TRIGGER WARNING: This chapter contains scenes of graphic violence that may be disturbing to some readers.
I PUT A MARK ON WHERE THE VIOLENCE STARTS, YOU MAY SKIP THEM UNTIL YOU SEE THE "SKIP ENDS HERE -- SAFE TO CONTINUE READING". THANK YOU. READ WITH CARE.
Nang matapos ang pag uusap namin ni Nathan, naiwan akong nakatulala sa kisame habang naka higa. Isang malaking pala-isipan ang naalala ko noong andun kami sa bahay ng grandparents ni Nathan. Nang banggitin ni Zachary na engaged na sya, kinabahan ako at inisip na baka ang papel na tinutukoy sa alaala ko ay isang marriage contract.
Imposible naman na maging contract ng marriage ang papel na sinasabi ko 3 years ago dahil una sa lahat, saan ako kukuha nun at bakit ako kukuha nun? Base sa naalala ko, alam kong saakin nang galing ang papel na pinapapirmahana ko sakanya at kung marriage contract nga iyon ay dapat may kopya rin ako pero wala.
Wala akong dinaanan na kahit ano noong araw na yun at diretio lang ako sa club na pinag kitaan namin ng mga kaibigan ko.
"Adhara Selene, ang assuming mo pala?" mahinang sita ko sa sarili at natawa nang marealize ko ang ginagawa ko.
Kahit saang angulo ko kasi tignan, malayong maging ako ang fiancée ni Zachary at natatawa ako ngayon dahil bakit ba ako bothered tungkol doon?
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako yun.
Nang sumapit ang 12 AM, nag simula akong mag ayos at mag lagay ng mga damit sa gym bag ko. Alam kong tulog na si Nathan dahil bago ko patayin ang tawag, nakatulog na sya at naririnig ko syang humihilik.
Nag ayos ako ng sarili at nag bihis ng makapal na white hoodie, black nylon shiny leggings at pinartneran ko narin ito ng cold weather boots. January parin ngayon at ito ang pinakamalamig na buwan sa NYC. Kinuha ko na ang bag ko at sinuot ang shades bago umalis.
Sabado na kasi bukas at wala akong flight simula sabado hanggang lunes at tulad nga ng sabi ko, ganun rin ang sched ni Nathan dahil pareho kami.
Saglit pa akong lumingon sa pintuan ni Nathan bago ako umalis. Nakatungo lang ako nang dumaan ako ng lobby. Marami parin ang tao ng ganitong oras at karamihan sakanila ay pauwi. Well, this is Queens New York.
Dumiretio na ako sa kotse ko sa parking lot at siniguradong walang nakakita saakin na umalis. Nang masiguradong walang nakakakilala saakin, umalis na ako ng building. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nag drive pero alam kong lagpas isang oras ang byahe mula sa condo ko papunta sa Midtown, Manhattan.
Tinigil ko ang kotse ko sa tapat ng isang bahay dito sa neighborhood sa Midtown, Manhattan. Kinuha ko ang gym bag ko na naglalaman ng mga daily needs at bumaba na ng kotse.
"Scarlett," bati ko nang makitang inaabangan nya ako sa labas ng bahay nya. "Bakit nasa labas ka pa? Delikado na, anong oras na oh?"
"What took you long?" inip na saad nito at iginaya na ako paloob ng bahay. Hindi man lang inintindi ang sinabi ko.
"Nag kwentuhan pa kasi kami ni Nathan kaya natagalan."
Wala naman syang sinabi at ni-lock na ang pinto nang makapasok na ako sa loob. Lumabas naman mula sa kusina ang kapatid ni Scarlett.
"Adhara," bati sakin ni Sebastian. "Kumain ka na ba? May ulam dito, may pizza rin nag order si Iska kanina."
"Thanks, kumain na ako pero pahingi ako ng pizza," saad ko at tumawa.
"Syempre kelan kaba tumanggi sa pizza? Hawaiian yan, alam namin na darating ka kasi wala ka pasok bukas kaya nag order kami ng fave mo." Singit ni Scarlett.
BINABASA MO ANG
Mysteries of Adhara Selene
RomanceAdhara Selene Aldevaro, a mysterious classy woman who loves to travel alone. Given that she's a flight attendant, she's also a model of international brands but too much exposure on media is uncomfortable for her since she prefers to live lowkey wit...