YSABELLE TANYA
"Walang class hanggang hapon!" Agad na umingay ang klase. Umalingawngaw ang hiyawan ng mga kaklase namin. Samantalang hindi pa naman tapos mag-anunsyo ang class president namin.
Napatakip na lang ako sa aking tainga. Ang sakit ng ulo ko sa sobrang ingay. Magbabasa na lang ako maghapon. Tahimik akong nakaupo sa gilid nang sumulpot si Alliyah sa tabi ko.
''Saan na naman ba tayo pupunta?'' Hila-hila ni Alliyah ang kamay ko. Parang hangin naman akong nagpapahila sa kaniya. Wala akong ideya kung saan kami pupunta.
Huminto siya sa paghila sa akin nang makarating kami sa may park. Park na kung saan ako naghintay sa kanila kahapon. Malapit lang din naman 'to sa University. Pero anong gagawin namin dito?
''Bakit tayo nandito?'' Nakasimangot na tanong ko bago sinuot ang salamin ko.
''Marunong ka 'di bang tumugtog ng gitara?'' Inabutan niya agad ako ng gitara. Hindi ko naman napansin ba may dala-dala pala siyang gitara. Matagal na rin no'ng huli akong tumugtog gamit ang gitara.
''Papatulong sana Yuri,'' sambit niya. Bumuntong hininga muna ako bago inabot ang gitara. Naupo ako sa may ugat ng puno saka inumpisahang i-pwesto ang mga daliri sa strings nito. Inumpisahan kong kalabitin ang mga strings nito. Kabilang buhay by; Bandang Lapis ang kantang naisipan kong itugtog. Saulado ko pa rin pala ang bawat chords nito. Parang 'yong mga masasayang ala-ala na iniwan sa akin ni Neil, sauladong-saulado ko pa.
''Ba't parang pang-broken hearted?'' Tipid akong ngumiti bago ibinalik ang tingin sa gitara. Hindi ko na sinagot ang tanong ni Alliyah, tinuloy ko na lang ang pagtugtog.
"Teka, 'yon na pala sila." Mula sa kinauupuan ko tanaw ko ang dalawang lalaking patungo sa gawi namin. May bitbit na gitara si Neil. Tulad ko, marunong din siyang tumugtog nito. Ang perfect niya para sa akin. Honor student, Basketball player, guitarist at pogi.
"Tulala ka na naman," ani ni Alliyah. Umusod siya sa tabi ko na parang nahihiya kay Yuri na ngayo'y nasa harapan niya.
"May iniisip lang," tugon ko na binigyan naman niya ng makahulugang buntong hininga.
"Ayen, this red rose symbolizes my unconditional love for you." Nang sabihin 'yon ni Yuri ay kasabay nang malakas na pagtugtog ng music sa speaker. Like a Rose by: A1
[A/N: PLAY THIS SONG WHILE READING THIS: LIKE A ROSE - A1]
Kinikilig na tinanggap ni Alliyah ang isang sariwang pulang rosas galing kay Yuri. Halos maiyak naman si Alliyah habang pinapakinggan si Yuri. Sinasabayan kasi nito ang kanta. Hindi naman gaano kagandahan ang boses niya pero, sapat na 'yon para pakiligin ang kaibigan ko.
"Why am I so afraid to lose you when you're not even mine?" Nang huminto ang tugtog ay nagsalita si Yuri. Para namang natulala si Alliyah sa kaniya.
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ni Yuri saka inabot ang kanang kamay ni Alliyah. Lumuhod ito bago kinuha ang singsing na nasa bulsa.
Hindi maipaliwanag ang mukha ni Alliyah ngayon. Gulat sa mga nangyayari habang naiiyak na natutuwa. Halo-halong emosyon ang makikita sa kaniyang mga mata.
"Mi amor, Can I court you?" Nakaluhod pa rin si Yuri habang hawak-hawak ang singsing. Halata sa mukha ni Alliyah na hindi siya makapaniwala sa nakikita.
''Nananaginip ba ako? For real? Ang isang Yuri Syn Monzato nililigawan ako?'' Hindi makapaniwalang sunod-sunod na tanong ni Alliyah. Tinanguan naman siya ni Yuri saka nginitian. Labas ang dimple nito dahilan para mas lalo pa itong maging cute.
BINABASA MO ANG
Her Unforgettable Past | ✓
FantasyDo you believe in time travel? Is it possible to go back in time? What if one day you just woke up, and everything went back in the past? Will the memories left by time be repeated? Meet, Ysabelle Tanya Torres. The arrogant and troubled woman who re...