XXX

34 4 5
                                    

YSABELLE TANYA


Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ako makagalaw ng maayos. Alam kong nakapikit ako pero dinig na dinig ko ang mga boses na nagtatalo malapit sa akin.

"Ma, kailangan na lang po nating tanggapin na wala na siya." Gusto kong imulat ang mga mata ko. Boses ni Ate Sam 'yon, ah.

"No. Kapatid mo siya anak, buhay pa siya dahil may pulso pa siya!" Napalakas ang boses na sigaw ni Mama? Ang alam ko boses 'yon ni Mama.

"Ma, makina na lang ang bumubuhay sa kaniya! please lang, nahihirapan din akong tumingin sa sitwasyon niya." Narinig ko ang mga hakbang ng sandals na papalayo.

Hindi na sana ako makikinig sa kanila nang may maramdaman akong humaplos sa buhok ko. Gusto ko mang bumangon pero, hindi kaya ng katawan ko. Parang nanghihina ako. Siguro dahil sa aksidente namin ni Neil. Nahulog kaming dalawa sa bangin, kumusta na kaya siya?

"A-anak ko, gumising ka na, oh. Naghihintay sa 'yo si Mama." Parang may kung ano akong naramdaman nang marinig ko 'yon.

"Halos walong buwan ka ng nakahiga r'yan, ayaw mo bang bumangon? Loko ka talagang bata ka, hindi na galit si Mama sa 'yo!" Nararamdaman ko pa rin ang palad niya sa pisngi ko.

May kung anong mainit na tubig ang naramdaman ko sa kamay ko.Dahan-dahan kong ginalaw ang daliri ko sa kamay.

Halos mapasigaw naman si Mama nang makitang gumalaw ang daliri ko. Hala. Nasa morgue ba ako? Patay na ba ako? Bakit parang gulat siya.

"Anak ko! Ang anak ko! Doc! Gumagalaw ang daliri niya!" Narinig kong bumukas ang pinto. Pilit kong unti-unting imulat ang talukap ng aking mga mata.

Sa una, malabo pero habang patagal nang patagal mas lumilinaw sa akin ang nakikita ko. Kulay puti ang kisame pero, mas nakikita ko ang maluha-luhang mukha ni Mama. May dalawang nurse na nasa gilid at isang Doctor sa tabi ko.

Nalilito na naman ako. Bakit parang ang dami namang nakasaksak sa katawan ko? Balak ko sanang umupo pero, pinigilan ako ng Doctor. Inalalayan niya akong maupo nang maayos saka inabutan ako ng tubig.



Nasa kasalukuyan na ako.

"Kumusta, Doc?!" Halos pasigaw pa rin ang tono ng pananalita ni Mama.

"Isang milagro ito, kakaiba. Naging normal agad ang result." Kunot-noo naman siyang tiningnan ng dalawang nurse. Lumabas sila para mag-usap. Naiwan naman si Mama sa tabi ko.

"Ma, si Neil?" Bungad ko agad sa kaniya.

Umiling naman siya sa akin. May bahid ng lungkot ang mukha niya.

"Anak naman, e. Hindi ba't matagal na siyang patay?" Halos madurog naman ang puso ko sa sinabi niya.

Matagal na siyang patay? Akala ko ba buhay siya rito sa nakaraan?

Teka, nasa nakaraan pa rin ba ako?

"Sasabihin ko sa 'yo ang mga nalalaman ko, magpagaling ka muna." Mariin akong umiling sa kaniya. Magaling naman ako. Wala akong sakit at hindi naman ako nanghihina.


"Ma, ayos lang ako. Alisin n'yo na ako rito sa Hospital." Isang mariing iling lang ang naging tugon niya.

"Anak, kagigising mo lang. Ano bang ginawa mo no'n, ha? Bibisitahin ka sana namin ng Ate Sam mo, para magkaayos na tayo. Pero, nakita ka na lang naming walang malay habang hawak ang basag na orasan?" Hindi agad ako nakaimik. Totoo pa lang nakabalik ako sa nakaraan.

"Kung sasabihin ko, alam kong hindi ka maniniwala." Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ko.

"Anak," sambit ni Mama pero, hindi ako tumingin sa kaniya.

Her Unforgettable Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon