Chapter 7

3 1 0
                                    

TYKEN'S POV

Last day of the finals ngayon. Pahirap ng pahirap ang exam namin. Luckily isang subject na lang ngayon pero 'yong sa course namin na exam. Nakapag-aral naman ako eh but still I'm not confident na masasagotan ko 'yon ng maayos.

"Narinig ko sa kabilang class na may 100 items daw na magkaiba and it was based on your prefer way on your course" nagtataka akong tinignan ang kaklase ko'ng nagsalita.

"What do you mean?" asked by my blockmate.

"Kagaya no'ng sa atin. We're taking here the field of being a doctors. If you're a pediatrician, 'yong nakaibang 100 items ay tungkol lang do'n. If you're a surgeon, do'n lang rin naka base 'yong iba. Just like that" mahabang mungkahi niya.

"Ahh.. You mean, different classes on our courses" 'yan ang pagkakaintindi ko eh.

"Precisely Tyken" pag agree no'ng nagsabi.

"'Yon lang pala eh nalilito pa ako" pagmamaktol ni Priya.

"Hala pa'no 'yon? Hindi naman tayo binigyan ng pointers do'n" she has a point. Wala kaming kaalam alam na ganito pala ang magaganap ngayon.

"We still have 1 hour left to study those, but make sure 'yong sa class mo talaga ang pag-aaralan mo" sabi no'ng nagbalita sa amin.

Priya will be a surgeon, so she will probably study those they tackle about surgery. We're still in college but it feels like we're already on the med school. Pahirapan na nga ngayon, pa'no pa kaya 'pag nakakatuntong na kami ng med school.

50% of the class is here inside our room while the rest are on the library. Mas nakakapag-aral kasi ako rito kesa do'n sa library. Kanya kanya kami ng spot rito para mag-aral. We maintain the silence here para hindi kami makapag disturbo ng iba pang nag-aaral.

I reviewed all that's written in book. Sigurado akong lahat ng special items ay nandito galing ang mga tanong. Sa dami ba naman ng pahina ng librong 'to paniguradong merong lalabas na mga tanong na galing rito.





PRIYA'S POV

Busy si Tyken mag-aral ayaw ko namang maging sagabal sa kanya kahit gustong gusto ko ng magpasama sa kanya sa cafeteria. Nagugutom na talaga ako. I should go there by myself.

As I went out in that room, I can see the field was so clear. Walang mga taong naglalakad ngayon sa field maging sa mga hallway. Preparing for the final day of the exam I guess. 'Di biro 'pag nasa college kana uy.

Gustohin mo mang gumimik pero may gagawin ka pa sa mga acads mo. Ang tahimik ng buong hallway tanging ang mga yapak ko lang ang naririnig ko. Sana ganito palagi ano?

The cafeteria seems so quite. Wala bang tao rito? Paniguradong hindi mataas ang pila ngayon. Pumasok na ako sa loob, only to see my colleagues busy on studying. Ang dami ng tao ah pero ang tahimik. Pumunta na agad ako sa counter para bumili.

"2 pasta, 1 red velvet flavored milk tea, and chocolate drink po" sabi ko sa nagtitinda.

I was just silently waiting on my order. Inikot ko ang paningin ko sa kabuoan ng cafeteria. Is that Blake? Marunong pa lang mag-aral 'tong kumag na 'to. Akala ko puro kalokohan lang ang nalalaman nito.

"'Wag masyadong titigan baka matunaw" tinignan ko kung sino ang nagsalita. Mapang-asar itong ngumiti sa akin.

"Tse. Marunong pa lang mag-aral 'yang tropa mo" sarkastiko ko'ng pagkasabi.

"Lahat naman marunong mag-aral Ms. Perez, nasa tao 'yan kung gusto ba n'ya mag-aral" andaming nalalaman ah.

"Blah blah blah, whatever" I rolled my eyes. I heard him chuckled. Weird.

"Kaya siguro wala kang jowa" napataas bigla ang kilay ko sa sinabi n'ya. "Napaka strikta mo kasi. Siguro aatras na ang gustong makipaghalubilo sa'yo" natatawa niyang sabi na kina init ng ulo ko.

"You!-" mahina siyang napatawa.

"Yes me" ngumiti pa 'to sa akin. "Gotta go Ms. Perez. Enjoy your day" he said while slowly walking away.

"Bwesit ka!" I shouted. And from that I got each and everyone's attention.

"Shhh" they all said in chorus, I just give them a peace sign. This is all your fault Mr. Lascuña.

"Here's your order miss" tinanggap ko 'yon at binigay ang special card ko.

Mabilis niya namang naasikaso 'yon kaya pagkatapos ay agad akong umalis doon. Pvta nakakahiya ba naman.





BLAKE'S POV

Nakita ko kung pa'no sumigaw si Priya. Alam ko'ng ginagambala na naman siya ni Roid. Ang hilig no'n mambwesit eh kahit sa akin.

Bumalik na ako sa room namin cause anytime the exam will start. I saw Monroid smiling like a crazy. Lumapit ako sa kanya.

"Baliw ka ata" pang-aasar ko sa kanya.

"I'm just having a great day" malapad itong ngumiti sa akin.

"Kagaya ng pamb-bwesit mo kay Priya?" namangha naman siya sa sinabi ko. Like I don't have a clue kung ano ang pinaggagawa niyang kalokohan.

"How did you know about that? I guess mabilis kumalat 'yong scene na 'yon" proud pa niyang pagkasabi. Ramdam ko'ng may gusto 'to kay Priya eh, and I think that's his only way to catch Priya's attention.

"Gago" binatokan ko siya kaya napahawak siya doon. "Nando'n ako sa cafeteria uy" napangiti naman siya.

"So you see how pissed she was?" tawa pa siya ng tawa, pinagtitinginan na nga kami ng mga blockmates namin rito. They might think he was crazy.

"Gusto mo siya 'no?" napatigil naman siya sa pagtawa. Got you Roid.

"Umupo ka na nga roon sa pwesto mo" uy? Bakit niya iniiwasan? I laughed on what he act.

"From now on I will call you Ms.-" he covered my mouth. Afraid of someone will knew about that huh?!

"Manahimik ka nga" napipikon niyang saad. Hindi parin niya ako binitawan kaya kinagat ko ang kamay niya. "Aray naman Blake" pagmamaktol pa n'ya.

"Ang alat ah. Ano ba hinawakan mo?" a teasing smile curved on his lips. Pinunasan ko pa ang labi ko.

"Pwet" pang-aasar niya pa kaya tumawa siya ng tumawa. Agad ko naman 'tong hinawakan sa leeg.

"Kadiri ka" tawa parin siya ng tawa kahit sinasakal ko na.

"Mr. Lascuña and Mr. Veniel, stop playing you're not a kid anymore" agad naman kaming napaupo sa mga pwesto namin.

I didn't see that coming. Bakit ba siya ang proctor namin ngayon? Palibhasa matandang dalaga kaya mainitin ang ulo.

Welcome to my Game (Pride Series #2)Where stories live. Discover now