Post-it 7. From Strangers to Strangers

29 1 0
                                    

(Inna's POV)

"Stop! Favor, please let's be strangers to each other again..."

AAAAAHHHHH! My gosh.. Kanina pa ako pagulong gulong dito sa bed ko. Left-right. Up-down. North-South. East-West. Ewan! Alas dose na, gusto ko ng matulog pero kahit anong pilit ko gising na gising pa ang diwa ko.

Sobrang bilis ng mga nangyari kanina na hindi ko talaga inaasahang mangyayari. Ika nga nila expect the unexpected, eh sobra naman ata yun pre! Huhu! Nagulat ako sa ginawa nyang pakikipag usap sa'kin, pero mas nagulat ako sa mga sinabi ko sa'kanya. Feel ko tuloy ako na ang bad sa storyang 'to. :'(( Sobrang mean ko ba? Haay.. Nakakaloka naman 'to!

Let's be strangers again? Eh bakit, close ba kayo Inna? Urrrgghh! Mali ata yung mga sinabi ko.

Dapat ata "Let's forget what happened. So bye!" Tama ba? Pwede na ba? Naku naman Inna, engot mo talaga oo. >__<

Pero maiba tayo.. Mag flashback muna tayo.

*FLASHBACK*

Dali dali na akong naglakad papalayo sa kanya after I said those words. Hindi ko maidescribe ang nararamdaman ko sa puntong yun, ang tanging gusto ko lang eh lumayo sa lugar na yun. Nakalabas na ako ng CAS building at nakita ko si Alex. Oo si Alex. And...

Nakaupo sya sa favorite table ko kung saan nakadikit yung mga post-its. Oh noo! Pero wait. Wala na kaming pasok ah, kanina pa.. Bumalik lang ako sa Chemistry Department upang kunin yung ipapa'photocopy namin para sa long quiz next week, anong ginagawa nya dito? And bakit sa paborito ko pang spot? At nagsusulat sya??

"ALLEEXX!" , malakas kong tawag sa kanya para sapol talagang marinig nya.

Gulat na gulat sya ng makita ko. Bigla-bigla nyang tinago ang papel na parang kulay green, tska may pink parang kulay ng mga post-its sa bag nya. Saka sya tumayo at kumaway.

"INNAAA!", sagot naman nya.

Naramdaman ko ang presensya ni Terrenze sa likod ko kaya pinuntahan ko na si Alex.

"Alex, pauwi ka na diba? Tara sabay na tayo!", sabay ngiting ganito (^_____^). Yung mukhang "thank you for saving me!" HAHAHA.

"Inna, ahh ehh.. Oo pauwi na ako. Tara, sabay na nga tayo." Sagot nya na gulat na nalilito na ewan ko.

"Teka, ano bang ginagawa mo dun? Tska kanina pa tapos klase natin ah. Kala ko sumabay ka ng umuwi kina Marianne at Nova." Pagtatanong ko na lang habang naglalakad na kami. We decided na maglakad lakad na lang upang makapag ehersisyo na rin (Weh? Sabihin mo, wala kayong pamasahe! HAHA)

"Ahh, ano.. Ano kasi.. Ah, binalikan ko yung sukli kong nalimutan kong kunin kanina sa canteen! Oo.. Yun nga. Tska may isinulat lang ako kanina sa notebook ko kaya ayun. Hehehe!" nauutal nyang sagot.

"Eh ikaw? Ba't andito ka pa?", dugtong nyang tanong.

"Ahhh.. Pinakuha kasi sa'kin ni Ma'am Dapun ang sheets na ipapa-photocopy natin para sa long quiz next week.", sagot ko naman. Medyo malakas pa ang pintig ng pulso ko gawa ng nangyari kanina. Pilit na pilit ang pagsasalita ko upang hindi mahalata ni Alex na nanginginig pa ako.

"Ahh, Ano Inna. Pwede bang magtanong? Nakita ko si Terrenze sa likuran mo kanina eh. Nililigawan ka na ba?"

Bigla kong nasipa yung malaking bato na nakaharang sa daraanan ko. "WWHHAAATT? NOOO! Aaaarraay ko po." (Caps Lock para intense. Mwahahaha!)

"Oh my gosh Inna! Are you blushing?"

"What?! Hindi no. Shut up Alex! >.<"

"HAHAHAHA! Ang kyuuut mo naman kasi. Hahaha! Pero sigurado kang hindi?" xDV

Post-it StrangerWhere stories live. Discover now