YSABELLE TANYA
Isang linggo na ang nakalipas at ngayon ang huling araw namin dito sa ressort. Abala ang karamihan sa pagliligpit ng kaniya-kaniya nilang mga kagamitan. Ang iba naman ay nag-uumpisa nang sirain ang mga tent.
Nakaupo lang ako sa duyan habang umiinom ng kape. Iniwan ko muna si Alliyah sa tent namin na mahimbing pa ang tulog. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Paanong nangyari 'yon nang hindi ko namamalayan? Mas'yado na nga ba akong nabulag ng pag-ibig?
Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na malaki ang galit ko kay Gerald. Kahit saang anggulo mo tingnan, mali ang pagpatay ng tao. Masakit, sobra. Galit ako kay Gerald, 'yan ang pagkakaalam ko. Pero, no'ng malaman ko ang ginawa niyang pagsasakripisyo at pagpapaubaya. Halos mabura ang galit ko sa kaniya. Kasalanan man ang ginawa niya, dapat pa rin siyang patawarin.
Humiling siya kay Manong Oliver na ibalik ako sa nakaraan ko na hindi ko naman tinanggihan. Sobrang mahal ko si Neil na kahit may iba pang tinitibok ang puso niya, pipiliin ko pa rin ang manatili sa tabi niya. Ang masakit, lingid sa kaalaman ko na siya ang naging daan upang makabalik ako sa nakaraang kay tagal ko nang nais balikan. Habang masaya akong kasama si Neil, nasasaktan ko siya sa patagong paraan.
Bakit nga ba hindi na lang ikaw? Bakit mapili ang puso ko? Ang alam ko kasi ay parehas tayong naglokohan noon. Ginamit ang isa't isa para tingalain ng iba. Hindi ko naman aakalain na mahuhulog ka pala sa akin. Isa na sa mga patunay doon no'ng pinatay mo si Neil. Sobrang komplikado na ng lahat. Hindi ko na alam kung paano ko pa 'to aayusin at ibalik sa maayos kung una pa lang magulo na. Ang alam ko kasi dati nang magulo ang buhay ko. Niwala man lang ka-swerte-swerte lalo na sa pag-ibig.
''Mukhang malalim ang iniisip mo,'' ani ni Alliyah saka tumabi sa akin. Tulad ko ay nakaligo na rin siya at nakabihis.
''Wala naman,'' sambit ko at nagkunwaring walang malalim na iniisip. Hindi pa ako handang malaman ni Alliyah ang lahat. Hindi pa sa ngayon at hindi maaari.Hindi niya maaring malaman ito. Hindi pwede.
''Saan ka pala galing kahapon?'' Nakakunot ang noo niyang tanong. I sighed bago naghagilap ng pwedeng idahilan.
''Doon ang s-sa tabi-tabi,'' ani ko na pinipigilan ang mautal. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at inakbayan ako.
''Kung may problema ka, hindi masama ang magkwento, ah? Lalo na sa 'kin,'' sambit niya na nagpalambot sa puso ko. Napatingala naman ako habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. Akala ko, ako na ang malas sa mundo, hindi pala. Kahit paano mayroon pa rin akong kaibigan na gaya niya.
''Salamat,'' saad ko at tuluyan nang tumayo gano'n din ang ginawa niya. Sabay kaming naglakad pabalik sa tent na ngayo'y inuumpisahan na nilang gibain.
''Hinahanap ka namin kahapon, lalo na si Neil,'' sabi bigla ni Alliyah habang naglalakad kami papunta sa bus akay-akay ang aming bag.
''Neil?'' Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Si Neil? Hinahanap ako? Halos mag-unahan ang mga tanong sa isip ko.
''Oo, alalalang-alala nga siya sa 'yo,'' sambit niya na mapang-asar na ngumiti sa akin. Bakit naman kaya?
Bahagya akong napahawak sa dibdib ko. Animong huminto ang tibok ng puso ko. Iba talaga ang epekto mo sa 'kin, Neil.
''Tara na,'' yaya niya na pa-akyat na sa Bus. Tumakbo naman ako dahil nahuli na pala ako sa kan'ya.
Naunang maka-akyat sa Bus si Alliyah. Sumunod naman ako kung saan niya inilagay ang gamit namin at doon naupo. Nasa gawing dulo kami ng Bus naupo. Halos lahat ay nakasakay na at driver na lang ang hinihintay.
BINABASA MO ANG
Her Unforgettable Past | ✓
FantasyDo you believe in time travel? Is it possible to go back in time? What if one day you just woke up, and everything went back in the past? Will the memories left by time be repeated? Meet, Ysabelle Tanya Torres. The arrogant and troubled woman who re...