YSABELLE TANYA
Ala's kwatro na ng hapon nang magkasama-sama ang grupo namin. Kasalukuyan kaming nasa beach side hawak ang mga flags na pinaghirapan naming makuha.
"Calling the attention of all South Mollins University (SMU) Students!" Panawagan ni Sir mula sa isang maliit na stage rito sa beachside. Maliit lang ang stage na 'yon na sakto lang para sa mga guro na gagabay sa next activity namin.
Agad namang naalarma ang mga estudyante na ngayo'y nagsisipuntahan na sa beach side. Malawak at maaliwalas ang lugar na ito kaya, masasabi kong gusto ko na lamang manatili at tumira rito. Mayroong volleyball net sa kabilang bahagi. Hindi ito sementado bagkus sapat na ang buhanging dagat upang makapaglaro. Sa kabila naman ay mayroong basketball ring. Tulad ng kanina ay hindi rin ito sementado.
Maya-maya pa ay isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa paligid. Ang kaninang puno ng ingay at asaran ay naging tahimik. Para bang walang sinuman ang gustong bumasag sa katahimikan. Umayos ako ng pagkakaupo. Pasimple pa akong lumingon sa mga kasamahan ko na tulad ko ay nakikinig na rin sa sinasabi ni Sir.
"Good evening, students! Ngayong tapos na ang ilan sa mga activities natin. Nais kong ipaalam sa inyo ang susunod na aktibidad na gaganapin bukas." Pag-aanunsyo ni Sir na naka-mikropono.
"Word Hunt," ani ni Sir sa pabulong na paraan bago bumaba ng stage. Kung tama ang pagkakarinig ko ay Word Hunt 'yon. Hmm, Exciting!
"Be prepared, students. Goodnight!" Pahabol pa niya bago tumuloy sa paglalakad pabalik sa loob.
Mabilis na nagbago ang paligid. Ang kaninang halos walang may nais na bumasag ng katahimikan ay napuno na ng ingay. Karamihan sa mga tao rito ay naglalaro. Volleyball, Basketball, Bato-bola at marami pang iba. Mababakas ang saya sa kanilang mga labi habang naglalaro.
Napasinghap ako ng hangin habang pinapanood ang mga kapwa ko estudyanteng nagsasaya. Sana lagi na lang masaya, sana wala ng lungkot. Kaso, hindi lahat ng saya may kapalit na lungkot. Sabi nga nila kapag masaya ka ngayon, bukas o sa susunod na araw malungkot na.
"Sab, sali ka?" Pag-aaya ni Alliyah sa akin. Lumingon ako at napansing handa na sila sa paglalaro. Ayos na ang posisyon nila na animo'y ako na lang ang hinihintay.
"Hoy! Ano? Sali ka?" Nagmamadaling tanong ni Alliyah na mahahalatang sabik na sa paglalaro. Tiningnan ko muna ang oras sa wrist watch ko, 7:30 PM. Maaga pa naman para matulog. Bumalik ang tingin ko kay Alliyah saka tumango.
"Teka, sali raw si Sab," ani ni Alliyah sa mga kasamahan namin.
Sumunod naman ako sa kaniya saka nakita ang mga kasamahan din namin nakaraan sa paglalaro ng Spin the Bottle. Nakahati ang grupo sa dalawa tig-apat sa bawat grupo. Ano bang lalaruin namin? Volleyball ba ito?
"Teka, Ano bang lalaruin?" Naguguluhang tanong ko kay Alliyah habang hila-hila niya ang kamay ko. Napahinto naman siya sa paghila sa akin bago nagsalita, "Larong Pinoy." she mouthed.
"Huh? Volleyball?" Paghuhula ko dahil sa nakita kong pwesto nila. Liban sa piko ay wala na akong ibang alam na larong pinoy. Tinawanan niya lang ako bago nagtuloy.
"Ilan ba tayo?" Tanong ni Yuri na ngayon ay nasa tabi ni Alliyah. Para kaming mga bata na nag-aayos ng grupo para sa laro. Kumunot ang noo ko nang mapanood ang sunod nilang ginawa. Lumapit sila sa isa't isa bago ipinaglapat ang mga kamay. Parang mga batang nagta-taya-tayaan.
BINABASA MO ANG
Her Unforgettable Past | ✓
FantasyDo you believe in time travel? Is it possible to go back in time? What if one day you just woke up, and everything went back in the past? Will the memories left by time be repeated? Meet, Ysabelle Tanya Torres. The arrogant and troubled woman who re...