Mysteries 21

1.1K 45 108
                                    










3rd Person point of view


"How is she?"

It been a day and Adhara is still unconscious. Naging kritikal ang kalagayan nito dahil sa lakas ng impact sakanya at natagalan pa ang pag dating ng ambulansya. Ngayon ay nakatayo sa labas ng ICU sina Sebastian, Scarlett, at Zachary habang nakabantay kay Adhara na walang malay.

"Ganun parin... still unconscious."

"T@ng1na talaga, sabi ko na duda ako sa Nathan na yan eh!" Sebastian ranted. "Kaya pala pamilyar sakin ang mukha nya! Nag taka pa ako bakit ang dami ng mutuals namin sa Instagram!"

Napailing naman si Scarlett sa sinabi ng kapatid. Kahit sa seryosong sitwasyon ay mutuals parin sa Instagram ang naalala, hindi nya tuloy alam kung sinusubukan lang ba nito pagaanin ang hangin o sadyang mutuals talaga ang inaalala. Paano kasi nagiging interesado sya kapag may nakikita nyang may mutuals sila ng taong tinutukoy nya.

"Nag emergency flight sina Tita Quincy at Tito Archer, baka mamayang gabi andito na sila." muling nag salita si Sebastian.

"Emergency flight? Diba para lang yun sa mga passengers sa flight na endangered?" nag tatakang tanong ni Scarlett sa kapatid.

"Oo—hinde, I mean, pinadala nila yung personal plane nila para sunduin sila— yon emergency flight."

Bumuntong hininga lang si Scarlett bilang pag sagot sa sinabi ng kapatid. Pakiramdam nya ay sasakit lalo ang ulo nya sa sinabi ni Sebastian dahil iba ang meaning ng emergency flight na sinasabi nya.

Sa kabilang banda naman, tahimik na nakatingin si Zachary sa babaeng nakahiga sa loob ng ICU. Malalim ang iniisip nito lalo na nang maalala nya ang sinabi nito sakanya kung sino ang driver ng kotseng bumanga sakanya.

Sebastian was right, that's why he finds Nathan familiar is because he was their school mate... pero hindi Everett ang surname nito noon kaya nang mag kita sila muli ito sa New York ay hindi sya sigurado kung sya nga ang nakikita nito dati sa school nila.

Malaki ang hinala nito na sya ang lalaking ka school mate nila dahil talagang pamilyar ang mukha nito ngunit nang makita nya kung paano ito kumilos lalo na kapag kasama si Adhara ay naisip nitong baka ibang tao ito at hindi ang Nathan na alam nya.

"Zach, what's the update?" lumingon si Scarlett sa kaibigan at inintay sumagot.

"Ivan de Guzman accumulated several bullets in his body when he tried to escape." saad nito habang hindi nawawala ang tingin kay Adhara, "He's probably dead."

"How about N-nathan?" nag aalanganin na tanong muli ni Scarlett halos mangilabot sya nang maalala nyang nagustuhan nya ang lalaking iyon.

Hindi sinagot ni Zachary ang tanong na iyon ni Scarlett. Nanahimik lang ito at bumuntong hininga.

"I can't imagine how painful it is for Adhara... he was his best friend..." saad ni Scarlett.

Sigurado syang ganun rin ang naiisip ng dalawang lalaking kasama nya ngayon.

Adhara cherish Nathan so much dahil silang dalawa ang nag tulungan mula noong tumapak ang paa nila sa New York.

Isa pa, bukambibig ito ni Adhara sa loob ng tatlong taon. Kung tutuusin ay malaki ang pasasalamat nila sa lalaki dahil ito ang nag aalaga sa pinsan nila habang malayo sila sakanya.

Ngunit ano nga ba ang dahilan nito at bakit nya nagawa iyon?

"Bakit, paano nangyare yun..." paulit ulit ang bigkas ni Nathan sa mga salitang iyon.

Mysteries of Adhara SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon