Mysteries 5

1K 25 7
                                    




Pag dating ng lunes, bago ako umuwi sa condo ko nakapag desisyon akong mag shopping muna sa Manhattan Mall. Shopping is my way to release stressful events in life that's why I bought a lot of things like clothes, heels, and of course hindi mawawala ang cellphone cases at MacBook cases.

Mahilig kasi ako sa case ng mga gadget, hindi ko alam kung bakit pero nang cute sa paningin ko. Pag dating ng hapon tsaka lang ako huminto at nag drive na pabalik sa condo ko sa Jamaica, Queens.

Pag katapos ng mahabang byahe, habang papalapit ako sa entrance ng building nakita kong parang may nag kakagulo dahil maraming tao sa lobby which is unusual.

Huminto ako saglit at inangat ang shades ko sa ulo ko at inayos ang pag kakahawak ng shopping bags. Muka akong typical new yorker dahil sa dami ng shopping bags sa mag kabilang kamay ko. Nag lakad na ako papasok sa lobby at nag taka ako nang mahagip ng mata ko si Nathan na may kausap sa gitna.

Akala ko nung una ay may kaaway ito pero naka ngiti ito habang may kinakausap at pinapalibutan sila ng mga tao. Napatingin ito saakin at biglang kumaway kaya naman napalingon ang mga tao saakin.

Ngumiti lang ako nang makita kong nag paalam ito saglit sa kausap at binigyan sya ng daan ng mga tao papunta saakin.

"Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga tawag ko," bulong nito saakin habang sinisilip ko kung anong meron doon sa gitna.

"Ano meron?"

"Ipasok mo na yan sa room mo tapos bumaba ka ulit dito. Nirerequire ng owner ng building na to na lahat ng residents i-welcome si, Mr. Ferrell."

Bahagyang nagulat ako nang marinig ang sinabi nya pero pag irap lang ang sagot ko kaya tinawanan nya ako.

"Bakit pa ko babalik?" takang tanong ko sakanya.

"Hala sige, introduce na kita sakanya. Tara,"

Wala akong nagawa nang hilahin ako ni Nathan palapit sa bisita. Kinawayan ako ng ibang residents na kasabay ko sa pag gygym. Napatingin ako kay Zachary at nakitang tinitignan nito ang mga dala kong paper bags bago ako tinignan mula ulo hanggang paa.

Tumigil kami sa harap nya habang hindi napuputol ang titigan namin sa isa't isa. Ramdam ko ang inis sa tingin nya saakin at ganun rin ako sakanya.

Ano ba ang ginagawa nya dito?

"Mr. Ferrell, I'd like you to meet Adhara Aldevaro. She's also a resident here."

Habang pinapakilala ako ni Nathan, hindi parin nawawala ang tingin saakin ng lalaking nasa harap namin. Nag dalawang isip ako kung ilalahad ko ang kamay ko para mag pakilala pero nag desisyon akong huwag na ituloy.

No way!

"Nice to meet you. I believe we already met on the plane," panimula ko habang matalim ang tingin sakanya.

Umismid lang ito habang nakatingin parin saakin. "Pleasures are all mine. Nice to see you again, Miss."

Ang yabang!

Hindi ko alam kung napapansin ba ng mga tao sa paligid namin ang namumuong tension sa pagitan naming dalawa pero hindi ko na inintindi iyon. Makalipas ang ilang segundong titigan, ngumiti ako bigla na syang pinagtaka nya.

"I should go first; my bags are heavy. Enjoy your stay here."

Nanatiling nakatingin ito saakin kaya tumalikod na ako. Pag katingin ko kay Nathan ay naguguluhan ito saamin pero wala itong tinanong na kahit ano kaya nag lakad na ako papunta sa elevator.

Mysteries of Adhara SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon