YSABELLE TANYA''Sigurado ka bang ayos ka na?'' Ngumiti ako nang malapad bago lumapit kay Mama. Niyakap ko siya nang mahigpit na animo'y nagsasabing ayos lang ako.
Napailing naman siya bago muling hinaplos ang noo ko.
''Hindi ka naman mainit pero, nag-aalala pa rin ako sa 'yo,'' ani ni Mama. HInawan ko naman ang kamay niya upang ibaba ito. Ibang-iba si Mama rito, hindi siya ganito ka-caring sa akin noon simula nang mamatay si Papa.
''Pakisabi po pala kay Ate Sam, congrats. Aabangan ko shanghai mamaya.'' Dahil sa sinabi kong 'yon, sabay kaming napatawa ni Mama. Si Ate Sam kasi ang nanalo sa beauty pageant kahapon.
''Sige po, mauna na ako.'' Matapos no'n ay umalis na ako. Ngayon ko lang ulit nakita si Mama na sobrang nag-aalala sa akin.
''Mag-ingat ka,'' usal niya. Kinawayan naman niya ako ganoon din ako na kumaway sa kaniya.
Kapansin-pansin ang pagiging maingay ng paligid. Napakasigla ng mga tao. Lahat sila abala sa kung anong mga gawain nila.
Saglit akong napalingon sa isang pwesto kung saan palaging nakapwesto si Ate Sori noon. Kumusta na kaya siya ngayon? Naiintindihan ko siya pero, sana naiintindihan niya rin ang sarili niya.
Masyado na siyang nalason ng kaniyang nakaraan.
Hindi na ako nagtagal doon saka nag-umpisa nang maglakad. Ako kaya? Kumusta naman kaya ang sarili ko? Ayokong dumating sa puntong matulad ako kay Ate Sori.
Mababaliw din ba ako kagaya niya? Makakabalik pa ba ako sa kasalukuyan? Baka ma-stock ako rito. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari at mangyayari pa. Paano na lang ang mga pangarap ko? Paano ako?
Napailing ako nang masyado nang lumawak ang isipan ko. Nahinto ako sa paglalakad nang nasa harap na ako nang gate ng University namin. Kailangan kong kausapin si Manong Oliver. Baka sakaling may alam siya tungkol dito. Pero, paano naman? Ngayong hindi na kami nagkikita o sabihin na nating hindi na siya nagpapakita sa akin.
Alam ko na... Dapat kong hanapin si Gerald o si Gisselle.
Patakbo akong pumasok sa loob. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang umakyat sa building kung saan ang classroom namin. Mabilis lang akobng nakarating at agad akong sinalubong ni Alliyah.
''Tumawag sa akin si Tita Helen kahapon, pero hindi ka naman namin naabutan sa Hospital.'' Mababakas ang pag-aalala sa mukha niya.
''Okay lang ako,'' ani ko. Tulad ng reaksyon ni Mama sa akin kahapon, halatang hindi rin siya kumbinsido.
''Sure ka?'' Tumango-tango naman agad ako para maniwala siya.
''Pero ang sabi ng nurse may kasama ka raw?'' Naiilang akong tiningnan siya bago sumagot, ''O-oo.''
Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata niya. Lalapit pa sana siya para magtanong ulit nang dumating na ang guro namin. Mabuti naman kesa matatadtad na naman ako ng mga tanungan niya.
Nasa gitna kami ng klase ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin ang buong klase ro'n na bumungad sa amin si Neil. Pinaningkitan siya ni Miss Ferez ng mata dahil halatang kagigising lang niya. Hindi rin maayos ang pagkakabutones ng kaniyang uniform.
''Mr. Valdez, why are you late?'' Tiningnan lang niya si Miss Ferez saka dumiretso sa upuan niya. Attitude. Ano kayang nangyari rito sa kaniya?
''Nakakaistorbo ka sa klase ko.'' Mariin ang tono ng boses na pagkakasabi niya no'n. Halata ang pagkainis ni Miss habang nananatili pa ring kalmado si Neil. 'Yong gigil na gigil na si Miss tapos siya kalma lang. Pasimple akong ngumiti habang umiiling.
BINABASA MO ANG
Her Unforgettable Past | ✓
FantasiDo you believe in time travel? Is it possible to go back in time? What if one day you just woke up, and everything went back in the past? Will the memories left by time be repeated? Meet, Ysabelle Tanya Torres. The arrogant and troubled woman who re...