang sasabihin n'ya? It's good thing though kasi wala pa akong nahahanap na may nangangailangan ng volunteer.

"Hindi ka ba sasama?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Syempre..." pinaningkitan ko siya ng tingin. "Sasama, ano ka ba? Kailan ba ako hindi nagv-volunteer?" natatawa pa niyang saad.

"Ayosin mo lang" pagbabanta ko pa sa kanya.

"Oo nga" pagmamaktol pa n'ya.

"Mabuti ng malinaw" natatawa ko'ng saad.

"Next month raw ang start nila kaya kailangan nating maghanda" paalala n'ya pa sa akin. Akala mo naman hindi ko alam 'yon.

"I'm always ready" pagyayabang ko sa kanya.

"Lokohin mo na lahat Blake, 'wag lang ako" he knows me very well.

"Copy" pabiro ko'ng saad sa kanya.

"Sino ba bago mo?" taka ko siyang tinignan.

"Wala naman" tinignan niya ako na parang hindi siya naniniwala. Loko 'to.

"Hindi ako naniniwala sa'yo" umiiling niyang pagkasabi.

"Sige nga kung meron, hindi ko ba ipakilala sa'yo?" nag-iisip naman siya sa sinabi ko.

"Hoy baka nakakalimutan mo'ng hindi mo pinapakilala sa akin 'yong mga pinaglalaroan mo" napaatras naman ako ng kunti sa sinabi n'ya. "May pinaglalaroan ka na namang mukong ka?" agad niya akong hinila pa higa roon sa kama at kiniliti.

"Pvtaena kuyaaaa w-wala nga" tawang tawa ko'ng pagkasabi no'n. Ikaw ba naman kilitian ng isang 'to.

"Hindi kita titigalan hanggat sa hindi ka umamin sa akin" pinagpatuloy n'ya pa ang pagkiliti sa akin.

Sinisipa ko na siya para lang makaalis pero hindi parin eh. Ilang ilag na ang ginawa ko para hindi na n'ya ako makiliti pero mabilis ang mga kamay n'ya. Pvtaena, pulang pula na talaga ako sa pinaggagawa n'ya.

Mabuti na lang at tumigil na siya. Hinahawakan ko pa ang tyan ko sa sakit ng pagtawa. Hinahabol ko na rin ang hininga ko, hindi rin biro 'yon ah. Ang tagal n'ya kayang natapos kilitiin ako.

"Siguro naman makakahanap ka na sa medical mission ng bago mo" makahulogan niyang saad.

"Ayoko ng doctor or nurse kuya" tinawanan niya lang ako.

"Baka kakainin mo lang 'yang sinasabi mo" eh sa ayaw ko nga. Ang kulit ba naman nito.

"Kung ayoko, ayoko talaga" taas noo ko'ng sabi.

"Kung ayaw mo do'n sa medical staff, edi sa mga tutulungan na lang natin" hinahanapan n'ya ako eh s'ya 'tong dapat na may ka-partner eh.

"Mas kailangan mo ng partner kuya" pang-aasar ko sa kanya.

"Ayaw ko nga" agad naman niyang tanggi kaya natawa ako ng masyado.

"Oh edi pareho lang pala tayo"

"Pasalamat ka at tinigilan kita sa pagkiliti" natatanaw ko s'ya mula sa pintuan. "Have a good night bro" pang-aasar n'ya pa at umalis na.

Minsan hindi ko siya maintindihan. 28 na siya kaya siya ay mas kailangan na may partner na. May trabaho naman na siya na kayang buhayin ang pamilya.

Gusto na nga nina mommy magka apo pero hindi parin nag-aasawa si kuya. Sabi nga ng iba baka maunahan ko pa raw siya, eh wala naman akong planong mag seryoso sa isang relasyon. I still have to enjoy my single life, once in a lifetime lang 'to ano.

I think 'yan rin ang rason ni kuya kaya ayaw n'ya munang mag-asawa. Hindi naman sa takot o hindi pa namin kaya. Kaso ang bata ko pa kasi para sa ganyan, si kuya naman ay ini-enjoy pa n'ya ang single life n'ya.

Marriage and family can wait but our parents can't.

Welcome to my Game (Pride Series #2)Where stories live. Discover now