THIRD PERSON POINT OF VIEW
"Anak, Gising..." Napabalikwas paupo sa higaan ang batang babae. Nang marinig niya ang pamilyar na boses ng kaniyang Ama. Bahagya pa niyang kinusot-kusot ang mata habang humihikab dahil sa antok.
"P-papa? Bakit po?" Naguguluhang tanong ng bata sa kaniya. Bakas sa mga mata nito ang pagtatanong at pagkalito.
Walang ideya ang batang babae kung bakit siya ginising ng kaniyang Ama. Madaling araw pa lang naman kaya, halos pumipikit-pikit pa ang kaniyang mapupungay na mga mata.
"Bumangon ka muna saglit," ani ng kaniyang Ama. Napakunot ang noo ng batang babae habang nagtatakang nakatitig dito.
"Ingatan mo ito," sambit ng Ama matapos ibigay ang isang maliit orasan sa anak. Naguguluhan man ay kusang inabot ng bata ang maliit na orasan. Alas tres pa lang ng madaling araw sa orasan.
"Ano pong gagawin ko rito?" Naguguluhang tanong ng batang babae sa Ama. Napahilamos naman sa mukha ang Ama bago nagpaka-wala ng isang mabigat na buntong hininga.
"Alam ko, napakabata mo pa Anak. Hindi ko mo dapat ito maranasan pero, ito ang naka-sulat sa libro ng tadhana." Napahawak sa sentido ang Ama habang pinipigilan ang pagtulo ng mga namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
"Ano pong gagawin ko, Papa?" Inosenteng tanong ng maamong bata. Hindi naman naka-imik ang Ama dahil sa unti-unting pagpiyok ng boses nito.
"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon, Anak. Suotin mo ang relo na ito at ilalagay ko ang maliit na orasan sa loob, ingatan mo, ah?" Pigil ang paggaralgal ng boses na bilin ng Ama. Hindi man lubos maintindihan ng bata ang bilin ng Ama, pilit niya pa ring pinapaintindi sa sarili.
"I-ilang taon ka na nga, Anak?" Tiningnan naman siya ng batang babae na animo'y nagtataka sa itinanong ng kaniyang Ama. Bakas ang pagkalito sa mukha ng batang babae bago sumagot, ''Ngayon po ang ika-siyam kong kaarawan.''
Matapos niyang sabihin 'yon ay mariing napapikit ang Ama. Pilit niyang pinipigilan ang mga luha na nais kumawala.
Maya-maya pa'y walang ano-ano'y niyakap niya ang anak. Mahigpit ang yakap na ito. Halos ayaw na niyang pakawalan ang bata sa paraan ng pagkakayakap nito. Pero, hindi maaari. Kailangan niyang umalis.
''Aalis na si Papa,'' ani nito matapos niyang hagkan ang anak. ''Happy birthday, anak.''
Wala namang ideya ang anak na siyang tinanguan naman nito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ang tanging alam niya lang, aalis ang kaniyang Ama sa mismong kaarawan niya.
''Mag-iingat kayo,'' sambit pang muli ng Ama. Kinawayan naman siya ng batang babae bago nagsalita, ''Ingat ka rin po, pasalubong ko, ah.''
Ngunit sa halip na tumugon ang Ama tulad ng kanilang nakasanayan ay tanging tango lang ang iginanti nito. Ilang minuto pa ang lumipas na naghintay ang bata sa sasabihin ng kaniyang Ama ngunit, lumisan na ito. Malungkot na naupo ang batang babae sa labas ng gate ng kanilang bahay habang pinagmamasdan ang unti-unting paglaho ng sasakyan kung saan nakasakay ang kaniyang Ama.
Hindi maipalawinag ang lungkot sa gumuhit sa mukha ng batang babae. Ngayon ang kaniyang kaarawan ngunit tila hindi siya masaya. Tila, kakaiba ang bigat na idinudulot nito sa kaniya.
Pasikat na ang araw at nandoon pa rin ang batang nakaupo sa labas ng kanilang gate. Animo'y may taong hinihintay na bumalik para sa kaniyang espesyal na araw.
''Sabrina!'' Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid. Boses ng Ina ng batang babae. Ysabelle ang kaniyang pangalan ngunit, nakasanayan siyang tawagin ng kaniyang Ina bilang Sabrina. Kahit na hindi niya ito gusto sa kaniyang pandinig.
BINABASA MO ANG
Her Unforgettable Past | ✓
FantasyDo you believe in time travel? Is it possible to go back in time? What if one day you just woke up, and everything went back in the past? Will the memories left by time be repeated? Meet, Ysabelle Tanya Torres. The arrogant and troubled woman who re...