XI

25 9 3
                                    

ALLIYAH



Tahimik na pinagmamasdan ko si Ysabelle na ngayon ay nakaupo sa duyan malapit sa tent namin. Halatang malayo ang kaniyang iniisip. Hindi na ako nag-abala pang puntahan siya. Alam kong nais niyang mapag-isa.


Nagtataka nga ako kung bakit parang nag-iiba ang mga kinikilos niya nitong mga nakaraang araw. Madalas ay naaabutan ko siyang tulala at malalim ang iniisip. Kadalasan naman ay halos balisa siya sa mga gawain.


Naging mabilis ang pangyayari kagabi at maging ako ay hindi ito maintindihan. Natamaan ng bola si Ezhra sa bandang noo niya dahilan upang dumugo ito. Ang sabi ni Pia mula sa punong inuupuan ni Ysabelle ay doon nanggaling ang bola. Dahil na rin sa pagka-taranta ay hindi ko na magawang intindihin ng maayos ang nangyari. Tinanong ko naman si Sab, ngunit tanging kunot ng noo ang kaniyang naging tugon. Animo'y wala siyang alam sa nangyari.

Ipinaalam na namin kay Sir ang nangyari kaya, naman nabigyan kami ng first warning. Nakiusap na lamang kami na huwag nang ipaabot pa sa mga magulang namin ang nangyari dahil lagot ako kapag nagkataon. Kaunting pasa at gasgas lang naman ang inabot ni Ezrha bandang noo. Sa ngayon ay hindi muna makakasali si Ezrha sa mga activities dahil sa lagay niya.


Nagpakawala muna ako ng isang mabigat na buntong hininga bago bumalik sa loob. 6:30 AM pa lang at mamayang 8:00 AM ang umpisa ng activity. Word Hunt ang sabi ni Sir, kaya naman naging mas exciting ito para sa akin.


Agad akong nag-asikaso ng aking sarili. Nang matapos ay bahagya ko pang sinilip si Sab na ngayon ay nagsusuklay ng kaniyang mahaba at nakalugay na buhok.


"Sab," tawag ko sa pangalan niya na agad naman niya akong nilingon. Walang expression ang kaniyang mukha at tanging lungkot lang ang masisilayan sa kaniyang mga mata.


Bakit gano'n? Parang pakiramdam ko, may hindi ako nalalaman. May tinatago ka ba sa akin? Nitong mga nagdaang araw, napapansin kong lagi na lang siyang tulala at balisa. Hindi ko siya maintindihan.


"Ayos ka na ba?" Mahinahong tanong ko sa kaniya. Humarap siya sa akin bago ngumiti ng pilit.


"Siguro? Pinagbibintangan ako sa isang pangyayari na hindi ko naman ginawa." Sarkastikong tono niyang pananalita.

"Sorry," ani ko bago yumuko.

"You don't need to be sorry, wala kang kasalanan." Malamig na tono ng boses niyang sambit. Itinuloy na niya ulit ang pagsusuklay sa kaniyang buhok.

Imbis na umalis ay mas lalo pa akong lumapit kay Sab. Niyakap ko siya mula sa likod dahilan upang matigil siya sa pagsusuklay. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya mula sa repleksiyon ng salamin.


"Kung may problema ka, huwag kang mahihiyang magkwento sa akin. May bumabagabag ba sayo?" Nag-aalalang wika ko habang nananatiling ganoon ang aming posisyon.

"H-hindi ko kayang sabihin, s-sorry." Nauutal niyang sambit na dahan-dahang kumalas sa pagkakayakap ko mula sa likod. Marahan niyang pinunasan ang kaniyang pisngi bago humarap sa akin at niyakap ako nang mahigpit.


Nagulat man ako sa ginawa niya ay agad ko rin siyang niyakap pabalik. Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam niya habang nakayakap sa akin. Dama ko ang unti-unting pagpatak ng kaniyang mga luha at ang bawat paghikbi niya. Dahan-dahan ko namang hinahagod ang likod niya upang hindi siya mahirapan sa paghinga.


Matapos ang ilang minuto ay nagsalita na siya. Bakas ang hinanakit sa bawat salitang binibitawan niya. Kahit na, hindi niya kayang sabihin ang dahilan, ramdam ko ang sakit na kinikimkim niya.

Her Unforgettable Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon