XIX

17 5 0
                                    

YSABELLE TANYA

Isang linggo na ang lumipas mula no'ng aking kaarawan. Masasabi kong maayos naman ang pakikitungo sa akin nina Mama at Ate Samantha. Kami ni Neil? Hindi naman masyadong close at hindi rin malayo ang loob sa isa't isa. Pakiramdam ko nga nasa kasalukuyan na ako, pero hindi. Malayong-malayo ang mga nangyayari ngayon sa kasalukuyan. Bakit nga ba ito nangyayari?



''May Basketball daw mamaya,'' ani ni Alliyah habang nakaakbay sa akin. Hindi naman agad ako tumugon sa kaniya. Paniguradong yayayain niya lang akong manood. Kasali kasi si Yuri sa laro, kaya halos hindi siya mapakali sa klase dahil atat nang manood. Feeling girl friend din 'tong kaibigan ko, e.


Katatapos lang ng last subject namin ngayon at nandito kami ngayon sa Cafeteria. Alas tres y medya na ngayon habang ang karamihan sa mga estudyante ay may mga kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Isang fries at soft drink lang ang binili ko samantalang si Alliyah naman ay halos bilhin lahat ng makitang pagkain.



''4:30 p.m. daw ang umpisa ng game,'' sambit na naman ni Alliyah habang ngumunguya ng pagkain. Tiningnan ko naman ang wrist watch ko bago ibinalik ang tingin sa kaniya. Walang emosyong tiningnan ko siya bago magsalita, ''May 8 minutes pa naman, Filipino time.''


Hindi na siya umimik at ilang saglit pa ay nag-ring ang cellphone niya. Halos mapahagikgik naman ako sa tawa nang malakas na tumunog ang ring tone ng cellphone niya. Sinimangutan naman niya ako nang mapansing tumatawa ako. Sino ba namang hindi matatawa kung ang ring tone niya ay theme song nina Dora?



''Oo, sandali na lang, hehe.'' Pasimple naman akong ngumisi nang marinmig ko ang boses ni Alliyah na kausap si Yuri sa kabilang linya.

''Tara na,'' ani ni Alliyah nang matapos ang tawag. Hindi na lang ako umimik saka sumunod sa kaniya. Ang pagkakaalam ko ay sa loob lang ng University ginaganap ang laro pero, hindi ko namalayang nandito kami ni Alliyah sa labas ng University.


Saan ba gaganapin 'yong laro? Maraming mga tao ang nandito at lahat ay abala. Ang iba naman ay nagpapalipas na lang ng oras.

''Saan ba gaganapin?'' Hindi ko na napigilan ang sariling magtanong. Nilingon naman niya ako saka ngumiti bago sumagot, ''Doon.'' Sabay turo niya sa Basketball court na malawak. Nasilayan ko naman ang mga tao na nagkukumpulan sa labas nito, halatang maraming tao sa loob.


''Tingin mo may mauupuan pa tayo d'yan?'' Kunot-noong tanong ko na ang tinutukoy ay ang Basketball Court.

''Oo naman,'' ani niya na kampanteng-kampante. I sighed bago sumunod sa kaniya pumasok sa loob. Nag-uumpisa na nga ang 1st quarter ng game. Para namang binagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Alliyah ngayon. Diretso lang ang lakad namin hanggang sa makarating kami sa unahan. May dalawang upuan na bakante na tingin ko'y 'yong tinutukoy niya kanina.



''Bagal mo kasi,'' ani niya nang sabay kaming maupo sa upuan. Gano'n na lang ang paglinga ng kaniyang mga mata na tila may hinahanap. Nasisiguro kong si Yuri na naman ang hinahanap niya.



''Wohooo! Go, Monzato!'' Malakas na na hiyaw ni Alliyah. Habang nagsasalita naman ang announcer. Napahinto ako sa paglinga nang makita ko ang score nila. 6 pa lang 'yong amin habang 11 na 'yong sa kabilang UNiversity. Kaya pa naman siguro nila habulin 'yan.


''Ellis, 3 points!'' Bahagya akong nagulat nang marinig ko na naman ang pamilyar na last name niya. Napairap ako nang nasa akin ang tingin niya habang nag-di-driblle ng bola. Hindi ba siya na-di-distract na sa akin siya nakatingin? Aish. 9/11 na ang score.



Napansin kong may ibinulong ang bibig niya habang nakangiti sa akin bago tinapon ang bola, 3 POINTS! Hindi ko man ipahalata, aaminin kong namangha ako sa kaniya. Nang ibaling ko naman ang tingin sa kung saan, bigla na lang bumagal ang tibok ng puso ko. Si Neil, nakatingin siya sa akin. Matalim ang mga tingin niyang 'yon. Ngunit, bakit hindi ko siya ma-irapan tulad nang ginawa ko kay Gerald?


Her Unforgettable Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon