YSABELLE TANYA
''Good morning, Sab!'' Masiglang salubong sa akin ni Alliyah. Magka-holding hands sila ni Yuri. Ang sakit nila sa mata, umagang-umaga.
''Good morning din,'' sambit ko. Nginitian naman akoni Yuri gano'n din ni Alliyah.
''Gala tayo mamayang hapon,'' aya ni Alliyah habang naglalakad kami sa hallway. Nauuna ako sa kanilang maglakad habang sila naman ay nakasunod sa likuran ko. Ang bagal nila maglakad, naghaharutan pa yata.
''Anong oras ba? May lakad kasi ako mamayang hapon din.'' Mabilis na tumabi sa akin si Alliyah sabay tapik sa braso ko.
''Saan ka pupunta? Himala naman sa 'yo, Sab. May ka-meet up ka 'no?'' Napailing na lang ako sa kaniya. Kung makatanong naman ito ng sunod-sunod akala mo Nanay ko.
''B-basta,'' sagot kong nautal pa. Mas lalong naging mapang-asar ang kaniyang mga ngiti.
''Pero, sinong kasama mo?'' Napairap na lamang ako sa kakulitan ng kaibigan ko. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako nagkukwento.
''Mauna na ako,'' sabi ni Yuri nang madaanan namin ang building nila.
''Hoy, ano na nga 'yon?'' Mahina ko namang hinampas siya sa balikat. Tiningnan ko naman ang oras sa relo at may sampung minuto pa kami bago mag-umpisa ang klase.
''Kahapon kasi nawalan ako ng malay,'' sambit ko.
''Ano?!'' Malakas na sigaw niya. Mahina naman akong natawa sa reaksyon niya.
''Sabi ko, nawalan ako ng malay kahapon.'' This time siya na naman ang humampas sa balikat ko.
''Gaga ka talaga. Paano? Saan?'' Bumalik ang pagiging seryoso ng aking ekspresyon.
''Sa bahay nina Neil,'' ani ko. Namilog naman ang mata niya sa narinig.
''Bilisan mo naman magkwento, mamaya may klase na.'' Tuluyan kaming naupo sa upuan namin sa loob ng classroom namin.
''Ayon, may nakalagay daw na pampatulog sa puto na kinain ko.'' Bakas ang pagtataka sa mukha ni Alliyah.
''Sino naman ang may gawa no'n sa 'yo?'' Hindi agad ako nakaimik. Nagkibit balikat ako sabay sandal sa upuan bago sumagot, ''Kaya magkikita kami ni Neil mamaya.''
Nilinga ko naman ang paningin sa loob ngunit walang Neil akong nakita. Hindi siguro siya papasok. Napangisi ako sa isiping kasalanan ko nga pa kung bakit absent siya. Pero, paano naman 'yong sabi niyang pag-uusapan namin? Napailing na lang ako.
''Baka naman ikaw talaga naglagay ng pampatulog keneme na 'yon, ha.'' Napakurap na lang ako sa mga pinagsasabi ni Alliyah.
''Kidding. Ikaw naman, 'di na mabiro.'' Hindi ko na siya nilingon hanggang sa mag-umpisa na ang klase.
***
NEIL YVES
It's already 9 o'clock at bago pa lang ako naglalakad papunta sa University. Wala sana akong balak pumasok dahil sa pasa ko sa mukha kaso, naisip kong malapit na pala ang midterm exam namin. Aish. Kasalanan 'to ng amazonang babaeng 'yon.Pniguradong late na ako sa first class namin pag dating ko sa University. Hindi na lang ako papasok sa first class, may next pa naman.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad palabas ng kanto kung saan kami este ako nakatira. Wala naman akong kasama sa bahay dahil laging abala sina Mom and Dad. Ayoko na rin silang abalahin pa dahil parang hangin lang din naman ako sa bahay. Minsan nga mas mabuti pa kung wala sila sa bahay. Madalas kasi ay puro bangayan nilang dalawa ang maririnig sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Her Unforgettable Past | ✓
FantasyDo you believe in time travel? Is it possible to go back in time? What if one day you just woke up, and everything went back in the past? Will the memories left by time be repeated? Meet, Ysabelle Tanya Torres. The arrogant and troubled woman who re...