YSABELLE TANYA
"Hoy, Bes. Dito na tayo, gising na.'' Panggigising ni Alliyah sa akin habang inaalog ang aking balikat.
Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mga mata at napagtantong hindi pala ako nakasandal sa balikat ni Alliyah. Kundi sa balikat ni Neil na wala namang pakialam. Agad akong dumistansya nang tumigil na ang Bus. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa aking itinuran.
Bakit ba kasi hindi mo ako makilala?
Nakaparada na ngayon ang School Bus namin sa isang gilid. Pababa na ang ilang mga students habang kami ni Alliyah ay nag-paiwan. Ayoko kayang makipagsiksikan pababa. Nang maging maluwag na ang daan ay saka kami bumaba. Nauuna sa harapan namin sina Ezrha at Neil. Makita pa lang kita na may kasamang iba durog na durog na ako.
"Ang ganda pala rito. Maaliwalas at natural ang hangin." Napairap ako nang marinig ko ang boses ni Ezhra. Nang makababa kami mula sa Bus, hindi ko nga mapagkakailang napaka-ganda rito. Isang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa akin. Tinawag kami ng Professor namin kaya agad kaming pumunta sa hall kung nasaan siya nagsasalita.
"Hello Students! Pagod na ba kayo?" Panimula pa nito dahil na nga rin sa haba ng byahe namin.
Oo, Sir. Pagod na po akong masaktan.
"Okay, sa ngayon wala muna tayong activities. Ang gagawin n'yo lang, maghahanap kayo ng magiging ka-grupo. Sa isang grupo mayroon kayong limang members. Okay ba?" Pagbibigay instruction ni Sir na agad naman naming tinanguan.
"11:30 na at alam kong gutom na kayo. Mayroong kusina ro'n at may nakahanda ng pagkain para sa inyo. Kumain kayo hangang gusto n'yo. Tutal, bayad n'yo naman ito." Dagdag pa ni Sir dahilan upang maraming students ang animo'y nagising ulit ang diwa.
"Isa pa, malawak ang ressort na 'to. P'wede kayong maglibot-libot sa loob lamang ng ressort na 'to, maliwanag ba?" Paalala pa ulit ni Sir at tanging tango lamang ang isinagot ng mga estudyante sa kanya. Marami pang sinabi at nabanggit si Sir na mga paalala ngunit hindi ito mag sink-in agad sa utak ko. Dahil na rin siguro gutom na ako.
Pagkatapos ng announcement na 'yon ni Sir, pumunta kami sa sinasabi n'yang kusina. Napakalaki ng kusinang 'to at ang daming pagkain. Ang sabi ay ngayon nga lang may pagkain na nakahain na agad dahil sa hindi na kami makapag luto at kulang na sa oras. Alas dose na kaya ng tanghali.
Masaya ang ganitong klase ng pagkain. 'Yong tipong sabay-sabay kayong kumakain ng tanghalian. Marami kaming nandito sa kusina tulong-tulong na inuubos ang lumpia at tinola. Simpleng ulam na napakasarap pagsaluhan. Magkatabi pa rin kami ni Alliyah. Kahit kailan ang epal talaga nito,e. Masaya na sana ako kaso, may nakaagaw ng pansin ko.
Nakita ko si Neil at Ezhra na magkatitigan habang nagsasandok ng kanin. Ang landi nila, mga mukhang sandok! Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko. Kusa akong naglakad papalapit sa kanila. Pumagitna ako sa kanila bago naunang kinuha ang sandok para sa ulam.
Naramdaman ko naman ang bahagyang pagkapahiya nila. Paano ba namang hindi kayo mahihiya, ang landi n'yo. Hayaan mo, Neil makukuha ulit kita.
Pagkatapos kong magsandok saka ko iniabot kay Ezhra ang sandok. Matuto siyang magsandok ng kanin at ulam niya. Narinig ko naman ang impit na bungisngis ni Alliyah nang makabalik ako sa pwesto namin.
''Tinatawa-tawa mo d'yan?" Pagtataray ko kay Alliyah. Kanina pa kasi siya ngumingiti na animo'y natatawa sa akin. Kung alam mo lang na bumalik ako sa nakaraan at akin si Neil na nilalandi ni Ezhra.
"Kasi naman, bakit ang tapang mo? Pumagitna ka pa talaga sa kanila, ah. H'wag kang mag-alala, hindi pa naman sinasagot 'yan ni Ezhra."
Inirapan ko na lang si Alliyah habang tuloy pa rin siya sa pagtawa. Bakit ko pa ba kailangang agawin? Kung akin naman talaga siya.
BINABASA MO ANG
Her Unforgettable Past | ✓
FantasyDo you believe in time travel? Is it possible to go back in time? What if one day you just woke up, and everything went back in the past? Will the memories left by time be repeated? Meet, Ysabelle Tanya Torres. The arrogant and troubled woman who re...