Warning: SPG
Everything feels too sudden in a positive way. It was already the 3rd week of June and today marks out wedding day. Nagulat ako sa mga ganap ngayong araw... I know Zachary moved our wedding date in an early date pero hindi ko ineexpect na sya na ang nag asikaso lahat ng natitira.
Naka take note parin naman ang mga gusto ko pero sya na ang tumapos ng plano. He even paid for everything! Ang usapan namin ay hati kami! I don't know what to feel? Masaya ako na kinikilig!
As I went out of this fancy white bridal car together with my parents, naramdaman ko agad ang panginginig ng tuhog ko.
I'm a model and is knowledgeable in runways pero ngayong ikakasal na ako... hindi ko alam ang mararamdaman dahil parang hindi ako marunong mag lakad ng maayos. Matagal kong pinractice ang heels ko para komportable ako sa pag lakad ngayon pero mas dumoble pa ang kaba ko nang maalalang naka heels ako.
Oh no! Paano kung madapa ako?!
"Mom... dad, paano kung madapa ako?" kinakabahan na tanong ko sakanila pero natawa lang sila pareho.
"Ganyang ganyan rin ang naramdaman ko noon anak, but don't worry... everything will be fine. Kapit ka lang saamin dahil aalalay kami."
The huge doors of the church slowly opened in front of us at unti unti ko naring nakita si Zachary na nasa harap. He looks so... handsome. Napatingin ako sa mga taong dumalo at lahat sila ay manghang mangha saakin, some even took their phones immediately at pinicturan na ako at ang iba naman ay vinideohan ako.
My vision went back to Zachary as I slowly walked towards him. Hindi ko inisip ang lakad ko at tangging kay Zachary lang finocus ang paningin. Kampante narin naman na ako na aalalayan ako ng parents ko.
Bakit ganto... naiiyak ako. I'm so overwhelmed with the thought that I'm marrying him.
Natawa ako ng mahina nang makitang nag punas sya ng mata habang tinatawanan sya ni Sebastian na nasa tabi nya. Mukang inaasar sya ng pinsan ko dahil nakita kong may sinasabi si Sebastian sakanya kaya kumukunot ang noo ni Zachary.
White roses are placed on every aisle and the church was decorated accordingly. My vision started to blur nang malapit na ako sakanya.
This is it... I'm finally marrying him.
"Ang anak ko... ikakasal na talaga." biglang sabi ni dad kaya napalingon ako at natawa nang mapansing naiiyak na sya.
"Daddy!" natatawang saway ko habang naiiyak narin.
"My princess... I know that your mom and I lacked time on you before at nag sisisi na ko na hindi ko kayo masyadong pinagtuunan ng pansin dahil ang bilis ng panahon... ikakasal kana. Hindi na ikaw ang baby namin ng mommy mo."
"Dad naman!" saway ni mommy, "Naiiyak narin tuloy ako!"
Nag tawanan kami habang umiiyak hanggang sa makarating kami sa tapat ni Zachary. I was so focused on staring at his face at hindi na masyadong naintindihan ang mga sinabi at bilin nila mommy at daddy kay Zach.
Nag tama ang mata namin nang kunin nya ang kamay ko. Hindi ko na alam ang mga sumusunod dahil pakiramdam ko para akong nakalutang dahil sa sobrang saya. Natauhan lang ako pagkatapos mag "I do" ni Zachary dahil ako na ang mag sasalita.
"Do you, Adhara Aldevaro, take this man to be your husband, to live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
BINABASA MO ANG
Mysteries of Adhara Selene
RomanceAdhara Selene Aldevaro, a mysterious classy woman who loves to travel alone. Given that she's a flight attendant, she's also a model of international brands but too much exposure on media is uncomfortable for her since she prefers to live lowkey wit...