Kanina pa kating-kati tong mga paa kong tumayo at ng makauwi na. Ilang oras na rin kaming nakaupo dito at nakikinig "daw" sa Prof. namin. Paglingon ko sa mga kaklase ko bigla akong tumawa at dahil tumawa ako ng di ko alam eh napalakas pala kung kaya't na-special mention ako ng guro ko.
"Yes, Miss Lozare? How does the Electron Transport Chain process occur? What are the by products?"
"Sir? Ahh.."Oh Nooo! Malas naman oh.. Di pa naman ako nakikinig kasi nga kanina pa ako nabuburo sa lesson nyang Photosynthesis. Kung bakit kasi simpleng photosynthesis pinahihirapan pa kami. Urrgghh! (>_<)
Lingon sa kanan. . (.--) Lingon sa kaliwa.. (--.) Mga walangyang kaklase ko, kanya-kanyang iwas ng tingin sa'kin. Humanda kayo mamaya!
"Excuse me Sir. 5:30 na po." Binasag naman ni Pearly ang katahimikan."Oh Okay, class. Let's call it a day! Dismissed."
"Wooohh! Save by the bell". Mahina kong sabi.
"Sabihin mo, save by Pearly! HAHAHA." Bulong naman ni Madonna sa'kin.Nginitian ko naman si Pearly at nagpasalamat ako. Nagsitawanan naman kaming lahat sa nangyari. Nagpasalamat pa ang mga sira ulo sa'kin dahil daw nawala saglit ang antok nila. Ang babait talaga ng mga kaklase ko noh? (=__=)
"Inna! San ka pupunta? Di ka ba sasabay sa'min?" Sigaw sa'kin ni Rose.
"Di na! Mauna na kayo, may dadaanan pa pala ako!" Sigaw ko din sa kanila habang nagmamadali na kong tumakbo.To YOU:
"Don't ignore your feelings. Face it. There's nothing wrong with giving it a try."
At idinikit ko na sya sa ilalim ng table kung saan ko usually nakukuha ang post-it. Di ko alam kung bakit ako nag reply, ni di ko nga alam kung lalaki ba sya o babae. Gusto ko lang tumulong in my own simple way.Naglakad na lang ako palabas ng campus since iniwan na nga ako ng mga mababait kong kaklase.
At makakasalubong ko na naman pala sya sa hapong yun. Malayo pa lang sya tinititigan ko na sya ng biglang tiningnan nya rin ako. Bigla akong sumimangot kaya't hanggang nagkasalubungan kami ay nakasimangot pa rin ako at dire-diretso lang akong naglakad ng di sya tinitingnan.Masama ba? HAHAHA. Usually, di naman talaga akoganyan. Palangiti ako. Palakaibigan. May award na nga ako eh, "Ms. Smiley".(-_-) Oo, mga kaklase ko may pakana nyan, ginawa lang naman nila akongemoticon. Hmmp.
YOU ARE READING
Post-it Stranger
Historia CortaMay dalawang klase ng attraction-- una, positive attraction, na kung saan gusto mo yung mga katangian nya; pangalawa, negative attraction, dahil mas nauna mong nakita ang mga ayaw mo kaya naaasar ka sa kanya pero the truth is you are UNCONSCIOUSLY A...