XXVIII

22 3 0
                                    

YSABELLE TANYA


''Marunong ka ba talagang mag-bike?'' Nilingon ko naman si Neil sa tanong niyang 'yon. Mayabang akong tumingin sa kaniya saka ngumisi.


''Oo naman. Sisiw lang 'to sa 'kin.'' Napailing na lang siya sa sinabi ko. Hindi talaga naniniwala ang kupal. Mukha lang akong mayabang pero, parang gano'n na nga.


''Pero, nabunggo?'' Bahagya siyang tumawa dahil hindi agad ako nakaimik. Huling sakay ko kasi ng bike ay no'ng nabubuhay pa si Neil.


''Hintay!'' Napasigaw ako sa pagtawag sa kaniya nang mauna na siya. Marahan kong inumpisahang paggalawin ang pedal ng bike. Nang mapansin kong nakalayo na si Neil kaya mas binilisan ko pa para mahabol ko siya.

''Anong sabi mong hindi marunong? Nahabol nga kita, e.'' Sabay kaming lumiko sakay-sakay sa bike. Saglit kaming natahimik habang dinadama ang hangin. May pataas-taas pa siya ng kamay niya habang umaandar ang bike na animo'y dinadama ang bawat pagdampi ng hangin sa kaniyang balat. Sa bawat hampas ng hangin, sumasabay dito ang pagliparan ng mga buhok ko.


Nilingon ko si Neil na nananatiling ganoon ang posisyon. Bakit tuwing titingin ako sa iyo halos ayoko nang alisin ang tingin ko?


Nang ibalik ko ang aking tingin sa daan, gulat akong npatingin sa patutunguhan ko. Akmang iiwas na ako pero, huli na ang lahat. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa ilalim ng bike. Para akong hindi makagalaw nang maayos nang maramdaman ko ang sakit ng balakang ko.

''Sabrina!'' Hindi ko nagawang lingunin si Neil na papalapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang inaalalayan ako.

"Dumudugo 'yong tuhod mo," ani niya. Hindi ko man lang naramdaman na dumudugo ang tuhod ko. Agad niya akong inalalayang tumayo upang makaupo sa upuang nasa malapit namin.

Naramdaman ko ang pag-alis niya. Nakapikit lang ako dahil ayokong tingnan ang sugat ko. Ayokong makakita ng dugo.

"Akin na 'yong tuhod mo," sambit niya. Marahan ko naman 'tong ipinatong sa upuan. Nananatili pa rin akong nakapikit.

"Imulat mo ang mga mata mo." Hindi ko siya sinunod. Ayoko.

"Dali na," pakiusap niya na hindi ko man lang tinugunan. Naramdaman ko namang hininto niya ang paggamot sa sugat ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero, natatakot ako.

"Tumingin ka lang sa akin," wika niya. Ang kaninang halos nenenerbyos na tibok ng puso ko ay mas bumilis pa.

"Sab, walang mangyayari kung mananatili kang nakapikit. Imulat mo, parang mga problema lang 'yan. Dapat mong harapin at hindi laging tinatakbuhan." Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Tama siya, lagi kong tinatakbuhan ang mga problema ko.

Dahan-dahan kong imunalat ang mga mata ko. Ibinaling ko agad ang tingin kay Neil. Habang siya naman ay nakatuon ang tingin sa sugat ko na ginagamot pa rin niya.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?" Nakakunot ang noo niya habang nakayuko dahil ginagamot ang sugat ko. Sasagot na sana ako nang makaramdam ako ng hapdi. Nilagyan niya yata ng alcohol.

"Aray ko! Papa..." Bahagya siyang tumawa nang marinig ang sinabi ko.

"Tinatanong kita, bakit mo ginawa 'yon?" Umiling lang ako. Wala sana akong balak sagutin 'yon kaso, mapilit talaga si Neil.

"Mabubunggo na kasi dapat 'yong bata, k-kaso, sinalo ko na lang. Bata pa siya, hindi niya deserve magkaroon ng peklat." Nakayukong pagpapaliwanag ko. Nakikita ko naman sa periphal vision ko na ngumiti siya.

Her Unforgettable Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon