May 2018
Today is my anniversary with my boyfriend. Tumunog ang alert sa aking cellphone at lumabas ang reminder ko sa calendar.
Happy Anniversary Selene and Troy!
Kinilig ako nang maalala na ito na ang 3rd Anniversary naming ngunit napawi ang aking ngiti sa labi nang may natanggap akong mensahe mula sa numerong hindi ko kilala.
From: Unknown Number
Selene, pumunta ka sa Crestview Hotel. Pumunta ka sa Room 201 at doon mo makikita ang boyfriend mo kasama ang ibang babae. Nag bilin ako ng room key sa reception desk para sayo.
Tila gumuho ang mundo ko sa nabasa... kaya pala kagabi pa hindi nagrereply sa mga text ko si Troy at pati mga tawag ko ay hindi sinasagot. Kahit na may klase, nag excuse ako sa teacher ko na mag CR muna dahil dina-diarrhea ako. Bilang matinong estudyante, hindi naman ako pinag dudahan ng aking guro.
Ako ay isang 4th year tourism student sa UP Diliman at kasama ako sa honor list. Dahil sa reputasyon ko sa paaralan, hindi naman ako nahalatang nag sisinungaling dahil kaylanman ay hindi ko gawain na mag cut ng klase para sa isang... lalake.
Nag madali akong lumabas sa aming building, sumakay ako ng jeep palabas sa UP at nag isang sakay pa ako papunta sa Crestview Hotel. May kalayuan ito sa aking paaralan kung kaya't medyo natagalan pa ako sa pagdating sa sinabing hotel.
Pag karating ko doon ay dumiretio ako sa reception desk na sinabi saakin at sinabing may iniwan na susi para saakin. Saglit na tinanong ang pangalan ko at nang makumpirmang ako nga iyon ay binigay nila ang susi na hinihingi ko.
Kinakabahan ako at sunod sunod ang mabibigat na pag hinga, hindi naman ako naniniwala sa mensahe na aking natanggap mula sa estrangherong numero ngunit...
Bakit ako nandito ngayon kung hindi ako naniniwala?
Gusto ko lang makasigurado... tama! Gusto ko lang makasigurado na mabait si Troy at hinding hindi nya magagawang lokohin ako. Sa tatlong taon na pag sasama namin, hindi nya magagawa yun. Mahal nya ako... ngunit, mahal nya ng aba talaga ako?
Nang makarating ako sa harap ng pintong sinabi sa mensahe mas nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko. Nanginginig ang kamay ko ngunit kaylangan ko tatagan ang aking loob... boyfriend ko ang nandito sa loob.
Kahit na kabado at nanginginig, nagawa ko parin maipasok ang susi ng tama at nabuksan ng maayos ang pinto. Bawat hakbang ko papasok ay mistulang parang tambol ang aking puso dahil sa lakas ng tibok nito.
Natigil ako sa pag hakbang nang makarinig ako ng ungol. Ungol ng dalawang tao, mistula mga sabik na sabik ang tunog nito. Namumuo ang aking mga luha saaking mata at kung ano ano na ang pumapasok sa aking isipan. Hindi na ako nag dalawang isip pang dumiretio sa kama at doon ko nakita kung paano ako pag taksilan ng aking nobyo kasama ang...
"CELESTINE?!"
Natigil sa gulat ang dalawang taksil at napalingon saakin agad. Agad na lumayo si Troy at kinuha ang unan at tinakpan ang sarili samantalang si Celestine naman ay kinuha ang kumot at ginamit ito pantakip ng buong katawan.
"Selene, I can explain..."
"Ate..."
"ANG SASAHOL NYO! PAANO NYO NAGAWA SAAKIN TO HA?" galit na galit na sigaw ko habang walang tigil ang pag tulo ng luha at pinag babato ang mga nakikita kong bagay sakanila.
"CELESTINE, T@NG1N@, KAPATID KITA PERO BAKIT MO TO GINAGAWA SAAKIN?" tanong ko sakanya habang dinuduro at napatungo naman sya sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Mysteries of Adhara Selene
RomanceAdhara Selene Aldevaro, a mysterious classy woman who loves to travel alone. Given that she's a flight attendant, she's also a model of international brands but too much exposure on media is uncomfortable for her since she prefers to live lowkey wit...