YSABELLE TANYA
"Good Morning, Sab!" Masiglang bati ni Alliyah sa akin. She has a lot of energy every morning kahit na kulang ang tulog namin kagabi. Gumanti ako ng bati sa kanya at sinulyapan ng tingin ang tent nina Neil.
Gising na kaya siya?
"Anong tinitingnan mo d'yan?" Mapang-asar na tanong niya sa akin, nang mapansin niyang palinga-linga ako sa labas.
"W-wala," sagot ko na bahagya pang namula ang mga pisngi ko."Ganda yata ng gising mo ngayon,'' ani pa niya ng may mapanuksong tingin.
"A-ano nanaman?" maang kong tanong.
"Nakita ko kayo ni Neil kagabi na magkausap." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Totoo naman na magkausap kami ni Neil kagabi pero, wala namang ibig sabihin 'yon.
"Ano ngayon? Hindi ba bumili ka ng snacks?" Kunwari'y pag-iiba ko pa sa usapan.
"Gaga. H'wag ako. Alam ko may gusto ka kay Neil," sambit niya naman.
Umalis na ako sa pwestong 'yon saka pilit na inalis sa isip si Neil. Bakit ba kasi kailangan pang maging iba ang mangyayari? Sabagay, kesa naman sa makikita ko lang siya sa mga litrato.
Abala lahat ng mga estudyante ngayong umaga. Mamaya kasi mag-uumpisa na naman ang mga activities. Wala pa namang sinabi kung ano ang gagawin namin mamaya. Liban na lang sa mga leader ng bawat grupo.
Naghahanda ako ngayon ng isusuot ko para mamaya. P.E. uniform ang isusuot namin. May handkerchief pa na ibinigay na dapat naming isuot sa bandang leeg. Dami nilang arte, parang sumali ulit ako sa scouting.
Agad akong nagtungo sa C.R. na malapit lang din naman sa pwesto namin. Nang nakarating, agad akong naligo saka isinuot ang P.E. uniform namin.
Sampung minuto pa ang lumipas, natapos na kami ni Alliyah sa pag-aayos ng sarili. Habang tinatahak namin ang daan patungo sa gymnasium ay hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid. Inaasahang masisilayan ko ang pagmumukha niya.
Naupo na kami sa upuan habang hinihintay ang iba pang mga students. Nandito kami sa gymnasium at dito i-announce ang mga dapat gawin sa Activity.
"Ang gwapo niya talaga."
"Look at that guy, damn that face. He's so handsome!"Ilan sa mga bulong-bulungan na aking narinig. Hindi ko naman napigilan ang sariling mapaling.
Parang nag-slow motion naman ang lahat nang tumingin din siya sa gawi ko. Matutunaw na ba ako nito? Nagdire-diretso naman si Neil sa paglalakad at naupo sa harap ko. Magkakagrupo kasi kami, kaya nasa iisang gawi lang ang pwesto namin.
Nang makaupo na siya saka naman ako nag-iba ng tingin. Ayaw ko namang mahalata niya na kanina ko pa siya tinititigan. Ilang saglit pa ay umayos na ako ng upo at nakinig na sa sinasabi ni Sir.
"Good Morning, Students! Today our fourth activity will be continue. Handa na ba kayo?" Pag-aanunsyo ni Sir sa harapan.
Napahiyaw naman ang ibang mga estudyante sa sobrang excitement. Ano kayang gagawin namin mamaya?
"Nakikita n'yo ba 'tong hawak kong flag?" tanong ni Sir sabay iwinagayway ang maliit flag na kulay puti.
"Mayroon kaming mga flags na itinago sa mga sulok sa loob ng ressort na ito. Ang gagawin n'yo, kailangan n'yong mahanap at ipunin ito.'' Napatango naman ang karamihan sa amin sensyales na nauunawaan namin ang instruction.
BINABASA MO ANG
Her Unforgettable Past | ✓
FantasyDo you believe in time travel? Is it possible to go back in time? What if one day you just woke up, and everything went back in the past? Will the memories left by time be repeated? Meet, Ysabelle Tanya Torres. The arrogant and troubled woman who re...