Mysteries 9

922 36 41
                                    



It's the February season and people here in New York started decorating and selling... romantic things. Ew.

"Eto—eto may bitter nanaman!" tinuro ako ni Sebastian.

Sinamaan ko lang sila ng tingin ni Scarlett nang pareho silang natawa saakin. Hindi naman ako bitter, ayoko lang talaga ng romantic things kasi... natatakot ako. Naalala ko kasi kung paano ako niloko noon at ayoko na maalala yun.

Sa lahat ng makakalimutan ko, bakit yung sakit na dinanas ko nung niloko ako yung hindi ko pa makalimutan?

"I'm not bitter!" saad ko at umirap.

"If you say so," nag kibit balikat naman ang dalawa habang nakangiti kaya mas lalo akong nainis.

Ako nanaman ang trip nila ngayon ha?

Hindi ko nalang sila pinansin at nag tuloy tuloy sa pag lalakad. Nag shohopping kasi kami ngayon at kasama parin namin si Zachary.

Kagabi kasi, hindi na sya pinauwi ni Sebastian dahil malakas ang ulan kaya pinatulog nalang sya sa guest bedroom sa bahay.

"Zach, ikaw bitter ka rin eh!"

"Shut up, Sebastian."

Natawa kaming lahat dahil yung itsura ni Zachary parang anytime susuntukin na yung pinsan ko. Natigil naman ako agad sa pag tawa nang lumingon ito saakin.

Tignan nyo, ako nanaman! Bakit ba ako lagi nakikita nila?

My cousins are great money spenders. Katulad rin sila ni Nathan na hindi marunong mag tipid, basta basta nalang gumagastos.

"I can understand that look, couz!" biglang binitawan ni Sebastian ang bote na nakita nya dahil sa tingin ko. "Tinitignan ko lang, hindi ako bibili!"

Umiwas nalang ako ng tingin dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Wait! Are you Adhara Aldevaro?"

Nag tataka man, nakangiti akong tumango doon sa lalakeng nag tanong saakin.

"I'm a huge fan of yours! Can we take a photo?" tumango ako muli at nilahad naman ng lalaki ang cellphone nya sa taong malapit sa pwesto namin which is si... Zachary.

He sighed before getting the stranger's phone. Kita ko pang pinag tatawanan nila Sebastian si Zachary dahil ginawa itong photographer.

Suddenly, the man beside me placed his hand on my waist kaya hindi ko napigilan ang pag kagulat. Tumawa lang ito habang nakatingin ako sa kamay nya sa bewang ko. Naiilang akong tumingin ulit sa camera pero napansin kong nakakunot ang noo nito habang naka tingin sa cellphone.

He didn't even count, bigla nalang nya binalik ang cellphone doon sa lalaking tuwang tuwa dahil nag kapicture na kami. Pagkatapos ay bigla akong hinigit ni Zachary palayo doon sa lalake kaya biglang nawala ang ngiti nito.

"We need to go." simpleng sabi lang nito sa lalaki at tinangay na ako palabas ng shop kung nasaan kami.

"Don't you have some respect for yourself?" galit na tanong nito saakin at pabagsak na binitawan ang kamay ko.

"h-huh?"

"You're letting a stranger hold you like that?"

Hindi naman ako makasagot sakanya dahil hindi ko maintindihan kung bakit sya nagagalit. Halata naman sa mukha ko kanina na hindi ako komportable sa ginawa ng lalake kaya bakit sya saakin nagagalit?

"Why are you mad at me again?" nag tataka at inosenteng tanong ko sakanya.

Natigil naman sya at tumagal ang tingin saakin. Bumuntong hininga lang sya at hindi na sumagot dahil narinig narin namin ang paglabas nila Sebastian.

Mysteries of Adhara SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon