Mysteries 3

1K 39 11
                                    



"Adhara," tawag pansin saakin ni Nathan habang iniintay sya sa entrance ng LAX airport. "Earth to Adhara!"

"Hey, naririnig kita!" natatawang sagot ko nang hawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at inalog.

"Eh, ba't hindi ka sumasagot? Attitude ka talaga eh." Bulong nito saakin at umakbay.

Nag simula na kaming mag lakad at napansin ko ang tingin at mga patagong ngisi ng ibang flight attendant saamin dahil sa paraan ng pag kakaakbay ni Nathan.

"I overheard a conversation between the crews, a good-looking guy approached you daw?"

"They were talking about it?" natatawang tanong ko sakanya.

"Naiinggit ata sila." Natatawang bulong nya saakin, "Who's that guy, by the way?"

"Hmm, when I checked his name in the seating arrangement, his name is Zachary Ferrell."

Natigilan sya sa pag lalakad nang marinig ang pangalang nabanggit ko. Nagtataka at hindi makapaniwala syang napatingin saakin.

"You don't know him?"

"Uhm, no? Is it required to know him?" natatawa at nawiwierduhan na sagot ko sakanya.

"I cannot believe this," napabitaw sya saakin at napa-facepalm.

"Whaat? Is he some kind of celebrity or ano?" tanong ko at nag simula ulit kami mag lakad papasok sa LAX.

"Wala ba kayong TV sa bahay nyo? Sa natatandaan ko mayaman kayo ah?"

"Uhh, I don't watch shows on TV..."

Napailing iling naman sya saakin at pinitik ako sa noo.

"Zachary Caiden Ferrell, the first multi-billionaire at the age of 20." Mistulang kinikilig na sabi nya saakin at natawa ako nang makita ko ang mukha nya.

"As far as I remember, before we leave the country punong puno ang media ng mga balita tungkol sakanya." Biglang nag seryoso ang itsura nya kaya naman ay nakaramdam ako ng kaba.

"What kind of news?"

"May nakakita sakanyang taga-showbiz na may inuwi syang babae sa condo nya pero hindi daw nakita kung anong itsura nung girl dahil nakatungo ito habang akay-akay ni Mr.Ferrell." Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa narinig.

Malakas ang pakiramdam ko na ako ang tinutukoy nya.

"It was the first time that he was seen with a woman, pihikan ang lalaking yun, Adhara. May chismis nga na kumakalat noon na baka daw bakla sya dahil parang allergic sya sa mga babae, well except sa mga kapatid nya, basta ayaw daw nyan sa babae." Dagdag pa nya.

"ano daw nangyare sakanila nung babaeng dinala nya sa condo?"

Sandali syang tumingin saakin bago natawa. "When he was interviewed about that woman, he seems angry when the topic was brought up. Sabi nya kung sino daw ang makakatulong sakanya mahanap yung babae ay may malaking reward,"

"Bakit d-daw?" I cleared my throat nang mapansin kong nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba.

"That woman left him a lot of money and he wants to return it." Kibit balikat na sagot nya at inayos ang sleeves ng uniform nya, "Sabagay, aanhin nya yung pera na iniwan nung babae eh milyon milyon ang pera nun."

Hindi na ako sumagot dahil baka mamaya ay makahalata na si Nathan. Hindi ko kasi kwinento sakanya ang buong nangyare noon, ang tangging sinabi ko lang ay niloko ako ng boyfriend ko gamit ang kapatid ko kaya pinag hiwalay kaming dalawa. Hindi rin alam ni Nathan ang totoong trabaho ng parents ko, ang sagot ko lang sakanya noon ay employed ito sa isang kompanya.

Mysteries of Adhara SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon