XIII

34 11 7
                                    

YSABELLE TANYA

Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng gymnasium. Masyadong tahimik at halos ni-isa ay walang balak na gumawa ng anumang ingay. Magkatabi kami ni Alliyah habang nasa kanan ko naman si Neil. Dalawang araw na lang ang nalalabi at tapos na ang vaccation namin dito.

       
''Hello, Good afternoon.'' Isang malambing na tinig ang maririnig mula sa microphone. Napataas naman ang tingin ko saka nakita si Ma'am Eloiza na nakangiti ng malapad.  Simpleng paggngiti at tango lang ang itinugon ng karamihan.

''Ilang araw na rin na pala tayo rito at mayroon na lang kayong apat na natitira pang mga activities." Pag-umpisa niya dahilan ng pagkakaroon ng maliit na ingay. Anim na araw na pala kami dito. Anim na araw na rin pala akong umaasa. Ang bilis talaga ng takbo ng oras.

''Alam naman natin na karamihan sa gan'yang edad ninyo, karamihan ay pumapasok na sa isang relasyon. Tama ba?" Nakangiting tanong ni Ma'am Eloiza. Looking young pa rin siya kahit na may edad na. Palangiti naman siya, pero matandang dalaga.

''Para sa ngayong hapon, gusto ko kayong tanungin tungkol sa pag-ibig. In your own perspective, what is love?''  Napalunok naman ako sa tanong ni Ma'am bago pilit na itinuon ang atensiyon sa kaniya.

Ano nga ba para sa akin ang 'LOVE'?

''Mr. Ellis, What is love in your own perspective?'' Tanong niya sa estudyanteng nakaupo malapit sa harapan. Hindi lang siya basta estudyante, kilala ko siya. Siya si Gerald. Agad na tumaas ang balahibo ko nang tumayo siya mula sa pagkakaupo. Nakatalikod pa rin sya habang nakaharap kay Ma'am. Inabot sa kaniya ang microphone bago siya nagsalita.

''There is no definite definition about the word love. Though in my point of view, love is a mystery that is hard to solve. A cipher that is hard to decipher.'' Tila makahulugang sagot niya habang nakatingin ng diretso kay Ma'am. Agad namang nanlamig ang dulo ng mga daliri ko nang marinig ko ang tinig niya.

''Nasubukan mo na ba ang magmahal?'' Biglang tanong ni Ma'am matapos niyang sumagot. Isang matalas na tingin ang ibinaling ko mula sa kaniyang likuran.

''Yes,'' ani niya at dahan-dahang inilipat ang tingin sa gawi ko. Kaya naman mabilis kong ibinaba ang aking paningin. Shit ka, Gerald!

''But, i don't know if she really loved me.'' Bakas ang hinanakit na saad niya. Kahit na nasa baba ang paningin ko, ramdam ko pa rin na nasa akin ang tingin niya. Animo'y pinariringgan ako sa kaniyang mga sinabi. Hindi naman talaga kita minahal, Gerald.

Kayanga gan'on lang kadali sa 'kin ang hiwalayan ka noon. Ngunit lingid sa kaalaman ko na may mas malala ka pa lang igaganti. At, 'yon ang isang pangyayaring hinding hindi ko malilimutan.

  
''Sa pag-ibig kailangan natin mag-paubaya at tumanggap. Kapag ayaw sa 'yo, bitiwan mo na. Hindi 'yong ipagpipilitan mo pa ang sarili mo. That's what have I learned from my past.'' Dugtong pa niya at isang malakas na palakpakan ang namayani sa loob.

Dapat ko na bang tanggapin ang nakaraan? Dapat na ba kitang patawarin sa nagawa mo?

''Next,'' ani ni Ma'am Eloiza na tinutukoy ang katabi ni Gerald. Ibinalik ko na ang tingin ko sa harap at gano'n na lang ang gulat ko nang magtama ang mga tingin namin. Napakaamo ng kaniyang mga mata na mababakas ang sinseredad.

''Love is a feeling you can't easily describe.'' Isang pamilyar na boses ang nagsalita dahilan upang maipihit ko ang paningin ko sa babaeng nagsasalita. Si Giselle. Mala-anghel ang mukha niya habang nagsasalita.

''Wala naman po akong love of my life, kaya hindi ko ma-explain.'' Naka-pout niyang sambit dahilan upang magsi-tawanan ang karamihan sa mga estudyante.

Her Unforgettable Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon