Mysteries 15

913 49 45
                                    





"Kelan ka uuwi?"

Nag salita sa likod ko si Scarlett habang nagsusuot ako ng heels habang ang dalawang mag kaibigan ay nasa sofa nakatingin lang saamin.

"Isang araw lang ako wala,"

"Okay, baka kasi may topakin dahil namimiss ka eh." natatawang sabi nya na agad ko naman naintindihan kung sino ang tinutukoy nya.

Napatingin naman ako sakanya na agad ko naman pinagsisihan.

"Pasalubong ha? Tsaka sabi nung ref natin pasalubong rin daw." natatawang sabi ni Sebastian saakin kaya nag taka ako.

"Hindi ka daw kasi bumili ng magnet para idikit sa ref." sabat ni Scarlett kaya natawa kami.

"Oo sige, I won't forget it."

Nag paalam na ako sakanila and as usual, hinatid ako muli ng bodyguards nila daddy. Hindi ulit sila makapunta sa bahay dahil kaylangan daw sila lagi doon sa site.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan hindi isipin si Zachary. Tatlong araw na ang nakalipas, simula nang itanong ko sakanya yun ay hindi nya ako kinakausap. Hanggang tingin lang ang ginagawa nya pero kahit isang salita, wala akong natanggap mula sakanya. Hindi nya rin sinagot ang tanong kong iyon.

He's avoiding me... doon lang ako sigurado.

Pumikit ako nang makaramdam ng pag kirot ng ulo. It feels like I am standing in the middle of the chaos and the only peace I can find is Zachary Ferrell... dahil sya lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan ko.

What happened before, Zachary? Hindi ba dapat tinutulungan mo akong makaalala? Why... are you avoiding me now?

"Do you think what we did is okay?" nag aalalang tanong ko habang nakatitig sa papel na hawak hawak ko.

"What made you think it's not?"

"Hmm... wala naman." I chuckled, amoy na amoy ko ang alak sa bibig ko. 

Kasabay nun ay ang pag pasok ko ng papel sa loob ng envelope at pinatong sa lamesa sa katabi ko. Pinatungan ko ito nung vase para hindi matangay ng hangin.

I stared at him; he's calmly resting in the bean bag sa balcony nya habang ako ay nasa bean bag rin sa harap nya. I took a look around his place... everything is neat at lahat ng gamit nya ay halatang mamahalin.

Is he some kind of elite?

I watched him while his eyes are closed. He seems familiar kaya hindi rin ako nag dalawang isip na sumama sa place nya and my instincts told me that he's a safe guy.

"Don't check me out, miss."

Natawa ako sa sinabi nya. "Why not? You got the looks... sigurado ka ba na hindi ka artista?"

"Yeah."

Inayos ko ang pwesto ko at humiga, I am staring at the sky now habang inuubos ko ang alak na meron sya. I mean, for sure naman dito ako matutulog at kanina ko pa gusto uminom.

Hindi naman talaga ako inaallergy sa alak, nag kaka pantal lang ako kapag nasobrahan.

"How about you?"

"No," I chuckled again. "Hindi ako artista... I'm a tourism student."

"Hmm, that's why."

Mysteries of Adhara SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon